Naisipan n'ya sa ibang silid pumasok at magpahinga, hindi n'ya kayang mag stay pa sa silid na 'yon. Naroon ang lahat ng masasakit na ala-ala n'ya. Pagpasok sa loob humanga s'ya sa ganda at ayos ng silid, may apat na silid sa itaas, hindi n'ya alam kung alin ang silid na ginagamit ni Giovanni. Tinawagan n'ya ang Mommy n'ya at sinabing doon sila mag di-dinner ni Giovanni, naramdaman n'ya ang excitement sa boses ng Mommy n'ya. Dalawang taon din naman kasi mula ng huli silang nagkita. Nasabi din ng Mommy n'ya na alam ng Kuya Lance n'ya ang pagdating nila, nasabi daw ni Giovanni. Kahit papano nabawasan ang guilt n'ya, dahil nag-uusap pa rin naman pala ang dalawa, magkaibigan pa rin naman pala ang mga ito. Tanging sila na lang ni Giovanni ang problema ngayon, paano ba nila maaayos ang pagsasam