Sa guest room n'ya pinatulog ang asawa, nilipat din n'ya ang mga gamit na dala nito sa guest room, magpapalit sila ng asawa ng silid na tutulugan. Alam n'yang nagtataka ang mga kasambahay sa kanila dahil alam ng mga ito na mag-asawa na sila, mabuti na lang at hindi nagtatanong ang mga ito. Kaya pala kanina wala ang asawa sa guest room dahil hindi ito pumasok sa silid, dahil sa takot na nararamdaman. Inakala pa n'yang umalis ang asawa at iniwan s'ya. At nakaramdam ng hindi maipaliwanag na tuwa ng makita ang magandang mukha ng asawa kanina. Hindi nga n'ya napigilan na yakapin ito. Malalim na ang gabi hindi pa rin s'ya makatulog, kanina pa s'ya nakatitig sa kisame habang nakahiga sa malaking kama sa masterbedroom. Hindi kasi mawala-wala sa isip n'ya ang magandang asawa. Mariin n'yang pinik