Ilang araw na mula ng mangyari ang eksena sa kanila ng asawa sa kusina, kung saan pinaalala n'ya sa asawa ang ginawa nito sa kanya dalawang taon na ang nakakalipas. She was only eighteen years old ng mangyari ang kalupitan ni Giovanni sa kanya, sa gabi pa mismo ng kasal nila. Paano mawawala sa isip n'ya ang bagay na 'yon? Sa tuwing hahawakan at hahalikan s'ya ng asawa ay maiisip n'ya ang kaharasan nito sa kanya, pati na ang panggagamit nito sa kanya ngayon, para makuha ang mana nito. Pero bakit sa kabila ng lahat ng 'yan mahal pa rin n'ya ang asawa. Bakit sa pag-iwas sa kanya ng asawa s'ya ang labis na nasasaktan. Sabado ngayon sa pagkakaalam n'ya walang pasok sa trabaho ang asawa. Nais sana n'yang yayahin itong umuwi ng San Rafael para madalaw ang mga magulang n'ya pati na rin ang Kuya L