"Hindi ito isang laro Iya. Kailangan mo ng bumalik sa San Rafael kasama ko, at magsasama tayo biglang mag asawa, sa iisang bubong." Litanya ni Giovanni, habang halos hindi na s'ya makahinga sa sobrang lapit nito sa kanya.
"And you think mapapabalik mo ko dahil lang sa sinabi mo?" Mariing tanong n'ya.
"Yes!" Mabilis na sagot nito, at nagyuko ito ng ulo at bago pa s'ya makaiwas nasa mga labi na n'ya ang mga labi nito. Nanlaki ang mga mata n'ya ng maramdaman ang mga labi nitong dumadampi sa mga labi n'ya. Sinubukan n'yang bawiin ang mga labi rito, pero lalo lang nadidikit ang dibdib n'ya sa malapad nitong dibdib. At hindi n'ya gusto ang nararamdaman sa sariling katawan. Lalo na ang pagsagi-sagi ng mga dibdib n'ya sa dibdib nito. May kakaibang init na hatid kasi 'yon sa kanya. Naramdaman n'yang lalong dumiin ang paghalik nito sa kanya. Slowly and seducing her. Pero hindi s'ya magpapadala sa mga halik ni Giovanni. Hinding-hindi na. Tapos na sila ng asawa. Oo asawa n'ya si Giovanni pero mula ng mangyaring ang gabing 'yon tinatapos na n'ya ang ano mang meron sila ni Giovanni. Para sa kanya asawa na lang n'ya sa papel si Giovanni at hanggang doon na lang 'yon. Oo dala-dala n'ya ang pangalang Saavedra pero sa papel lang 'yon.
Nanlaban s'ya at pilit kumakawala sa asawa. Hindi na n'ya hahayaang maulit ang nangyari noon.
"Iya." He whispered, matapos nitong pakawalan ang mga labi n'ya. Taas baba naman ang mga dibdib n'ya sa tensyong nararamdaman.
"Bitiwan mo ko Giovanni!" Mariing sabi n'ya. At muling nagpumiglas, at nagawa naman n'yang mabawi ang mga kamay na hawak-hawak nito. Buong lakas na tinulak n'ya ito, para makaiwas na rito. Hindi n'ya gusto ang nararamdaman sa pagkakalapit nila ni Giovanni. Naroon nanaman kase ang kakaibang nararamdaman n'ya sa tuwing malapit sa kanya ang asawa. At naroon parin ang takot n'ya sa asawa kahit dalawang taon na ang nakakalipas.
"Umalis ka na Giovanni!" Galit na sabi n'ya at binuksan ang pintuan.
"Umalis ka na," ulit n'ya.
"Aalis akong kasama ka Iya." Sagot nito, at naglakad palapit sa kinatatayuan n'ya at marahas na tinulak pasara ang pintuan. Napapitlag pa s'ya sa ginawa ni Giovanni. At napaatras sa takot.
"Bukas ng tanghali ang flight natin pabalik ng pilipinas"
"Hindi ako sasama Giovanni," agad na sabi n'ya.
"Kahit ayaw mo Iya, wala kang magagawa, sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo babalik tayo ng San Rafael, para maging asawa ko." Litanya nito.
"Hindi mo ko asawa Giovanni!"
"Kasal tayo Iya, baka nakakalimutan mo, ikaw ang gumawa ng paraan para makasal sa akin" Sumbat nito. Alam n'yang s'ya ang gumawa ng paraan para makasal kay Giovanni at pinagsisisihan n'ya ang bagay na 'yon. Isa 'yon sa pinaka malaking pagkakamaling nagawa n'ya sa buong buhay n'ya, at pagsisisihan n'ya ng habang buhay.
"Hindi ako sasama sa iyo!" Mariing sagot n'ya at hakmang bubuksan muli ang pintuan ng mabilis na tinulak muli ni Giovanni 'yon pasara. Natilihan s'ya at natakot kay Giovanni. Kitang-kita na kase ang galit sa mga mata nito.
"Aalis akong kasama ka!" Mariing sabi nito at nakipag sukatan ng tingin sa kanya.
"Hindi ako sasama sa iyo!" Galit na sagot n'ya.
Hinding-hindi na s'ya babalik ng San Rafael, mula ng umalis s'ya ng San Rafael ay pinangako n'yang hinding-hindi na s'ya babalik pa at hindi-hindi na s'ya makikisama pa kay Giovanni na asawa n'ya.
Sa loob ng dalawang taon, wala s'yang ibang ginawa sa New york kundi mag-aral at mag trabaho, para kalimutan na si Giovanni ang lalaking pinakasalan n'ya dalawang taon na ang nakakalipas. Ang lalaking tanging minahal n'ya. Ang lalaking tanging nanakit sa kanya ng sobra-sobra.
"Kung kinakailangan kaladkarin kita papuntang airport ay gagawin ko Iya, maiuwi lang kita ng San Rafael!" Banta nito at lumapit sa kinatatayuan n'ya. Marahas nitong hinila ang braso n'ya, pakiramdam n'ya tuloy natanggal 'yon dahil sa lakas ng paghila nito sa braso n'ya at mahigpit na hinawakan. Nagsisimula nanaman sa pagiging marahas si Giovanni sa kanya. Ito ang bagay na kinatatakutan n'ya sa asawa ang paggamit nito ng dahas sa kanya.
"Bitiwan mo ko!" Pagmamatigas n'ya. Hindi s'ya pwedeng magpakita ng kahinaan sa asawa.
"Sasama ka sa akin Iya, sa ayaw at sa gusto mo! Ibabalik kita ng San Rafael at ihaharap sa pamilya ng Papa ko," mariing sabi nito sa kanya, habang humahaplos ang mainit nitong hininga sa mukha n'ya.
"Bitiwan mo ko Giovanni! Nasasaktan ako" mariin n'yang sabi. Nasasaktan s'ya sa mahigpit na pagkakahawak nito sa braso n'ya, ramdam n'ya ang pagbaon ng mga kuko nito sa balat n'ya.
"Ganoon ba ka importante ang pagharap ko sa pamilya mo at nagawa mo pa kong sadyahin rito?" taas noong tanong n'ya.
Mula kase ng umalis s'ya ng San Rafael hindi na sila muling nag-usap ng asawa. Ang sekretarya nito ang kumakausap sa kanya. Buwan-buwan itong nagpapadala ng pera para pang gastos n'ya, pero buwan-buwan din n'yang binabalik ang mga pinadadala ng asawa. Kaya halos patayin n'ya ang katawan sa pagtatrabaho para may maipantustos sa pag-aaral n'ya. At kapag kinakapos nagsasabi s'ya sa Kuya Lance n'ya at agad naman s'yang pinadadalhan nito.
"Yes Iya, ihaharap kita sa Papa ko, kaya ako mismo ang nagtungo rito para hindi ka makaiwas pa." Sagot nito, habang mahigpit parin ang pagkakahawak nito sa braso n'ya. Napapangiwi na s'ya sa sakit pero hindi s'ya nagpapahalata, nais n'yang magmukhang matapang at matatag sa harapan ng asawa.
"Hindi pa rin ako sasama sa iyo Giovanni, nagsasayang ka lang ng oras mo," matatag na sagot n'ya at sinalubong ang mga mata ng asawa. Nakipagsukatan ito ng tingin sa kanya. Hindi naman nakaligtas sa kanya ang pagsulyap ng asawa sa dibdib n'yang halos kita na nito dahil matangkad ito sa kanya. At nararamdaman n'ya ang kakaibang paghinga ng asawa.
"Kung magmamatigas ka Iya mapipilitan akong gamitan ka ng dahas maiuwi ka lang!" May pagbabanta sa tono nito. Ngumiti s'ya ng patuya.
"Wala ka na bang ibang alam gawin kundi ang gumamit ng dahas para makuha mo ang gusto mo?" Tuya n'ya rito.
Minsan na n'yang naranasan ang paggamit ng dahas ng asawa sa kanya. Ang paggamit nito ng dahas noon ang dahilan kung bakit umalis s'ya ng San Rafael noon, at pinangakong hinding-hindi na n'ya mararanasan ang naranasan noon sa mga kamay ng asawa.
Nakita n'yang nag iba ang ekspresyon ng mukha ng asawa at binitiwan ang braso n'ya. Agad n'yang hinawakan ang braso at nakaramdam ng sakit, nakita n'yang namumula 'yon at bakas na bakas ang mga kamay ng asawa roon.
"Ayusin mo na ang mga gamit mo! May reservation na ko sa Hotel na malapit sa ariport, doon na tayo magpapalipas ng gabi," utos nito.
"Hindi mo-"
"Sumunod ka na lang Iya, kung ayaw mong maranasan muli ang dahas na sinasabi mo"