Giovanni-1

1070 Words
Sunud-sunod na doorbell ang narinig n'ya mula sa pintuan ng apartment na tinitirhan n'ya sa New York. May pagmamadali sa nag do-doorbell, hindi kasi ito tumitigil sa pagpindot sa doorbell. "Sino naman kaya ito ang aga-aga" bulong n'ya at nagmamadaling bumangon mula sa pagkakahiga. Marahil ang kaibigan si Lauren ang nasa labas at baka nag-away nanaman ito at ng boyfriend nito kaya ang aga-agang nambubwisit. "Sandali lang!" Hiyaw n'ya, dahil sinasabayan na ng malakas na katok ng nasa pintuan ang pag doorbell nito na lalong lumilikha ng ingay, at baka may kapitbahay pang makarinig at ireklamo ang unit n'ya. "Bakit ba Lauren!" Inis na sabi n'ya ng buksan ang pintuan. Natigil s'ya at nanlaki ang mga mata n'ya ng hindi ang kaibigan ang nabungaran n'ya sa labas ng pintuan. "Giovanni," mahinang usal n'ya na saktong lumabas lang sa bibig n'ya ang pangalan ng lalaking kaharap, habang nakatingin sa kanya ang walang ekpresyon na lalake. Nakasuot ito ng leather jacket at white shirt sa loob, at pants. Naamoy din n'ya ang mabangong pabango nito na sumalubong sa kanya sa pagbukas n'ya ng pintuan. "Hi," walang emosyong bati ng lalake sa labas ng pintuan. Naramdaman n'ya ang pagkabog ng dibdib n'ya ng marinig ang baritonong boses ng lalaking kaharap. "Anong-?" Hindi n'ya magawang ituloy ang nais sabihin, dahil na di-distract s'ya sa gwapong lalaking kaharap. Napansin ang pagsuri nito sa kanya at pagkunot ng noo nito at pagtaas ng kilay habang pinaglalandas ang mga mata nito sa suot n'ya. Pasimple n'yang niyuko ang sarili. Napakagat labi s'ya ng mawaring manipis na lingerie lang ang suot n'ya na halos naaaninag na ang katawan n'ya sa nipis ng suot n'ya. "Stop biting your lower lip," mariing utos nito na kinagulat n'ya at napa tindig. "Are you expecting someone?" Tanong nito at nagtuloy sa pagpasok sa loob, napaatras s'ya at tumabi sa gilid para makapasok ito ng tuluyan sa loob. "Hinihintay mo ba ang lover mong si Lauren kaya ganyan ang suot mo?" Tanong nito. Kumunot ang noo n'ya at nagkibit balikat na lang. Kung iniisip nitong lalake si Lauren bahala na ito. "What are you doing here Giovanni?" Tanong n'ya at isinara ang pinto ng apartment. Napansing n'yang sinusuri nito ang loob ng apartment n'ya. Well nasa New york s'ya at hindi n'ya kayang umupa ng malaking apartment dahil sa mahal na renta, pinagkakasya lang n'ya ang kinikita n'ya sa pag we-waitress sa isang restaurant malapit sa apartment n'ya, kaya hindi n'ya kayang kumuha ng malaking apartment sa mga kilalang building. Pero masasabi n'yang komportable s'ya kahit maliit ang apartment n'ya. Isa pa kumpleto naman ito sa mga modernong kagamitan. "Sinong kasama mo rito?" Tanong nito na hindi man pinansin ang tanong n'ya rito. "I live alone," tipid na sagot n'ya. Liningon s'ya nito at hindi nanaman nakaligtas sa kanya ang pagtingin nito sa suot n'ya. Nais tuloy n'yang tumakbo sa silid at kumuha ng roba para ibalot ang sarili. "Living alone? Pero may Lauren na dumadalaw," taas kilay na sabi nito at pinaglandas ang mga mata nito sa kanya, mula ulo hanggang paa. Nakaramdam s'ya ng kakaiba sa pagsuri sa kanya ni Giovanni, kakaiba na hindi n'ya maipaliwanag kung ano? At bakit n'ya nararamdaman? "Bakit ka narito Giovanni?" Tanong n'ya. Hindi pinansin ang sinabi nito, "I'm here to get you Iya!" "Ano?" Kunot noong tanong n'ya sa sinabi nito. "Andito ako para i uwi ka sa San Rafael!" Sagot nito at tinignan s'ya sa mga mata. "At bakit mo gagawin 'yon?" Kunot noong tanong n'ya. "Pumunta ako dito para personal kung sunduin ang asawa ko," patuloy nito na sadyang pinakadiinan pa ang salitang asawa. Hindi pinansin ang tanong n'ya. "Na-iibang ka na Giovanni!" "Andito ako para i uwi ka at gampanan mo ang papel mo bilang asawa ko! Bilang Mrs. Saavedra na dalawang taon mo nang tinakasan," patuloy na litanya nito. Lumalim ang kunot sa noo n'ya at napatitig sa magagandang mga mata ni Giovanni. Tama ba ang narinig n'ya mula rito? Nais nitong i uwi s'ya ng San Rafael para gampanan ang papel n'ya bilang asawa nito? Hindi ba't galit ito sa kanya at kinamumuihan s'ya nito? At bakit ngayon nais nitong ibalik s'ya ng San Rafael at gampanan ang papel n'ya bilang asawa nito? "Iuuwi na kita ng San Rafael Iya," patuloy nito at humakbang palapit sa kinatatayuan n'ya. Napaatras s'ya dahil nais makaiwas rito. "Bukas na bukas babalik na tayo ng Pilipinas. Para na rin hindi na kayo magkita ng Lauren na 'yan," may galit na sabi nito. Napasiksik s'ya sa dingding ng wala na s'yang maatrasan pa. "Anong bang sinasabi mo?" Garalgal na tanong n'ya habang kahibla na lang ang pagitan nila sa isat-isa. Huminto ito sa tapat n'ya ng halos magdikit na ang kanilang mga katawan. Nagyuko ito ng ulo at naramdaman ang mga mata nitong nagtagal sa may dibdib n'yang halos kitang-kita na sa suot n'yang manipis na pantulog, wala pa naman s'yang suot na bra. Pakiramdam n'ya hindi s'ya makahinga habang pinaglalandas ni Giovanni ang mga mata nito sa katawan n'ya. "You all grown up Iya, after two years masasabi ko'ng malaki ang pagbabago ng katawan mo," bulong nito sa kanya na halos nasasamyo na n'ya ang mainit na hininga nito. "Tanda ko pa ang bawat detalye ng katawan mo Iya," patuloy nito. Kumunot ang noo n'ya. At may kakaibang naramdaman sa katawan. "Umuwi ka... na Giovanni!" Garalgal na sabi n'ya at sinubukang itulak ito. Pero nahawakan nito ang mga kamay n'ya. "Ano ba!" Hiyaw n'ya at pilit binabawi ang mga kamay na hawak hawak nito. "Gaya ng sabi ko kanina," simula nito at marahas na tinaas ang mga kamay n'ya sa may ulo n'ya. "Giovanni ano ba!" Sinubukan n'yang magpumiglas. Pero lalo lang sinisiksik ni Giovanni ang katawan nito sa katawan n'ya. Nararamdaman n'ya ang pagbunggo ng dibdib n'ya sa matigas na dibdib nito. At hindi n'ya gusto ang nararamdaman. "Ibabalik kita ng San Rafael Iya, at gagampanan mo ang papel mo, bilang asawa ko! Gagampanan mo ang tungkulin mo sa kama ko!" Litanya nito na tila nanunuot ang bawat salita nito sa katawan n'ya at nakakaramdam s'ya ng kakaibang init na dumadaloy sa katawan n'ya pababa. "Anong palabas ito Giovanni?" Mariing tanong n'ya. Alam n'yang kinamumuihan s'ya ni Giovanni. Halos ipagtulakan nga s'ya nito noon, at bakit ngayon nasa harapan n'ya ito at nais s'ya nitong ibalik sa San Rafael para gampanan ang papel n'ya bilang asawa nito? Anong laro ang nais nitong laruin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD