Kanina pa n'ya tinitigan si Iya na mahimbing na natutulog sa passenger seat, nakatulog ito dala ng alak. Kung bakit naman kasi inubos nito ang laman ng wine. Iniling n'ya ang ulo at lalo pang pinagmasdan ang asawa. Nakarating na sila sa bahay, at nais muna n'yang pagmasdan ang magandang mukha ng asawa. "Iya," bulong n'ya, habang pinaglalandas ang mga mata sa kabuuhan ng mukha ng asawa. Mula sa nakapikit nitong mga mata na may mahahabang pilik mata, matangos na ilong, mga labing parang ang sarap halikan. Napalunok s'ya sa naisip at bumaba ang mga mata sa leeg ng asawa, pababa pa sa may dibdib nito na bahagyang sumisilip anh clevage nito. Muli s'yang napalunok. Nakatiis s'ya ng mahigit dalawang taon na walang babae at walang s*x life, dahil iniwan s'ya ng asawa. Wala s'yang kinasamang iba