"KUNG ako lang ang may-ari nitong bar, ipina-ban ko na ang Throne Madrigal na 'yon. He's a stress-carrier!"
Under normal circumstances, Christmas would have laughed at the intensity in Dana's voice. Pero masyado pa siyang nalulunod sa hapding nararamdaman para ngumiti man lang. Parang sirang plakang paulit-ulit sa kanyang isip ang masasakit na salitang binitiwan ni Throne. Kaya lalong hindi maampat ang kanyang pagluha.
Isa pa, naaawa rin siya sa sinapit ni Seth. Nahuli pa niya ang pagrehistro ng lungkot sa mga mata ng lalaki bago siya hinila ni Throne palabas. Sa pagkakataong iyon ay hindi niya ikinatuwa ang pagiging possessive ng huli. Dahil hindi niya iyon matatawag na batayan para isiping may katugon din ang nararamdaman niya para kay Throne bukod sa pinagdudahan pa siya ng binata.
Yes, that might prove that he had a thing for her but it wasn't enough to prove that it was love. Dahil kung mahal siya ni Throne ay maiintindihan siya nito.
Napasulyap si Christmas sa hawak na cell phone. Just call, Throne, and explain. Susubukan kitang intindihin... pangako. Pero lumipas ang ilang oras ay ni hindi man lang naisipang magdala ng text message ng binata hanggang sa senyasan na sila ng female staff ng resto bar.
Mapait na ngumiti si Christmas. Ibinulsa niya na ang cell phone, inayos ang sarili at pinahid ang kahuli-hulihang luhang pumatak sa kanyang pisngi pagkatapos ay sabay-sabay na silang lumabas ng kanyang mga kagrupo mula sa backstage.
Pinilit niyang ngumiti nang marinig ang masigabong palakpakan na kaagad na isinalubong sa kanila ng mga customers. Kasabay ng pag-alingawngaw ng tunog ng piano ni Kylie ay ang pagsisimula ng unang requested song sa kanila nang gabing iyon.
Mariing ipinikit ni Christmas ang kanyang mga mata. Hindi niya sineryoso ang kanta nang mag-practice sila kanila pero hindi niya inakalang iyon pa pala ang magiging theme song ng kanyang puso para sa gabing iyon.
"It's not easy letting go. Time just seem to run so slow. Every night just seem to last forever. It's not easy letting go, not when hearts are saying no. Can't we talk it out 'cause it's not easy letting go..."
Kasabay ng pagtulo ng mga luhang hindi niya napigilang pumatak ay ang pagsagi sa kanyang alaala ng napag-usapan nila ni Throne nang nagdaang araw.
"Tell me something about yourself, Chris," out of the blue ay sinabi ni Throne habang pinapanood nila ang paglubog ng araw sa Manila Bay.
Noong una ay tinawanan lang siya ni Throne nang sabihin niyang gusto niyang pumunta roon pero sa huli ay pinagbigyan din siya ng binata.
Napangiti si Christmas. "Ano pa ba'ng maikukwento ko? Parang lahat na yata, nasabi ko na sa 'yo."
"What about your dreams? Or your plans years from now?"
"Teka... ano nga ba?" Sandali siyang napaisip bago pumitik sa ere. "Ah, alam ko na! Simple lang naman ang pangarap ko, eh. I just want to be married to the man I love. To build a family with him and hopefully..." Masuyo niyang tinitigan ang binata na kasalukuyan pa ring tutok na tutok ang atensiyon sa paglubog ng araw. "And hopefully... grow old with him."
"Love... alam mo bang madalas ko 'yang naririnig sa mga babae?" Nilingon siya ni Throne. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ng binata. "Pero wala pa rin akong kaide-ideya sa bagay na 'yan hanggang ngayon. Will you tell me something about love? I don't want to Google it."
Nabura ang ngiti ni Christmas. Nang mga sandaling iyon ay gusto niyang hanapin ang mga magulang ni Throne at ipamukha ang sinapit ng binata dahil sa kapabayaan ng mga ito.
"Throne..."
"Don't look at me like that." Naglihis ng tingin ang binata. "I know it's a major turnoff not to know something about love. Pero ayoko namang magmarunong." Nagkibit-balikat si Throne. "I never had a happy childhood, you know. Aksidenteng nabuntis lang ni Papa si Mama nang minsang malasing sila kaya sila nagpakasal. That's why I never felt the love you've been talking about. All I can remember is how they quarreled every freaking day of my life until they finally separated.
"You see, I was my mother's greatest regret. Bar girl siya noon at ang akala niya, aasenso siya kay Papa kaya hinayaan niya ang sariling mabuntis. Pero nagkamali siya ng research. Because Lolo disinherited my father a long time ago. Mas pinili pa kasi ni Papa ang pagpipinta kaysa ang pamahalaan ang lending company." Throne breathed heavily. "He was just a struggling painter at that time. Palaging iginigiit ni Mama na bumalik na si papa kay Lolo at baka sakaling tanggapin pa siya. Hanggang sa dumating si Cassandra. Pero wala pa ring nagbago. Sa pagyaman pa rin nag-focus si Mama. And then she grew tired waiting and Dad grew tired of everything. Naghiwalay sila nang hindi man lang iniisip kung ano ang mangyayari sa amin ni Cassandra."
Throne's expression hardened. "Fortunately, Lolo volunteered to keep me and my sister. Pero hindi niya kami minahal. Ginawa niya kaming alila sa bahay niya. He was cold and distant. Ang konsolasyon na lang namin, pinag-aral niya kami sa public school even though he was a millionaire. Then he died and I got the surprise of my life when he left me the company. Sabagay, wala naman siyang choice. I'm his only grandson," mapaklang wika ng binata bago muling humarap sa kanya.
"I don't have the best role model when it comes to love, Chris. Hindi ko alam ang salitang pagmamahal dahil unang-una, hindi ko naman naranasan ang mahalin. Hell, I don't even know why I'm telling you this but-"
"Tama na." Nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha ni Christmas. "Love is a lot to explain, Throne. Let me just summarize it the easiest way I know how," magiliw niyang sinabi pagkatapos ay tinakpan ang bibig ni Throne ng sariling mga labi para hindi na magsalita pa ang binata.
It broke her heart to hear him say those things. Habang binibigyan siya ni Throne ng pasilip sa naging nakaraan nito ay hindi niya maiwasang masaktan sa sinapit ng binata. Kinabig siya nito sa batok at tinugon ang kanyang halik sa kaparehong intensidad.
Hindi alam ni Christmas kung paanong nangyari pero naramdaman niya ang lahat ng itinatagong sakit ni Throne sa simpleng paghalik lang. And suddenly it was clear to her. He did not mention it but all these years... it seemed that all he just wanted was a place he could call his. A home...
Biglang iminulat ni Christmas ang mga mata kasabay ng paghinto sa pagkanta. Nakalimutan niya. Hindi nga pala expressive na tao si Throne. He was like a wounded soul hiding inside a wild beast. He didn't have any choice but to become a beast because circumstances turned him into one.
Paano pala kung pareho lang sila ng nararamdaman at naguguluhan lang si Throne dahil naninibago ito? Paano pala kung ang kailangan na lang niyang gawin ay ipa-realize iyon sa binata? He had been bitter all his life, how could he know it was love once he felt it? Oh, God.
"I'm so sorry, people," ani Christmas sa mga taong nagsisimula nang magbulungan nang mga sandaling iyon. "Pero nagmamahal po kasi ako at sa tingin ko, may pag-asa rin po ako sa taong 'yon kahit paano. And I need to go and find him now for him to realize that." Humihingi ng pang-unawang napatingin siya sa mga kabanda bago nagmamadaling bumaba ng stage.
"Chris!" Napalingon siya sa narinig na paghabol ni Dana. "Gano'n na lang ba 'yon? Pagkatapos ng-"
Napahugot siya ng malalim na hininga. "Ang totoo niyan... nasasaktan pa rin ako. Paglabas ko ng pintong 'yan," tinuro niya ang exit. "Hindi ko alam kung ano'ng naghihintay sa akin. Either I find him or... he finds me. Pwede ring lalong lumabo ang lahat, ewan. Hindi talaga ako sigurado." Nagkibit-balikat siya. "But I know one thing. Love forgives, Dana." Kumaway siya sa kinakapatid at tuluyan nang lumabas ng pinto pero bago iyon ay napangiti pa siya sa narinig na pagtsi-cheer sa kanya ng mga tao. Magdilang-anghel sana kayong lahat.
"Humanda ka, Rodrigo. We'll go Throne-hunting," kaagad na bungad ni Christmas sa kanyang bodyguard pagdating niya sa parking lot.
"THANK you for the words of wisdom, Brylle," sarkastikong sinabi ni Throne pagkalipas ng mahabang sandaling pagkatulala. "The whole world makes sense again." Inagaw niya mula sa pinsan ang dala nitong bote ng alak pagkatapos ay walang lingon-likod na lumabas na ng bahay nito. Nang makalabas na ay natigilan siya.
Saan nga ba siya pupunta? Bigla siyang naduwag na umuwi sa malaking bahay na naghihintay sa kanya sa Forbes Park na siguradong mga katulong lang ang kanyang madaratnan. Napasulyap siya sa pagmamay-aring pulang Ferrari sa garahe. He felt like emptiness was about to swallow him any moment.
"It's a long journey when you're on your own, man," anang boses ni Brylle kasabay ng malakas na pagtapik sa kanyang balikat. Ni hindi niya man lang namalayan na sumunod pala ang pinsan sa kanya. "Bakit ba kasi hirap na hirap kang palayain ang sarili mo at amining nagmamahal ka na nga talaga? Lesson number two, love can be liberating, Throne." Inagaw ni Brylle ang bote ng alak na hawak niya. "Hangarin mo namang maging masaya kahit minsan. Deal with Jethro the jerk once and for all. Suntukin mo siya hanggang gusto mo. Apologize to Cassandra afterwards and just love Christmas Llaneras."
His jaw clenched. "I can't. Nangako ako kay Cassandra na-"
"Damn it, Throne!" Mas malakas na tinapik siya ng pinsan. "Hinayaan kita sa plano mong maghiganti dahil wala akong nakikitang direksiyon sa buhay mo noon! Alam kong sagad na sagad ka na at konti na lang, bibigay ka na. Revenge prevented you from losing your sanity. Because you were this close," Pinaglapit ni Brylle ang dalawang daliri nito na halos gahibla na lang ang layo sa isa't isa. "From going down the drain. Pero iba na ngayon. You now have the chance to belong to someone, man. Grab it. Own it. Love it."
Marahas na napabuga ng hangin si Throne. Inalis niya ang kamay ni Brylle sa kanyang balikat pagkatapos ay dumeretso na sa kotse.
"For heaven's sake, Throne! Take a damn leap!"
Naikuyom niya ang mga kamay sa narinig na pahabol ng pinsan bago tuluyang pinaandar palayo ang sasakyan nang walang tiyak na patutunguhan.
Habang nagmamaneho ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Bigla ay pumasok sa isip ni Throne si Christmas, ang matatamis na ngiti ng dalaga at ang buhay na buhay na mga tawa nito habang sumasayaw sa gitna ng ulan.
Itinigil niya ang kotse. Binuksan niya ang bintana sa kanyang gawi at inilabas ang kamay. Pinakiramdaman niya ang bawat patak ng ulan na bumabagsak sa kanyang palad.
"For heaven's sake, Throne! Take a damn leap!"
Would Throne dare take a leap? Mariin niyang naipikit ang mga mata. And for the first time in his life, he acknowledged that yearning feeling inside him, the thirst that only one woman could surely quench. Mabilis siyang napamulat. Bago pa namalayan ni Throne ay hawak na niya sa isang kamay ang kanyang cell phone. Idadayal niya na sana ang numero ni Christmas nang mag-ring ang cell phone niya. Ang dalaga ang tumatawag. Kumakabog ang dibdib na sinagot niya ang tawag.
"Throne, I've been looking everywhere for you! Nasa'n ka ba? Nanggaling na ako sa office mo pero wala ka raw do'n. Nagpunta na rin ako sa ibinigay mo sa 'kin na address ng bahay mo noong isang araw pero hindi ka pa raw umuuwi." Narinig niya ang malakas na pagbuntong-hininga ni Christmas. "Alam mo bang masama pa rin ang loob ko sa 'yo? Ang sakit mo kasing magsalita at sobra ka pa kung mambintang. Pero mag-usap naman sana tayo. May kailangan lang akong klaruhin sa 'yo."
Ipinasok na ni Throne ang basang-basa niyang palad at balewalang inihawak iyon sa manibela.
"Nandito ako sa tapat ng office mo."
Hindi umimik si Throne, sa halip ay nagsimula na siyang magmaneho. Malapit lang ang opisina niya sa bahay ni Brylle.
"Throne, malakas ang ulan sa labas. Nasa'n ka ba kasi?" Malakas na tumikhim ang dalaga. Sa pagkakataong iyon ay hindi na naitago sa malambing na boses nito ang pag-aalala. "May... may payong ka ba?"
A soft smile appeared on his lips. Kakaiba talaga si Christmas. Para bang napakadali lang para sa dalaga na basagin ang kanyang depensa na pinaghirapan niyang itayo at ipalibot sa kanya sa nakalipas na mga taon. Sa isang iglap ay naglaho ang kahungkagang nararamdaman niya. Pero kasabay niyon ay ang paglitaw ng kakaibang emosyong lumulukob naman ngayon sa kanyang puso. God... Brylle is right. I am crazy about her.
Binilisan lalo ni Throne ang pagmamaneho. "Hintayin mo 'ko. I'll be there." Narinig niya ang pagbuga ni Christmas ng hangin na para bang nakahinga na ito nang maluwag.
"Thank you, Throne. Alam mo bang kanina pa kita-"
"Christmas Llaneras..." He said in a rough voice. "I'm sorry. I was... jealous."
Kasabay ng malakas na pagsinghap ng dalaga ay ang paglawak ng ngiti niya. Bukas na 'ko mag-iisip. Bukas na rin ako mag-aalala. I just wanna love you tonight. I just wanna live tonight.