Chapter Seven

2442 Words
UNTI-UNTI ay naramdaman ni Throne ang pagkalma ng nanggagalaiti niyang puso nang mga sandaling iyon. Napamulat siya nang maramdaman ang mga braso ni Christmas na pumaikot sa kanyang batok. Her eyes were still closed but he could feel her silent surrender. He gave it all in the kiss-his disappointments, his bitterness, his pain, and his... fear. And Christmas responded as if she understood them all. Saglit niyang naipikit nang mariin ang kanyang mga mata bago dahan-dahang pinakawalan ang dalaga. Lihim siyang napamura nang mapansin ang bahagyang pamamaga ng mga labi ni Christmas. Maingat na hinaplos niya ang mga iyon. "I'm sorry." Masuyo itong ngumiti, ang ngiting hindi maintindihan ni Throne kung bakit ipinagdadamot niyang makita ng iba. Wala na siyang narinig na anumang tanong mula sa dalaga na siyang ipinagpapasalamat niya. Dahil hindi niya rin alam kung paano magpapaliwanag kung sakali. Habang nakatitig si Throne sa kulay-tsokolateng mga mata ng dalaga ay naramdaman niya ang tuluyang pagbalik sa normal ng kanyang paghinga. Ang mga mata ni Christmas ay para bang nangangako ng isang bahaghari pagkatapos ng mahabang pag-ulan. "It's okay, Throne," she said in the sweetest voice he had ever heard. "It's okay." Mas maingat na sa pagkakataong iyon na hinapit niya sa baywang si Christmas. Idinikit niya ang kanyang noo sa noo nito at saka muling pumikit. God... this feels great. NAIKUYOM ni Jethro ang mga kamay habang nakatitig sa tulalang anyo ni Cassandra. Dahan-dahan siyang lumapit sa kama ng dalaga at iniharap ang mukha nito sa kanya. Sandali niyang nakita ang pagdaan ng recognition sa mga mata nito pero mayamaya lang ay blangko nang muli ang mga iyon. "Damn it, Cass. Why are you fighting it?" Sunod-sunod ang naging malalalim na paghinga ni Jethro, umaasang sa pamamagitan niyon ay mapapawi kahit paano ang sakit na nararamdaman. Hinaplos niya ang mga pisngi ni Cassandra. "Sana... sana nakinig ka sa 'kin noon. Alam mo kung gaano kita kamahal and I was willing to accept you, Cass, but your heart..." He laughed bitterly. "But your heart's just too damned stubborn." Matagal nang alam ni Jethro ang sitwasyon ni Cassandra dahil siya ang huling tinawagan nito bago nangyari iyon sa dalaga. Wala na siyang sapat na lakas ng loob para makita ito kaya siya umalis at nagpunta sa Spain. Pagbalik naman niya sa Pilipinas ay nilunod ni Jethro ang kanyang sarili sa trabaho, umaasang sa paraang iyon ay makakalimot na siya, na hindi totoong nangyari ang lahat ng iyon kay Cassandra. But the more he made himself believe that he was no longer in love with Cassandra, the more he found his heart yearning for her. "Bumalik ka na sa dati, Cass, and deal with this. 'Wag mong takasan ang realidad para lang makatakas sa sakit na nararamdaman mo. Come back and stop being like this. Stop torturing me." Halos pakiusap na ni Jethro. "You've been hurting me for quite a long time now. Mapagod ka naman." Nang hindi na makontrol ang sarili ay tumalikod na si Jethro at tuloy-tuloy nang lumabas ng ospital. Papasok na sana siya sa kanyang kotse nang makita si Chad. Biglang nagdilim ang kanyang paningin. Bago pa niya mamalayan ay nasa harap na siya ng lalaki. Agad namang namutla si Chad nang makilala siya. "Damn you! Nakuha mo pa talagang magpakita rito?" Hindi nakapagpigil na binigyan ni Jethro ng dalawang magkasunod na suntok sa mukha si Chad. "The first one is for Cassandra and the second is for the baby!" Nang makuha pang makatayo ng lalaki ay ubod-lakas na sinipa niya ito sa dibdib. "And the last is for me!" humihingal sa galit na sinabi niya. "P-patawarin mo 'ko, Jethro," nakayukong sagot ni Chad nang marahil ay makabawi na. Mariing ikinuyom ni Jethro ang mga kamay para pigilan ang sariling saktan uli si Chad. "Get the hell out of my sight, Galvez. Bago ko pa makalimutang may tatlong buhay na umaasa sa 'yo." Hindi siya nagdalawang-salita. Kahit hirap ay sinikap ni Chad na tumayo. Jethro's jaw tightened while watching Chad walked away. Mayamaya ay muli niyang ibinalik ang tingin sa ospital. "Multitalented ka talaga, Cassandra," nagsisikip ang dibdib na bulong niya. "For how else can I explain how you can make me love you and hate you all at the same time?" "IT'S WEIRD but when I look at him, I see... rage." Kunot-noong binalingan ni Christmas ang kinakapatid na si Dana na siyang drummer nila sa banda. Tanging si Dana lang ang nagkomento nang ganoon nang mapag-usapan si Throne. Sandali silang nagpahinga mula sa pagre-rehearse ng mga kakantahin nila para sa gabing iyon sa resto bar. "Unang kita ko pa lang sa kanya, 'yon na ang napansin ko," patuloy ni Dana. Hindi alam ni Christmas kung saan nagmula ang pagbundol ng kaba sa kanyang dibdib sa sinabi ng kinakapatid. Tahimik lang si Dana pero mapanuri itong tao. Hindi si Dana ang tipo na basta na lang nagbibigay ng opinyon nang hindi pinag-iisipan nang husto. "At kanino naman siya magagalit?" Ani Laurie, ang lead guitarist nila. "Hindi ko alam. Baka kay... Chris?" Nagkibit-balikat si Dana bago muling humarap sa kanya. "Hindi ka ba nagtataka kung paanong pinapansin ka na niya ngayon samantalang ang sabi mo, halos ka niya tapunan ng tingin noon?" "Magkaiba ang noon sa ngayon. Malay mo, biglang nagbago ang tingin niya sa 'kin nang magkita kami uli?" ani Christmas pagkatapos ng sandaling katahimikan. "Besides, he said it was... extreme like at second sight." Pinilit niyang tumawa para alisin ang namumuong tensiyon sa kanyang dibdib. "Ano ka ba, Dana? Nangyayari talaga ang mga gano'n. I loved him the moment I saw him walk through our door and he liked me the moment he saw me again. It's almost the same thing." "Pero hindi ka ba nabibilisan?" Napailing si Christmas. Kung tutuusin ay nababagalan pa nga siya sa takbo ng mga pangyayari. Mahigit dalawang buwan na silang nagde-date ni Throne. He would kiss her often and would embrace her whenever he wanted and yet, she still did not know what to call their relationship. Ayaw niyang mag-assume na sila na dahil wala namang binabanggit ang binata at iyon ang ikinatatakot niya. Paano kung na-realize ni Throne na hindi pala umabot sa pagmamahal ang pagkagustong nararamdaman nito para sa kanya? Makakaya kaya niya samantalang asang-asa na ang puso niya? Magsasalita pa sana si Dana nang gambalain sila ng para bang nahihiyang paraan ng pagtawag kay Christmas. Paglingon niya ay nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang papalapit na si Seth na may dalang bouquet ng mga bulaklak. Dalawang araw pagkatapos na magising ni Seth sa ospital ay nai-discharge na rin kaagad ang binata. Hiningi nito ang kanyang contact number na nakahiyaan naman niyang ipagkait. Mula noon ay madalas na ring tumatawag-tawag si Seth pero ngayon lang ito nagpakita sa kanya. Para bang nahihiyang napakamot sa batok si Seth nang tuluyang makalapit sa kanya. "Pasensiya ka na, ngayon lang kasi ako nakaipon ng lakas ng loob para puntahan ka." Narinig ni Christmas ang para bang kinikilig na kantiyawan ng mga kabanda samantalang pasimple namang dumikit sa kanya si Dana at bumulong. "Mas mabuti nang sa isang simpleng lalaki ka mapunta provided na mahal ka niya kaysa sa isang prinsipeng mahal mo nga pero sasaktan ka lang pala." Tila tinusok ng maliliit na karayom ang puso ni Christmas sa sinabi ni Dana. Mayamaya ay hinila na ng kanyang kinakapatid ang mga kabanda para makapagsolo raw sila ng bagong dating. Sinikap ni Christmas ang ngumiti nang iabot ni Seth ang dalang mga bulaklak. "Thank you, Seth-" "Thank you rin, del Rosario," Napasinghap si Christmas nang marinig ang boses na iyon. Bago pa siya makapagsalita ay mayroon nang brasong humapit sa kanyang baywang. "Thank you sa pagdalaw sa girlfriend ko. I appreciate your visit but not the flowers. I don't think it's appropriate." "SHALL we go?" Madilim ang anyong tanong ni Throne kay Christmas. Pero hindi sumagot ang dalaga sa halip ay nanatili lang na gulat na nakatingin sa kanya, ang mga mata ay tila kay raming gustong iparating, kay raming gustong tukuyin, kaya naglihis siya ng tingin. Dahil siya man ay naguguluhan sa estado ng sariling damdamin. Hindi niya maintindihan kung bakit kahit tambak ang trabaho sa opisina ay nagagawa pa ring sumingit ng magandang mukha ni Christmas sa kanyang isip. Hindi ito tumawag sa kanya nang araw na iyon na kadalasang ginagawa nito para lang magkwento ng mga bagay-bagay na nangyari rito kapag hindi sila nagkikita. He never thought he would miss her angelic voice, the funny way she laughed and the delight in her voice as she shared her stories that never seemed to end. Nang hindi na natagalan ay maagang umalis si Throne ng opisina para lang makita si Christmas na may kasamang iba. And for the first time in his life, he was threatened. "Pero ang akala ko, wala pa siyang boyfriend." Naniningkit ang mga matang hinarap niya ang guwardiya. "Meron na ngayon. Now, excuse us but Christmas and I have to go. May date pa kasi kami ng girlfriend ko." "Pero, Throne, nakakahiya naman kay Seth na-" "At ano namang nakakahiya?" Muli niyang nilingon ang guwardiya. "Okay lang naman sa 'yo, 'di ba? Sa susunod mo na lang siya kausapin," aniya at hinila na palabas ng Brylle's si Christmas. "Get in," nagtitimping wika ni Throne nang makarating sila sa parking lot. Maagap namang sumakay sa kotse ng dalaga si Rodrigo sa pag-aakalang makakaalis din kaagad sila. "That was harsh, Throne," sa halip ay tila galit na sinabi ni Christmas. "Mabuting tao si Seth. Hindi mo siya dapat tratuhin nang gano'n." Hindi napigilan ni Throne ang pagtaas ng kanyang boses. "Bulag ka ba? That man has his eyes on you!" "At ano naman sa 'yo?" Natawa nang mapakla ang dalaga. "Ah, boyfriend nga pala kita. Huli na pala ako sa balita. Hindi ko man lang nalaman 'yon agad." He gritted his teeth. "Then forgive me for assuming that we already have an understanding just because we kissed most of the time." Marahas siyang napabuga ng hangin para supilin ang sakit na bigla niyang naramdaman. Heck, he should be the one to inflict pain on her and not the other way around! "Tell me, Chris," aniya sa nagbabagang boses. "Do you actually do that to every stranger you meet? Hahalikan mo siya, makikipag-date ka sa kanya, pagkatapos ay mag-e-entertain ka ng iba kapag nakatalikod na siya? Ano na nga ba ang kasabihang 'yon? Collect then select?" Sa isang iglap ay umigkas ang palad ni Christmas sa kanyang pisngi. The pain in her eyes took his breath away. Lalapitan niya na sana si Christmas nang magtatakbo ito at sumakay sa sariling sasakyan. Nasipa ni Throne ang gulong ng kanyang kotse. "Damn it!" "YOU MADE her cry? Aba'y bakit para kang nagluluksa? We should celebrate, Throne! Nag-level up ka na." Humigpit ang pagkakahawak ni Throne sa wineglass na puno ng alak na iniabot sa kanya ni Brylle. Bigla ay gusto niyang pagsisihan na ang bahay ng pinsan ang naisipan niyang puntahan pagkatapos nilang magtalo ni Christmas. But he was lost. Where else could he go? Ni hindi niya makausap si Cassandra bukod sa wala rin siyang ideya kung ano ang ibabalita sa kapatid kung sakali. Bago sa kanya ang mga ganoong nararamdaman. He was always the only man in his world. Palagi siyang may kontrol sa sarili. Pero nang dumating si Christmas, para bang napakadali para sa dalaga na makihati sa mundo niya at alisin ang kanyang kontrol hanggang sa halos hindi niya na maalala kung sino siya. And he hated it. He hated it more when despite the pain that he was going through, he still could not help but be affected by her pain. Inisang-lagok lang ni Throne ang laman ng wineglass pagkatapos ay ibinaba na iyon sa center table. Isinandal niya ang ulo sa couch at hinilot-hilot ang noo, ipinikit ang pagod na mga mata para lang mapamulat din kaagad nang biglang maglaro sa kanyang diwa ang luhaang anyo ng dalaga. You're jealous, you fool, sa kauna-unahang pagkakataon ay pag-amin ni Throne sa sarili habang inaalala si Christmas. Pero nang ang kapatid naman ang sumagi sa kanyang isip ay naihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha. s**t! "Why in the world do you look so glum? Para kang teenager na na-brokenhearted for the first time-" Agad na napalingon si Throne pagkarinig sa naninitang tono ni Brylle. Parang natuklaw ng ahas ang itsura ng kanyang pinsan habang nakatitig sa kanya. Natigilan din siya. "I'm just upset," aniya pagkalipas ng mahabang sandali. "Pero wala naman nang bago ro'n. Everything in my life has just been so damned upsetting from the very beginning." Walang buhay na natawa siya. "Hell, nakakapagod din pala, bro. Sa kauna-unahang pagkakataon, parang ang sarap tumakas. For the first time in my entire life, I desire to be somebody else." "This Christmas Llaneras... what's she like?" imbes ay tanong ni Brylle. "I love the way she talks, man." Mahinang sinabi ni Throne pagkatapos ay mariing ipinikit ang mga mata. He shut off all his emotions and just focused at the very lovely woman he was seeing in his mind right at that very moment. Hinayaan niya ang sariling malunod sa nakikitang itsura ni Christmas sa kanyang isipan. "Kung makapagsalita siya, para bang walang imposible sa mundo. And I love her smile, bro. It's contagious." Ilang sandali pa ay sumilay ang kauna-unahang sinserong ngiti sa mga labi ni Throne. "She's a woman who's just so full of surprises." Bahagya siyang natawa nang maalala ang sinabi ng dalaga nang minsang batiin at ngitian siya ng mga trabahador nito sa ipinatatayong restaurant na hindi niya ginantihan. Malakas na tinapik siya ni Christmas sa braso. He gave her a puzzled look. "What?" Pinaningkitan siya ng mga mata ng dalaga. "We should always smile and be nice to our fans." "Palagi siyang may nakahandang ngiti para sa lahat ng tao. But there's this one smile of hers that stands out. It's the look in her eyes that makes that smile so damned beautiful. That's the smile I don't wanna share. Dahil kapag ngumingiti siya sa 'kin nang gano'n, pakiramdam ko, akin ang mundo." Amused na natawa si Throne. "Para din siyang bata. Naliligo pa rin siya sa ulan hanggang ngayon. At alam mo bang-" "Hell, I should have taught you about love one-o-one first before we proceeded to implanting your revenge plan." Naaalarmang nagmulat si Throne. Nilingon niya ang gulat na anyo ni Brylle. Naglaho ang ngiti niya. "Sumabak ka na kaagad sa giyera, kapos ka pa pala sa bala. Nadale ka tuloy." "What the heck are you talking about-" Napailing ang kanyang pinsan. "Lesson number one, when you love, you see the other side of you. The weaker side."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD