Chapter Six

916 Words
NAPAHINTO sa paghakbang si Throne papunta sa kwarto ni Cassandra sa ospital nang mapuna ang nakaupong pigura ng isang babae sa labas malapit sa kwarto ng kapatid. Kumabog ang dibdib niya nang dahan-dahang iangat ng babae ang mukha at iharap sa kanyang direksiyon nang marahil ay maramdaman ang kanyang presensiya. Mariing ikinuyom ni Throne ang mga kamay para pigilan ang sariling lapitan ang babae na ngayon lang uli nagpakita sa kanya pagkalipas ng tatlong taon. Ang huli ay noong nakituloy ito sa bahay nila ng kanyang kapatid pagkatapos makipaghiwalay sa ka-live-in nito. Kahit na hindi sila sang-ayon ni Cassandra ay wala silang nagawa dahil utang pa rin nila ang buhay sa babae kahit paano. Isang linggo itong nanatili sa kanila pagkatapos ay muling umalis at hindi na nagpakita pa. Mapait siyang napangiti. Lulubog-lilitaw talaga sa buhay nilang magkapatid ang ina. Sa isang iglap ay nakatayo na ang kanyang ina sa harap niya. Galit ang mababanaag sa abuhing mga mata nito na hindi niya ikinatutuwang minana niya. "Bakit hindi mo man lang sinabi sa 'kin ang nangyari kay Cassandra? You know my contact number! Kung hindi ko pa aksidenteng nakita si Brylle sa airport kahapon, hindi ko pa malalaman! How dare you!" Damn it, Brylle, naibulong ni Throne bago umangat ang isang sulok ng kanyang mga labi. "Talaga? Hindi ko nabanggit sa inyo? Then it must be none of your business." Mabilis ang naging pag-igkas ng palad ng ina sa kanyang kaliwang pisngi kung kaya hindi na iyon nagawang pigilan pa ni Throne. Pero hindi niya iyon ininda. No amount of physical pain could compare to the emotional torture he and Cassandra experienced from her. "I'm still your mother, Throne! I still deserve some respect!" His jaw clenched. Leaving them was one thing, forgetting about their existence was another. But claiming to be their mother, after so many awful years? Heck, that was too much. "Nagugulat ako at sa 'yo pa talaga nanggagaling ang mga salitang 'yan," punong-puno ng sarkasmong sagot ni Throne. "Look, I'm just gonna leave for a while, Lara. Pagbalik ko, umaasa akong wala ka na rito. If you're really that concerned about Cassandra, then do what you do best; go and evaporate once more... Mother." Marahas siyang napabuga ng hangin para pigilan ang emosyong ilang taon nang nakatago sa isang sulok na bahagi ng kanyang puso. "Cassandra and I will survive this, believe me. Just like how we survived the last freaking years without you and your ex-husband." Nang tumalikod siya ay hindi na niya nakita ang pagdaan ng pagsisisi sa mga mata ng ina. Walang lingon-likod na dumeretso siya sa kanyang kotse sa parking lot. Ilang ulit na marahas na napabuga ng hangin si Throne para kalmahin ang sarili pero hindi humupa ang nanumbalik na pait at sakit sa kanyang puso. Isinandal niya ang pagod na katawan sa upuan at mariing ipinikit ang mga mata. Sa gitna ng samut-saring nararamdaman ay biglang sumingit sa kanyang alaala ang mala-manikang anyo ni Christmas. Mabilis siyang napamulat. At bago pa magbago ang isip ay dinukot na niya ang cell phone sa bulsa ng pantalon at idinayal ang numero ng dalaga. "Nasaan ka?" kaagad na bungad niya. "Nasa ospital. Dinalaw ko si Seth. Bakit-" "Don't go anywhere. I'll be there." Pinindot na niya ang End button at basta na lang iniitsa ang cell phone sa dashboard. Agad niyang pinaharurot ang kotse. MAGKASALIKOP ang mga kamay ni Christmas sa antisipasyon habang hinihintay sa labas ng kwarto ni Seth ang pagdating ni Throne. Muling nakatulog si Seth pagkatapos ng mahaba-haba ring naging kwentuhan nila. Bahagya siyang napangiti. Gusto niya ang pagiging positibo ni Seth sa buhay. Alam niyang kung mabibigyan lang sila ng sapat na pagkakataong mas makilala ang isa't isa ay posibleng maging matalik pa silang magkaibigan. "Christmas." Agad siyang napatayo nang marinig ang pamilyar na baritonong boses ni Throne. Nanibago siya pagkakita sa itsura ng binata. Wala ang pamilyar na endearment nito sa kanya nang mga oras na iyon, ni wala rin ang ngiting nakasanayan na niyang makita tuwing sinasalubong siya nito. Nag-aalalang lumapit siya sa binata. "Throne, ano'ng nangyari? May problema ba?" She was taken aback by the sudden pain in his gray eyes. "Bakit? May maitutulong-" "Oh, just shut up," bruskong sagot ni Throne. "I just want to kiss you right now." Nanlaki ang mga mata ni Christmas nang bigla siyang hapitin nito sa baywang at mariing hinalikan ang kanyang mga labi. Walang bakas ng pagsuyo ang halik na ibinigay ni Throne sa kanya. It was harsh and it was hurting her lips. Pero hindi niya itinulak ang binata. Sa halip ay ipinaikot pa niya ang mga braso sa batok nito at ipinikit ang kanyang mga mata. Nagpaubaya siya sa pag-asang huhupa rin ang emosyon ni Throne. She had always known that she had fallen in love with an extraordinary man. Noon pa lang ay tinanggap na niya sa sarili ang posibilidad na mahihirapan siya sa binata. At alam niyang hindi palaging magiging maganda ang mga araw nila at marahil ay isa ang araw na iyon doon. And she would treasure that moment. Because it was the very first time that Throne actually let his guard down. Nakita niya ang kakaibang bahagi ng pagkatao ng binata sa mga sandaling iyon, kakaiba sa palaging para bang "man of the world" na asta nito. At that moment, he seemed like a simple man who could get bruised. And she wanted to be the one to heal him in any way she could. So, help me, God.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD