TBD 3 - Batangas

2029 Words
• 3rd PERSON POV • Matapos ang pamimili ng mga damit at kailangan ng tatlong magkakaibigan sa mall ay agad na silang nagpunta sa Batangas. Wala pa silang exact na lugar kung saan talaga sila magtutungo. Si Talia na kasi ang naka-assign dito, habang sakay ng sasakyan nagse-search si Talia kung saan sila pupunta, yung lugar kung saan mag-eenjoy at makakapag relax sila lalo na ang kaibigan nilang si Pauline na stress na stress dahil sa asawa niya. Si Pauline naman na nakaupo sa harap at tabi ng driver na si Arissa ay mahimbing ang tulog. Sa sobrang pagod at kakaisip sa asawa niya ay tila ngayon lang ito nakatulog nang ayos kahit paano. Ngunit sa pagtulog nito ay muling inalala ang mga nakaraan sa kanyang panaginip. • PAULINE POV • - Flash back - Nagkulong ako ng dalawang-araw sa kwarto ko dahil masyado akong heartbroken sa mga sinabi ni Lolo. Oras-oras kinakatok ako ng mga maid para bigyan ng pagkain pero hindi ko sila pinapansin. Hindi nila alam na lumalabas ako ng kwarto tuwing hating gabi at kumukuha ng pagkain at dinadala dito sa kwarto ko para may stock ako kung sakaling gutumin ako. Nung isang gabi naman ay si Mom ang kumatok para pilitin akong lumabas, pero masyado akong nasaktan sa kanila, hindi man lang nila ako pinagtanggol kay Lolo, ako na anak nila mismo. Kinaumagahan pinuntahan ulit ako ni Mom para kausapin. "Pauline, anak! nandiyan ka pa ba? Lumabas ka na anak." Paglalambing ni Mom. "Leave me alone!" sigaw ko sa kanya "Pauline." "Hindi niyo man lang ako pinagtanggol Sana sinuportahan niyo man lang ang sinabi ko kay Lolo para hindi ako ang ipakasal niya kay Aidan!" sabi ko kay mommy habang pinipigil na lumabas ang mga luha ko, ayoko na umiyak nakakapagod. "Hindi naman sa ganon Pauline, alam mo naman na hindi rin kami makakatulong lalo na't buo ang desisyon ng Lolo mo." Paliwanag niya sa akin. "Umalis kana Mom! Iwan niyo ko dito mag-isa." "Pero anak! Hindi ka pa kumakain." "I don't care! Just leave me alone!" Narinig kong naglakad siya pa alis! Sumuko din siya sa katigasan ng ulo ko. Lumipas ang ilang oras, tahimik na ang mansion, alam kong nasa company na sina Mom and Dad, nagpunta ako sa CR ko para maligo, pupuntahan ko si Aidan para kausapin. Nang natapos na ako sa pag-aayos ko sa sarili ko ay agad kung kinuha ang bag ko at ang susi ng kotse ko tsaka nagpunta sa parking lot. I decided to drive my Sports car. "Just wait and see Aidan!" Sabay pinaharurot ko na ito at nagpunta sa office nito. After 45 minutes nakarating din ako sa company niya. Ang building na sikat at laging nababalita dahil sa ganda ng pagkakagawa. Nagpark ako ng sasakyan ko at pumasok sa building na puro salamanin. Madaming nagbago sa company nila, yung huling punta ko kasi dito walang gaanong nakalagay sa lobby, ngayon kabilaan na ang mga couch. Dumiretcho ako sa receiptionist at nagtanong. "Yes, po ma'am ano pong kailangan nila"? tanong sa akin ng isang babae, tingin ko ka age ko siya. "Gusto ko makausap si Aidan," sabi ko dito. "Sino po?" tanong niya ulit. Bingi naman nito! "Aidan Claxton!" sabi ko ulit sa kanya. "May schedule po ba kayo sa kanya ma'am?" tanong ulit sa akin. "None!" "I'm sorry po ma'am, mahigpit po na ipinagbabawal ni Sir. Aidan na istorbuhin siya ngayon, nasa isang serious meeting po kasi siya, magpabook na lang po muna kayo ng schedule sa kanya next week, puno din po kasi ang schedule niya this whole week." Paliwanag nito sa kin. "Sabihin mo nandito si Pauline Sullivan, her fiancé." Napanganga naman ang babae sa akin at tumingin ang iba pang kasama nito. "Hey, she's the billionaire's daughter tawagan muna baka matanggal ka," bulong ng isang babae na pinuntahan pa siya. Ngumiti ako sa kanila, agad na tinawagan nito ang intercom. ilang segundo lang ay binaba na din niya ang telephone. "Ma'am hintayin niyo daw po siya sa office niya." Tumango ako dito, nilapitan niya ang isang lalaki na kasama niya at may binulong ito, "This way ma'am." Kaya sumunod ako dito. Sumakay kami ng elevator, pinindot niya ang number 9. So, 9th floor ang office niya. Pagbukas ng elavator sa 9th floor ay sumalubong sa amin ang mga empleyadong nagtatrabaho, ngumingiti naman yung iba kapag nakikita kami, yung iba naman dedma lang. "Bakit maghahagdan pa? may elevator naman?" takang tanong ko dito. "I'm sorry ma'am bawal po kasi kami gumamit ng private elevator eh." Hinging paumanhin nito sa akin, sumunod na lang ako sa kanya, nag-eenjoy din naman ako dahil magaganda ang mga nakasabit na painting sa mga pader. Napahinto ako sa isang painting, lumapit ako para makita ko nang maayos ito. It was Aidan, he's wearing an expensive tuxedo, his eyes, his lips, his body. Lahat perfect! kung ibang babae lang makakakita nito magkakandarapa ang mga ito, ang lakas ng s*x appeal eh! But not me Ok. Paglingon ko sa kabilang side na agaw ng atensyon ko ang isang painting, isang lalaki na tinutulungan ang mga mahihirap." Dapat sa mga gantong painting pinapakita sa buong bansa! Deserve ng nag paint na iyon, ang galing niya. "Buti naman nag-eenjoy ka sa mga pantings na 'yan." Napaharap ako bigla sa nagsalita. It's him, Aidan. Kailan pa siya nandiyan? hindi ko man lang naramdaman! "Have a seat." Sabay turo niya ng upuan. "Hindi na kailangan," sabi ko agad dito. "Ok! Bahala kang tumayo diyan," sabi nito kaya inirapan ko siya agad. "Anong kailangan mo at pinuntahan mo pa ako dito?" sabi niya agad sa akin habang nakatingin sa mga mata ko, kinabahan ako bigla at parang ano man oras ay bibigay na ang mga binti ko. "Ayan kasi napapala ng hindi kumakain ng maayos sa loob ng dalawang araw!" sabi ko sa isip ko. "Sinungaling ka Pauline! Pinagnanasahan mo lang si Aidan," bulong ng konsensiya ko. Umiling-iling ako dahilan ng pagkunot noo ni Aidan. "Are you Ok?" tanong ni Aidan sa akin. "Sabihin mo kay Lolo na i-cancel ang kasal" deretsong sabi ko sa kanya. Ngumisi naman ito sa akin pero saglit lang. "Tingin mo ba pakikinggan ako no'n?" sagot niya sa akin. "Hindi ako pumayag, kaya sabihin mo rin na ayaw mo para i-cancel niya," sabi ko agad dito, ilang araw na lang kasi ikakasal na kami. "Sinong nagsabi na ayokong magpakasal sayo?" Nagulat ako bigla sa sinabi niya. So, gusto niya kong pakasalan? siya ba ang nagconvince kay Lolo? "Oh! So, gusto mo kong pakasalan?" tanong ko dito. "Well, not bad, hindi ko man gusto magkaroon ng asawang spoiled brats at mainitin ang ulo at least magiging isang makapangyarihang business man ako!" nakangising sabi nito. That workaholic man. Lumapit ako dito habang nakikipagtitigan sa mga mata niya. "Para sabihin ko sayo, Mr. Claxton! Para matigil yang kahibangan mo! Alam kong maraming nagkakandarapa na makuha ako not because i'm a billionaire’s daughter but for my sexy hot and pretty body! May mga lalaking kaya akong mahalin ng totoo!" sabi ko sa kanya. "Ha?" natatawang sabi nito, kaya nainis ako. " Kung hindi mo magagawang ipa-cancel ang kasal, tandaan mo! Kapag naging asawa mo ko, papainitin ko ang araw mo at gagawin kong impyerno ang buhay mo!" inis na sabi ko sa kanya pero nginisian niya lang ako. "Ow! Exciting! Paano mo kaya papainitin ang araw ko? I'm waiting for tha't, Ms. Sullivan. So? Shall we end of the deal?" sabi nito sabay lahad ng kamay niya para makipag shake hands. "Tsk! Yeah! Deal." sabay abot ko sa kamay niya at nakipag shake hands, diniinan ko pa ito pero mukang ako lang ang nasaktan kaya binitawan ko na lang agad. Tumalikod na ako at maglalakad na sana pa punta sa pinto. "By the way." Huminto ako at hinintay ang susunod na sasabihin niya. "You look beautiful baby," sabi nito, napangisi naman ako sa kanya, hindi naman niya kita dahil nakatalikod ako sa kanya. "I'm a beautiful Goddess," sabay nag martsa pa labas sa office niya. "Arrggghhh! That annoying jerk!" inis na sabi ko paglabas ko. And 5 Days later ikinasal kami sa pinaka expensive na kasalan. Sobrang garbo ng kasal namin na naging trending sa buong Asia at pinag-usapan ng halos isang lingo sa buong pilipinas. - End of Flashback – "Hey... Pau! We're here, wake up na dali ang ganda dito!" Yugyog sa akin ni Arissa. Kaya nagising agad ako, ang lakas kaya yumugyog ng babaeng ito. "Nasan tayo?" tanong ko sa kanila, kinuha na nila ang mga gamit at tsaka lumabas na ng sasakyan kaya tinanggal ko na din ang sealt belt ko at bumaba. "Nasa Mabini Batangas. Eto kasi yung trending sa mga travel blog, gusto ko i-try mag stargazing dito sa sarili nating bansa." sagot ni Talia, tumingin agad ako sa langit. "Well, maganda nga," sabi ko dito. "Pero mas maganda pa rin ang aurora," sabat ni Arissa. "Ikumpara daw ba ang batangas sa Finland!" sabat ko. "Let's go." Sumunod na kami kay Talia dahil siya ang nag book ng lugar. Ilang minuto pang pag-aantay kay Talia, bumalik na ito na may kasamang dalawang staff, sumunod kami sa mga ito. "I rent the whole villa, nakita ko kasi sa website na mas maganda daw doon eh, may sariling privacy, meron na rin naka-attach na tent malapit sa beach para kung gusto mag startgazing, and of course our favorite jacuzzi and swimming pool." paliwanag nito sa amin. "Nice one." Sabay kapit ko sa braso niya, pagdating kasi sa mga travel si Talia ang magaling diyan dahil sa kanya kaya nahilig din ako magtravel at pumunta kung saan-saan lalo na kapag gusto ko ng me time. Isa sa mga gusto kung gawin ay ang mag punta sa iba't-ibang bansa at libutin ang mga sikat na tourist spot, kaso lang biglang kinasal ako agad. Ilang sandali pa ay tumigil din kami sa paglalakad. "This villa ma'am." Turo sa amin ng dalawang staff. "Thank you," sagot namin. "Wait niyo na lang po yung dinner niyo ma'am ah, dadalhin na lang po namin dito," pahabol na sabi nila bago nagpaalam. "Oh yeah, sure." "Nag-order na ko ng dinner natin, puro kasi snack ang mga binili natin eh, gutom na rin kasi ako para pumunta ng ibang restaurant." "Good choice," sabat ni Arissa. Pumasok na kami sa villa, tama nga si Talia maganda ito, nilapag muna namin ang mga gamit namin tsaka nagpunta sa veranda kung saan nandon ang swimming pool at jacuzzi area, may dinning table rin at duyan. Sa 'di kalayuan matatanaw mo ang beach, madilim na pero makikita mo pa rin ang mga tent na naka paligid sa gilid tapos yung ibang mga villa malalayo ang agwat ng bawat lugar kaya maganda makapag relax dito, ang ganda dito. "Saan punta?" tanong ni Arissa sa akin. "Magpapalit pang swimming." Sumunod naman ang dalawa sa akin, isa lang ang kwarto dito pero malaki ang kama kaya kasya kaming tatlo, wala kasi sa amin iyon dahil ganto lagi ang ginagawa namin kapag magta-travel kami o kaya naman mag-i-sleep over sa kanya-kanyang mga bahay. Nakasanayan na namin na matulog sa iisang kama, that's our bonding. Nang matapos na magpalit yung dalawa ay ako naman ang pumasok sa CR. Simple lang yung binili kong pang swimming, syempre two piece din naman pero may patong na see thru, tatanggalin ko mamaya kapag nag swimming na ko. "Arissa, nandiyan na yata yung dinner natin,"sabi ni Talia paglabas ko ng CR, binuksan nito ang pinto at tama nga si Talia, dala ng tatlong waiter ang mga inorder namin, pinapasok nila ito at sinamahan sa likod para doon ilagay ang mga pagkain, napag desisyonan kasi namin na dito kumain dahil mganda ang view. "Wait lang! Wala mo nang kakain!" Sita ni Talia. Ayan na naman siya, ganto kasi kami lagi picture muna bago kain, hahaha ewan ko ba nagaya ako sa kanila, well sabagay memories din naman 'yon. "Picture naman tayong tatlo." At nag picture na nga kaming tatlo. "Are we done? gutom na ko!" sabi ko sa kanila. Lalamig na din kasi ang pagkain at higit sa lahat natatakam na ko. "Let's eat," sabi ng mga ito. Kanya-kanya na kaming kuha ng mga pagkain at kumain na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD