TBD 4 - He's Back

2027 Words
• PAULINE POV • Nang matapos na kami kumain ay agad naman kaming nag swimming, nakababad lang ako sa jacuzzi habang nakatingala sa kalangitan at yung dalawa ay nasa pool, ilang sandali lang tinamad na ako kaya umahon na ko at pumasok sa loob. "Saan ka pupunta Pau?" tanong ni Talia. "Giniginaw na ko," sagot ko kaya nagsipag ahon na din ang mga ito. "Ano ba kayo, enjoy niyo lang babalik ako magbibihis lang ako," sabi ko sa kanila pero sumunod pa rin sila. "It's Ok, ikaw lang naman inaantay namin eh, kanina pa rin kami giniginaw, magbibihis na rin kami tas' punta na tayo doon sa tent," sabi ni Arissa kaya nginitian ko ang mga ito. Saglit lang naman ako nag shower at nag blower ng buhok, sinuot ko yung dress na binili namin kanina sa mall tsaka lumabas na. "Sabi sayo bagay eh!" Bungad agad ni Talia paglabas ko ng CR. Pumasok ito sa CR para siya naman ang makapag palit, na upo muna ako sa sofa at pinikit ko ang mga mata ko. Ilang sandali lang naka ayos na rin ang dalawa, naka dress din si Arissa at naka short na tenernuhan ng sando spaghetti naman si Talia. Nagpunta na kami sa beach side dahil nadoon ang tent namin, mediyo madilim dito, mangilan-ngilan lang ang ilaw kaya kitang-kita mo ang mga bituin sa kalangitan kaya isa-isa na kaming humiga. "Sorry nga pala kanina na sigawan ko kayo." Hinging paumanhin ko sa mga ito. "Ayos lang sanay na kami sa katigasan ng ulo mo." Sabay tawa pa nila. " May problema ka ba Pauline?" Nagulat ako sa tanong ni Talia. " Bukod sa asawa mo? may problema ka pa ba? kasi hindi ka Ok para sa akin," sabi pa nito. Napatayo ito sa pagkakahiga. " I lied," sabi ko. Kaya sabay na napatayo ang mga ito. "Bakit?" tanong nila. "Hindi naman talaga ako natulog ng katabi si Kurt eh!" Paliwanag ko. "Ayon lang ang sinabi ko para asarin si Aidan, baka sakaling umuwi na," dagdag ko pa. "So, iyon yung prinoproblema mo?" tanong ng mga ito. "Kurt, quit his job, and hindi ko na din siya ma contact," sabi ko sa mga ito. "What!" sigaw ni Talia, may gusto kasi 'tong babaeng 'to kay Kurt matagal na, ang s*x sensation goddess ay may gusto sa driver ko. "Wala ka bang kilala na kamag-anak niya? tara puntahan natin siya. Bwisit ka talaga Pauline! Sinira mo ang buhay ni Kurt." iritang sabi ni Talia. "Kalma nga Talia, tsaka na natin hanapin 'yang crush mo! Madami ka pa naman ibang lalaki diyan eh, hahaha!" Ngumuso naman ito kay Arissa. "Ginawa mo naman akong lalakero!" "Pauline, malala ka na!" sabay baling nito sa akin. "Yung asawa mo nga never ka pang nakitang nakahubad tapos kay Kurt ka lang pala bibigay!" Asar ni Talia, kahit may gusto 'yan kay kurt, alam niya naman na parang kapatid lang ang turing ko dito. "Baliw! Naka tube ako, tsaka walang nangyari sa amin!" "Hahaha! Alam naman namin iyon!" sagot pa nito. "Pero nagwo-worry lang ako kasi baka kung anong gawin ni Aidan sa kanya lalo na ngayon na wala akong connection sa kanya, hindi ko alam kung nasaan siya," sabi ko sa dalawa, malapit na kaibigan ko din kasi si Kurt kaya nag-aalala talaga ako dito. Sana walang gawing masama sa kanya ang asawa ko. "Sorry guys nagsinungaling ako sa inyo." "It's ok! Nagawa muna eh, hahaha! ganyan ka naman eh! Gagawin mo muna bago sasabihin sa amin, Ok lang talaga Pau, sanay na sanay na kami," Mahabang sabi ni Talia, pero deep inside alam kong nagtatampo 'yan. "Wala bang bar dito? Tara libot tayo." Aya ni Arissa. "Alam ko meron doon sa kabilang beach, public beach kasi doon so, nando'n lahat ng mga restaurant at bar," sabi agad ni Talia, tumayo na kami at bumalik sa villa para kuhanin ang mga kailangan namin. "My treats guys," sabi ni Arissa. "Nice one! so, 'di na kami magdadala ng wallet," sabi naman ni Talia. "Yeah, nakakahiya na sa inyo, si Pau na ang gumastos sa mall, ikaw naman dito, so ako naman sa bar," paliwanag niya. "Oh yeah! Let's go." Aya ni Talia at tsaka na kami lumabas, ni lock muna namin ang villa at nag stroll sa buong resort, buti na lang may daan din dito papunta sa public beach kaya doon na kami dumaan para 'di na kami lalabas pa ng resort. Ilang saglit lang napaglalakad nakakita agad kami ng mga bar, may isang bar ang umagaw ng atensyon namin dahil maraming tao dito kaya doon kami nagpunta. Pagpasok namin ay inassist agad kami ng waiter at dinala sa isang table. "Ano pong order niyo ma'am?" tanong nito sabay bigay ng menu ng mga alak." Si Arissa na ang bahala diyan. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang drinks namin kasama ang pulutan, kinuha ko agad ang drinks ko at ininom ito, smirnoff pala ang inorder nito. Pangalawang bote ko na nang magyaya si Talia sa dance floor kaya nagpunta kami doon, pinag titinginan kami ng kalalakihan lalo na kay Talia, lakas kasi talaga ng s*x appeal ng babaeng 'to eh. Sumayaw lang kami at nakipag sabayan sa mga na sa paligid. "Arissa! Ilayo mo si Talia sa mga 'yan! baka mamaya mawala na naman 'yan sa paningin natin at uuwi na naman sa atin nang umiiyak 'yan," sabay sabi ko dito, mukha kasing nag-eenjoy na si Talia sa mga lalaking kasayawan niya eh. Masyado kasing mapagbigay 'yang babae na yan! Pati sarili ibinibigay tas' mabilis din ma fall at makuha sa mga pangako, kaya ang ending iiyak sa amin na kesyo mahal na niya, ganto, ganyan, pero wag ka, isang linggo lang naka move on agad 'yan. "Hi, beautiful lady." May biglang lumapit sa akin, 'di ko siya pinansin at nagpunta na sa table namin, medyo nahihilo na rin kasi ako. • 3rd PERSON POV • Hindi napansin ni Pauline, na sumunod sa kanya yung lalaki. "I'm Jason, and you?" Sabay upo sa tabi niya at hinimas ang legs papunta sa thigh niya. Nagulat si Pauline sa ginawa nito kaya bigla niya itong sinampal ng pagkalakas-lakas. Namapatingin sa gawi nila ang mga taong malapit at dumadaan. Nagalit ito sa ginawa ni Pauline kaya bigla niya itong sinakal, "Sh*t ang higpit ng pagkakasakal niya," sabi nito sa isip niya. Kinapa niya ang mesa na nasa harap niya at nang mahawakan nito ang bote ay agad niyang pinukpok sa ulo ng lalaki. May mga nanonood na sa kanila pero walang may lakas ng loob na tumulong dito. Nakita ni Pauline ang galit sa mga mata nito ng may tumulong dugo sa mukha nito dahil kinapa ng lalaki ang noo nito. "Hala! Mukhang nagalit ko pa lalo siya. Arggh! Nasaan na ba sina Arissa. Natatakot na ko sa kanya." Bigla naman nitong dinamba at mahigpit na sinabunutan ang buhok ni Pauline, halatang masakit ito dahil diniinan pa nito lalo at nilapit nito sa kanya. 'Di na namalayan ni Pauline nang biglang mag-umpisang umagos ang mga luha niya dahil sa takot, napangisi naman ang lalaki dahil alam nitong natatakot na ito kaya napangisi siya dito. "Ang lakas ng loob mong kalabanin ako eh takot ka naman pala!" sabi nito sabay hila pa nito sa buhok ni Pauline kaya napaluhod siya, kaya naman nakakuha si Pauline ng tiyempo para makawala sa lalaki, hinubad niya ang hills niya at pinukpok sa p*********i nito ang matulis na bagay. Napadaing ito at lumuwag ang pagkakahawak sa buhok niya, hinawakan ni Pauiline ang p*********i nito at pinisil ng pagka diin-diin. "Aaarrgghhhhh!!!" sigaw ng lalaki, susugod na sana ulit ito kay Pauline nang biglang hampasin ni Talia ng bangko sa likod ang lalaki sabay pukpok naman ng bote sa ulo si Arissa pagharap sa kanila kaya natumba ito. "Nice Girls." Nakangising sabi ni Talia dito. "Whooooaaaa!!!" Hiyawan ng mga tao sa paligid na akala mo laban ang pinapanood. Tinapakan pa kasi ni Arissa ang dibdib nito ng tangkang tatayo ulit. "Don't mess with the Billionaire's Daughter!" sabi ni Arissa dito, nakita naman ni Pauline ang takot sa mukha ng lalaki nang marinig niya 'yun, napansin niya rin ang mga bulungan sa paligid. "Tara na!" Aya niya sa mga ito. Paglabas nang mga ito ay agad silang nakarinig ng putok ng baril kaya nagkatinginan silang tatlo, medyo nakalayo na ang mga ito pero tanaw pa rin nila ang bar. "Buti na lang naka alis na tayo bago nagsidatingan 'yung mga gang," sabi ni Talia habang nakatingin sa lugar, may dalawang lalaki kasi ang kumakaladkad palabas doon sa taong nakaaway nila habang ang iba naman ay nakasunod at hinahampas ng pamalo ang katawan tapos isinakay nila ito sa van. Hindi maiwasan ni Pauline, mag-isip sa mga nangyayari sa kanya, sa tuwing may nangyayari kasi dito lalo na kapag binabastos siya sa bar may bigla na lang may mangyayari din masama sa mga bumabastos sa kanya pagkatapos. Ang hindi niya alam ay ang may kagagawan ito ay ang asawa niya, masiyadong mahal na mahal ni Aidan ang asawa kaya kahit malayo ito sa kanya ay nag hired ito ng tauhan na magbabantay kay Pauline sa malayo at ang nakuha niya ay isa sa mga kilala at sikat na mafia sa buong bansa kaya sa tuwing mapapahamak si Pauline ay agad na may dadating na grupo para ipabugbog ang mga lalaking nambastos sa asawa niya. Masyadong malawak ang sakop ng Mafia na hawak nila kaya kahit saan man ito magpunta ay isang tawag lang sa boss nila ay meron na agad dadating. Malaki din kasi ang nakukuha nilang bayad mula kay Aidan kaya to the rescue agad ang mga ito. • PAULINE POV • "Who are you people?" tanong ko sa sarili ko. Nang makarating na kami sa villa namin ay agad kaming nagtungo sa kwarto at kanya-kanya kaming talon sa kama namin. "I miss this!" Tili ni Talia. "Yeah, me too. Kailan ba huling tulog natin na magkakatabi?" tanong ni Arissa. "Before my wedding?" hindi siguradong sagot ko. "Ay oo nga pala nung bago ka ikasal, tagal na din pala." "Yeah! It’s been 2 months. 2 months na din hindi nagpapakita sa'kin yung lalaking iyon!" baling ko sa mga ito. after 2 weeks kasi matapos kami ikasal hindi ko na siya nakita, sabi may aasikasuhin lang na business sa ibang lugar pero hanggang ngayon wala pa rin. Nag-eenjoy na yata sa kabit niya. . . . Matapos ang mahabang biyahe ay nakarating din kami sa bahay namin, pinasok na ni Arissa ang sasakayan sa garage area. "Nasaan na daw?" tanong agad nito kay Talia. Nagbook kasi siya ng grab pa uwi sa kanila, remember wala silang dalang sasakyan dahil akala nila magba-bar lang kami. "Ayan na, Oh! siya Pau, ba bush na," sabi ng mga ito sa akin, nag beso-beso muna kami sa isa't-isa bago sila sumakay sa grab. Papasok na ako sa bahay namin ng may narinig akong ingay sa loob. Nagtaka ako dahil alam kung walang tao sa buong bahay, na ka day off ang maid namin na si manang Rita ng ilang lingo dahil gusto ko ako lang muna mag-isa dito sa bahay. 'Yung mga bodyguard ko naman ay wala rin dahil hindi ko naman sila pinag duty tsaka uwian sila kapag nag du-duty sila. Paano makakapasok sa napakalaking gate namin 'yung mga 'yon? tsaka may electric system ang buong bakod imposibleng hindi na detect 'yon at hindi nag alarm? kung ano-ano ang mga pumapasok sa utak ko. "Sino 'yon? Hindi kaya sinundan ako ng mga Gang?" tanong ko sa isip ko, kinabahan ako bigla sa pwedeng mangyari sa naiisip ko kaya bumalik muna ako sa garahe at kumuha ng bagay na pang hahampas ko kung sakaling may mga magnanakaw na nakapasok sa loob ng bahay namin. Dahan-dahan kong binubuksan ang pinto at nang makapasok na ako ay pinakiramdaman ko ang loob ng bahay, dahan-dahan akong naglakad papunta sa switch ng ilaw, grabe ang kabog sa dibdib ko kasi sa sobrang tahimik ng buong bahay rinig na rinig ko ito. Nang makapa ko na ang switch ng ilaw ay agad ko na itong binuksan. Pagkabukas na pagkabukas ko narinig ko na agad ang boses niya. "Saan ka galing?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD