TBD 2 - Dinner Party

2066 Words
• PAULINE POV • "Ano ka ba Pauline! Nahihibang ka na ba! Bakit mo 'yon ginawa?" sigaw sa akin ni Arissa, nasa bar na naman kasi kami kaya nagsisigawan kami! masiyado kasing malakas yung sounds dito. " Bakit ba! Wala kang paki! wag mo na lang ako pakialaman!" Inis kong sigaw sa kanya, hindi naman ako galit sa kanya dahil sa sinabi niya, gusto ko lang may pag labasan ng inis ko, hanggang ngayon kasi nawawala pa rin si Aidan! At wala akong alam kung saang lupalop siya nagtatago. Alam ko kung gaano ka powerful na tao ni Aidan, hindi siya pwede mawala ng basta-basta nang hindi involve ang mga media!!! ang dami kayang mga paparazzi na naka buntot sa kanya kahit saan siya magpunta! "The Billionaire business Guro is Missing!" Ayan dapat ang mga kumakalat ngayon! At kung nawawala man siya, dapat ngayon pinagkakaguluhan na siya lalo na sa business industry. Siguro tuwang-tuwa na ang mga kalaban niya. "Hindi mo ba napapansin walang mga reporter naman ang gumugulo sayo para itanong ang asawa mo? kaya chill lang," sabat pa ni Talia. "So! Ibig sabihin namumuhay pa din ng normal si Aidan, knowing na normal pa rin ang pamunuhay ko," saad ko sa kanila. Kinasal kami ni Aidan 5 months ago dahil sa arrange marriage na gawa ng Lolo ko at ng parents niya. Ang pamilya nila at ang pamilya ko ay matagal ng magkasosyo, kaya naman para maging malakas at maging powerful pa sila ay pinakasal nila ako kay Aidan. Nakakaloko diba? Nung araw ng kasal namin lahat nang andon ay masaya lalo na si Lolo ako lang yata ang malungkot na tao don. Diba dapat maging masaya ka kasi araw ng kasal mo, once in a lifetime lang ito, paano naman ako magiging masaya eh, katatapos ko lang nang pag-aaral ko ibubungad agad sa akin na ikakasal na ako! - Flashback – Isang family dinner ang magaganap mamayang gabi. Sabi kasi nila pa welcome party na rin daw para sa nag-iisang anak nang mga Claxton na si Aidan dahil naka graduate na rin siya sa america. Pangalawang degree na ang meron ito sa mantalang ako isa pa lang. "Mom! Dinner party lang yung pupuntahan natin hindi engagement party," sabi ko kay mommy. Bihis na bihis kasi ito at aligaga sa kusina para tutukan ang mga maids na nagluluto at naghahanda sa kakainin namin mamaya. Dito kasi sa Mansion gaganapin ang Dinner Party. "Tignan niyo yung oven baka masunog yung binake ko!" Utos niya sa isa naming maid, dali naman itong pumunta doon para tignan ito. Pagdating kasi sa kitchen si mommy talaga ang reyna, gusto niya maganda at maayos ang lahat. "Ano kaba! Hindi lang 'to basta pa welcome, masaya lang ako kasi after 4 years uuwi na yung anak ko." masayang sabi nito. Nagtaka ako sa sinabi niya. Anak? kaylan pa niya naging anak si Aidan. Kinabahan ako bigla, paulit-ulit nagrereplay sa utak ko yung sinabi ni mommy. Lahat ng pamilya ko ay gusto si Aidan! siyempre maliban sa akin, i hate him. Sabi nila simula nang umattend ng business meeting si Aidan nung 16 pa lang siya, nakatulong daw sa company ang mga bagay na sina-suggest niya sa kanila, matalino raw ito at malawak ang pag-iisip pagdating sa business. Lagi ako sinasabihan ni Dad na dapat daw ay gayahin ko ito. I really hate people comparing me to him. Nang lumipat kami ng bahay nung 7 years old ako at inilipat din ako ng school. Gusto nila na maging close ako kay Aidan para raw mabantayan niya ako. Dati kuya ang tawag ko sa kanya pero nung lagi na ko napapagalitan ni dad at madalas ikumpara sa kanya hindi ko na siya tinatawag na kuya. Dahil do'n nag-umpisang mamuo ang galit ko sa kanya. Lagi akong pinapagalitan ni dad dahil lagi akong nakikipag away sa school! Lagi din kasi siya pinapatawag sa school. Na isip ko kasi paano ako babantayan ng isang 10 years old eh may dalawa naman akong bodyguard na laging nakamatiyag sa akin sa malayo. Walang araw ang lumipas na lagi ko sinasabi kay Dad na ilipat ako ng school o kaya ibalik ako sa dati kong school, ayaw ako payagan ni daddy, lagi niya akong pinapapili doon sa school namin ni Aidan o magho-home school ako. So i don't have a choice to follow his command! I want leaving a free life and doon ko nakilala ang dalawa kong kaibigan, Arissa and Talia. Alam ni Aidan na ayoko siyang nakikita kaya lagi niya akong inaasar. Lagi siyang pumupunta sa room ko o kaya naman sasabayan ako mag luch sa canteen.Tha't annoying boy! Sikat si Aidan sa school namin, madami ang mga nagkakagustio sa kanya, naalala ko nakipag away siya dahil sa akin. Maraming nagalit sa akin kasi yung little prince charming nila nakipag away nang dahil sa akin. Wala naman kasing nagsabi sa kanya na ipagtanggol ako eh. Naiinis ako kasi alam ko naman na gusto niyang ipamuka sa akin na hindi ko kayang alagaan ang sarili ko nang wala siya! Nung oras na ng dinner andoon na kami lahat. Si lolo nakaupo sa pinaka gitna, nag-iisang upuan lang iyon at siya lang ang puwedeng umupo doon, si dad sa Right at yung dad ni Aidan sa Left, si Mom sa tabi ni Dad at yung Mom ni Aidan sa tabi ni Mommy? Di ba dapat sa tabi siya ng asawa niya? Pinaghila ako ng upuan ni Aidan. "Thank you," sabi ko dito, tsaka siya umupo sa tabi ko, bali nasa gitna namin siya ng dad niya. Pagdating pa lang ni Aidan ay busy na sila kakakamusta dito, nasa gilid lang ako ng hagdan at pinapanood sila, napansin ko na ang daming nag bago dito! Mas lalo siyang naging gwapo, at marami na namang maglalaway na mga babae sa kanya lalo na andito na siya sa pinas, O at marami ring maiinis sa akin dahil akala nila close kami. "Kumain na kayong dalawa! lalamig yung mga pagkain." Natauhan naman ako nang magsalita si Lolo. "Ate Pauline, Alam mo bang laging sinasabi ni Kuya na miss niya na daw yung mga bake mo," sabi ng pinsan nito s***h little sister, wala na kasi yung mga magulang ni Amera kaya inampon na nila ito. Napansin kong sinamaan siya ng tingin ni Aidan. "Bakit? totoo naman yung sinasabi ko ah!" depensa nito sa kuya niya. Magsasalita pa sana siya nang mapansin na lahat kami nakatingin sa kanya. "Kailan pa ako nagbaked at ibigay sa kanya?" tanong ko sa sarili ko, wala kasi akong maalala na pinag-baked ko siya. Nang marealized ko yung nagbakasyon ako sa kanila nagbaked kami ni Amera. Naubusan ako noon pero nagtabi naman ako at saglit lang nawala dahil nag CR ako pero pagbalik ko ubos na yung itinabi kong cupcakes, hinatian na lang ako ng Mom ni Aidan. Inaway ko pa siya dahil kinuha niya yung cupcakes ko, lahat ng tao sa bahay ay nag-eenjoy panoorin kami magtalo. Inirapan ko na lang siya bago ako kumain. "Ganyan ba ang pag-welcome mo sa akin, ang tagal nating hindi nagkita!" sabi nito sa akin sabay kindat pa. "Mukhang na miss niyo ang isa't-isa ah!" Napatingin ako kay Dad dahil sa sinabi niya, nagsipagtango naman ang mga kasama namin sa kanya. Anong namiss Daddy! "Di pa tayo tapos!" bulong ko dito. Nang matapos na kami kumain ay isa-isa ng nilabas ang dessert at ang pinaka hihintay na wine. "To the future Husband & Wife, To our family, Cheers!" Tinaas ni lolo ang baso niya at ganon din ang mga magulang namin, ako lang ayta ang hindi nagtaas at nakipag cheers sa kanila. "Ako lang ba ang hindi nakakaalam nang mga nangyayari?" bulong ko kay Aidan. "Pauline, You and Aidan will be getting married next week," masayang sabi ni Lolo. What! Next week? are you kidding me? inis kong sabi sa sarili ko. "Bakit ako? Bakit hindi yung ibang pinsan ko na lang! Si Cathy parehas sila ng age ni Aidan, siya na lang ipakasal mo wag ako," Inis na sabi ko kay Lolo. "Ganyan din kami ng Mom mo, ayoko din ikasal sa kanya, but look at us now!" Sabay halik ni Dad kay Mom. Comparing me again! "Bakit ba pinuputol niyo na agad ang pagiging dalaga ko? Ikakasal ako, tapos magkakaroon ako ng anak at makakasama ko habang buhay ang nakakaboring na asawa!" inis pa rin na sabi ko sa kanila. "May sarili na kong pag-iisip at desisyon Dad! Gusto ko maging masaya! Gusto ko maging malaya, maranasan mag party makipag fling sa mga boys! Kung gusto akong pakasalan ni Aidan, kailangan niya muna akong hintayin ng 5 years." dagdag ko pa sa kanila." "Ikakasal ka kay Aidan o wala kang allowance, credit card at car, at tatanggalan din kita ng mana at kahit anong benefits na makukuha mo as Sullivan. "Pero Lolo. -" Hindi pa ko tapos sa sasabihin ko nang putulin agad ito ni Lolo. "Tama na 'yang mga paliwang! Kung ano sinabi ko, iyon na yun! Be ready on your wedding next week." madiin na sabi ni Lolo. "Mom, Dad," tawag ko sa mga magulang ko para humingi ng tulong pero nagkibit balikat lang ang mga ito. Nag-uumpisa nang mamuo ang mga luha ko sa mata kaya agad akong tumayo at umalis sa dinning hall at nagpunta agad sa kwarto ko, ni-lock ko ang pinto tsaka pa bagsak na humiga sa kama ko at umiyak sa ilalim ng unan ko. – End of Flashback – "Waiter!" Tawag ko sa lalaking waiter na dumaan. "Yes ma'am" nakangiting sabi nito. "I want fruits, anything basta fruits, do you have?" tanong ko dito "Yes, ma'am meron po." sagot niya. "Guy’s gusto niyo fruits?" tanong ko sa mga kaibigan ko. "I want Fries with bacon and cheese," Nilista naman ng waiter ang sinabi ni Talia. "Hmmmm. Just a chips," sabi naman ni Arissa. "Ok ma'am, yun lang po ba?" "Yea." Pagkasabi ko nun ay agad na siyang umalis. Makalipas ang halos 5 mins na pag aantay sa order namin ay dumating na din ito. Isa-isa nito inilapag sa table namin. "Hhhmmm what's this?" turo ko sa umuusok na mais. "Ahh. Sizzling cheese corn po ma'am" sabi naman nito. "Wala kaming order na ganyan." Baling ni Talia. "It's free po ma'am." sagot niya. Na curious ako kaya kinuha ko agad ang table spoon at tinikman ito. "Uhhmmm masarap ah, tikman niyo!" alok ko sa mga kaibigan ko sabay bigay ng table spoon, di naman kami laway conscious kaya ok lang. "Uhhmmm Oo nga, Thank you." baling ni Talia sa waiter. "Here." Abot ko sa kanya ng 2000php para bayaran ang inorder namin. "Wait lang ma'am sa sukli ah." "No need, tip ko na yung sukli." nakangiting sabi ko. "Salamat ma'am" nakangiting sabi nito bago umalis. "Tara na! amboring na dito." Aya ni Talia. Matapos maubos ang mga pagkain namin. "Let's go shopping girls" excited na sabi ni Arissa. "I want that' idea" nakangiting sabi ko dito, biglang nag level up ang dugo ko nang makarinig ako ng Shopping. Shopping is my stress reliever by the way. "I don't bring my car." "Me too, akala ko kasi mamaya pa tayong madaling araw uuwi eh, maaga pa pala." sabi nila sa akin. "I guess, ako lang ang may dala." sabat ko sa mga to. Lumabas na kami ng bar at maaga pa nga. maliwanag pa kasi. "I don't want to be a driver of you two!! Kayo mag drive." sabi ko sa kanila sabay bigay ng susi ng kotse ko. "Ako na! baka imbis na sa Mall tayo makapunta sa beach tayo dalhin ng isa jan." Sabay hablot ng susi ni Arissa, Beach lover kasi si Talia. "Let's go to the beach after shopping guys!!!" Excited na sabi nito nang makarinig ng beach. "Hmmmm! Parang gusto ko nga din eh." Pagsang-ayon ko dito. "So, we need to get our things, since wala naman tayong mga dalang damit, ayon na lang bilihin natin." Sabi ni Arissa saby start ng kotse. "Good idea." "Beachhhh wait for us. Here we comeee" sabay na sabi nila, na pangiti na lang ako sa kakukitan nila. I need this right now!! kailangan ko muna din siguro mag palamig at mag relax, halos isang buwan na siyang hindi nag papakita sa akin, hindi ko alam kung buhay pa ba to o ano! wala kasi akong balita. Nagiging hobby ko na ang pag-aantay sa kanya. This is not me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD