Dali-dali niyang dinukot ang cellphone niyang nasa table at kaagad na tiningnan ang mukha ng lalaking naka-one night stand niya noong nakaraang gabi. Natigilan siya, malakas ang kabog ng dibdib, nangangatog ang mga tuhod. Paanong... Hindi pwede! s**t! Hindi pwedeng ang kapatid ni Karen at ang estrangherong nakatalik niya kagabi ay iisang tao lang! Sinalubong ni Luther ng yakap ang mga magulang nang tuluyang makalapit sa kanila, maging si Karen ay ganoon din ang ginawa samantalang si Rebecca ay panay na ang tago ng sarili mula sa lalaking pinakahindi niya inaasahang magiging bisita nila dito sa bahay ngayong araw. Nakayuko siya taliwas mula sa direksyon kung saan nakatayo ang lalaki at sinasadya niyang takpan ng mahahaba at maaalon niyang buhok ang kanyang mukha. "Na