"GOOD morning, kuya Luth and Karen." bati ni Rebecca sa kanyang kapatid at sa mapapangasawa nito pagkababa niya galing ng kwarto habang busy sa pag-aayos ng kanyang round earrings. She didn't mind to greet the brother of Karen, didn't even bother to look at him. "Morning..." bati naman pabalik ng magkatipan. Lumapit sa kanya si Karen. "Uhm... Rebs, can I ask you a favor?" "Yes. What is it?" "Pwede mo ba munang samahan si kuya Raphael sa mall ngayong araw? Alam mo na, bago pa s'ya rito sa Koronadal at hindi pa alam yung mga pasikot-sikot dito. Gusto sana namin siyang samahan kaya lang ime-meet pa kasi namin ni Luther yung wedding planner namin." Halos masamid siya sa hiniling ni Karen. What?! Just what? Nag-angat siya ng tingin sa babae at sa kapatid nitong katabi nito. Raphae