CHAPTER 4

1420 Words
REBECCA Leandra was tired when she got home. Sa living room ay nakasalubong niya ang kuya Luther niya na kakarating lang din galing ng mahabang biyahe kasama ang mapapangasawa nitong sa unang pagkakataon ay nakita na rin niya. "Rebs!" masiglang untag ng kapatid n'ya. "Kuya, welcome back." nakangiti ngunit walang kabuhay-buhay niyang salubong. "Sa'n ka ba nanggaling at hindi ka raw talaga umuwi rito kagabi?" "Wala. Diyan lang sa tabi-tabi, kuya, nagpalamig ng ulo." Nagpalamig ng ulo at nagpainit ng katawan kasama ang isang estranghero. "Ikaw talaga!" umiling-iling ito. "Nga pala, kanina pa kayo dumating?" aniya sabay sulyap sa magandang babaeng katabi nito. "Just an hour ago. By the way, this is Karen Montgomery my fiancee, and Kar, this is my sister Rebecca Leandra." Karen extended a hand on her. "Nice to meet you, Rebs." Kaagad naman itong pinaunlakan ni Rebecca at nakipagkamay rito. "Same here." She couldn't help but notice the eyes of Karen and some of the angles of her face, they look familiar. She's looks like a resemblance of someone she knows but can't remember who that person was. Para bang may kamukha ito. Imbes na intindihin iyon ay ipinagsawalang bahala na lamang ni Rebecca. Masakit pa ang kanyang ulo dahil sa hang-over sa dami ng nainom kagabi. Besides, mukhang wala rin naman siyang maipipintas sa babaeng nakabihag ng puso ng kapatid niya dahil maganda rin naman ito at mukhang karapat-dapat ding mapabilang sa pamilya ng mga De Vera. Bumaling muli s'ya sa kapatid. "Where's mom and dad, kuya?" "Hinanap ka lang naman namin, Rebecca Leandra." salubong ang kilay na sagot ng kanyang ama habang bumababa ito ng hagdan kasama ng ina niya. "Sa'n ka ba galing, bata ka! Nag-alala kami sayo!" nag-aalalang sinabi ng mama niya. "I'm fine, ma. Nag-relax lang po ako sandali." "Bukas ng tanghali, darating dito ang kapatid ng mapapangasawa ng kuya mo. Ang kapatid ni Karen na si Raphael Montgomery, so prepare yourself. We'll prepare a lunch with him on veranda so get ready." anang ama naman niya. Tumango lamang siya. Whatever. "And by the way, about your wedding-" She cut him off with a tired nod. "It's okay. I understand. I will not be against to it anymore." Nakita niya kung paanong umaliwalas bigla ang mukha ng kanyang mga magulang dahil sa kanyang sinabi. Sumaya ang mama niya. "Really? Hindi ka na tututol, anak?" "What made you changed your decision like this, hija? Dahil ba napag-isip-isip mong tama kami ng mama mo at para rin naman ito sa ikabubuti mo?" sunod pa ng papa niya. "No, pa." iling niya. "Dahil napag-isip-isip ko pong kahit anong tutol at pagtanggi ko, sa huli ay ang gusto n'yo pa rin naman po ang masusunod. So, what's the use of being against with your decision, right?" Nagkatinginan at hindi nakasagot ang kanyang mga magulang. Para bang sapul na sapul ang huling mga sinabi niya sa mga ito. What? She's just telling the truth! "Excuse me po, magpapahinga lang muna ako." aniya at hindi na hinintay pang magsalita muli ang dalawa saka dumiretso na sa itaas, sa kanyang kwarto. Pagkarating sa silid, sumalampak kaagad siya sa kanyang kama at naisip na naman niya ang kagagahang nagawa kagabi. She gave her v-card with the man she didn't even know! Dinukot niya sa bag ang cellphone niya at muling tinitigan ang litrato ng lalaking hubad na mahimbing na natutulog. No wonder why she kept calling him angel when they had s*x last night because he really looks like one! Kahit yata titigan niya hanggang sa tagal ng kanyang makakaya ang litrato ng lalaki ay hindi siya magsasawa. God, he's just so handsome and every inch of him was close to perfection! Nagising kalaunan si Rebecca sa mahimbing na pagkakatulog. Almost three hours din ang kanyang tulog. 'Ni hindi niya namalayang nakatulugan pala niya ang pagtitig sa mukha ng lalaking nasa cellphone niya. Good thing dahil medyo naging mabuti na rin ang kanyang pakiramdam at nawala na ang sakit ng ulo. Bumaba siya't dumiretso sa kusina nang makaramdam ng pagkagutom. "What?! Nandiyan ka lang pala sa Gensan? Akala namin kung saan ka na nagpunta! Sana nga dumiretso ka nalang dito sa Koronadal." Hindi sinasadyang marinig ni Rebecca si Karen habang may kausap ito sa cellphone nito. Kasalukuyan itong nagsasalin ng tubig sa baso at nakatalikod sa kanya kaya hindi napansin ang kanyang presensya. "Ba't ka ba kasi naglayas-layas sa bahay? Okay..." tumango-tango pa ito. "Just tell mom and dad where you are staying right now para hindi na sila mag-alala pa. And I'll tell them also na pupunta ka at susunod ka rito sa akin sa Koronadal." Kumuha si Rebecca ng kung anong pwedeng makain mula sa fridge. Hindi siya nakapananghalian kanina dahil nakatulog kaagad siya pagkauwi rito sa kanilang bahay pero okay na rin naman ang chocolates. Mabubusog na siya at mapupunan na ng sweets ang kanyang pagkagutom kahit papaano. "Pwede nga kahit ngayong araw lumuwas ka na rito sa Koronadal." patuloy ni Karen "Hindi pwede? Why? Searching? You're searching for whom? Oh!" humalakhak pa ang babae. "Don't tell me another girl, kuya Raphael!" So, kapatid pala nito ang kausap mula sa kabilang linya? Naupo siya sa table at nag-umpisang pumapak ng mga imported na chocolate. "Kuya, pati ba naman dito sa Mindanao, nambababae ka pa rin! Kahit kailan talaga napakabahaman mo sa mga babae! Haler, nasa Mindanao na tayo oh pero 'yang pagiging babaero mo Manilang-Manila pa rin! Tsk." napailing-iling si Karen na para bang sumakit ang ulo nito sa kausap. Just another asshole, huh? Tumaas bigla ang kilay ni Rebecca. Paniguradong kapag dumating dito ang kapatid ni Karen ay makakasundo iyon ng mga pinsan niyang mga lalaki. Pare-pareho kasing lulong sa bisyo, bisyo sa pambababae! And swear, umay na umay na siya sa mga ganoong klase ng lalaki. Kunsabagay, wala namang masama kung madagdagan sila. The more the merrier, ika nga. Dagdag sakit sa ulo! "Sige na. Basta, bukas lunch with Luther's fam, okay? Don't ever forget it and don't try to make any excuse not to be here. Susunduin ka namin by 10 AM diyan sa Gensan tomorrow. Okay, bye." binaba na ni Karen ang tawag at sa wakas ay nalingunan na rin nito ang kanyang presensya. "Rebs, nandiyan ka pala." she smiled at her. Rebecca smiled back and nodded. "Kanina ka pa diyan? Hindi ka man lang tumutunog." marahang tumawa ito. "You were talking on the phone, I didn't dare to bother you." friendly niyang sagot, and then she offered her sweets. "Chocolates, you want?" "No, thanks. Busog pa ako, Rebs." Naging mabilis ang mga oras at kinabukasan, naghanda na sila para sa pagdating ni Raphael Montgomery, ang kapatid ni Karen. Around 10 AM palang ay umalis na sina Luther at Karen para sunduin mula Gensan ang kapatid ng babae. Quarter to 12 noon, everything was set and ready. May mahabang family-sized table sa veranda at ang masasarap na mga pagkain ay nakahanda na rin. "Your maxi dress suits you well today, hija. Mabuti't pinaghandaan mo talaga ito ngayong araw at nagpaganda ka." Napairap lang si Rebecca sa pinagsasasabi ng weird niyang ina sa mga sandaling ito. Whatever she wears, bagay naman talaga sa kanya. No need for compliments. At anong pinagsasabi nitong pinaghandaan at nagpaganda talaga siya ngayon araw? What for? Itong suot niya ngayon ay siyang unang damit na napuslit lang niya sa kanyang closet kanina, 'ni hindi na nga siya nag-isip ng iba pang mas maganda at mas bagay na isusuot niya. Ang make-up niya ay light at simple lang din. Nasaan ang effort do'n? "Your earrings as well depict how elegant you are as a lady. Right, hon?" bumaling pa talaga ang malambing at mahinhin niyang ina sa kanyang ama habang marahang hinawak-hawakan ang kanyang diamond earrings. What? Really? Pati 'yon ay napansin pa nito? "Oo naman, hon. She's really elegant and beautiful as always. There's no doubt about it." nakangiti namang sagot ng kanyang ama. She couldn't help but smile. Ano bang mero'n ngayong araw at tila kay giliw at kay lambing sa kanya ng mga magulang niya? Natigil na sila sa pag-uusap nang sa wakas ay natanaw na nila ang kotse ni Luther na dumating. Tumayo silang tatlo para salubungin ang mga dumating. The car parked. Bumaba ng kotse ang magkasintahang Luther at Karen, along with the man right next to them. Rebecca was running out of breath when she saw how gorgeous the structure of the man was. Itim na long sleeve ang suot ng lalaki at itim din na denim jeans. He's on his manly expensive sunglasses. Hindi niya maalis-alis ang mga mata rito. Matangkad ito at tila napakatikas sa tindig palang nito. She was about to assume that a prince charming was heading his way to her but she was taken aback the moment he removed his sunglasses and she could see his face clearly. Goodness, this can't be!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD