Naiinis siya dahil hindi man lang nito pinagtatanggol ang sarili at hinahayaan na lamang na agrabyaduhin at saktan ito. Damn it! Hindi yata talaga alam ng mga pinsan niya na kapag nakikita niyang nasasaktan ang mga ito ay nasasaktan din siya. Ganoon kamahal ng isang Rebecca De Vera ang pamilya niya. "Rebs naman-" "Alam mo, alam ko namang hindi ka kasing tapang ko o kasing maldita namin ni Olivia pero mas lalong hindi ko naman inakalang kasing weakling ka ni Althea!" patuloy pa niya. Totoong sa lahat ng mga pinsan niya, si Althea ang pinaka-weakling sa lahat. Tipong vulnerable at napakahinhin. Naaalala pa nga niya, may sinabunutan din siyang isang babae noon sa isang bar dahil sinugod at basta nalang sinampal si Althea sa harapan niya. Pinagmumura pa no'n ang pinsan niya at wala namang n