Nang tiningnan niya ang mga babaeng pinsan, gulat na gulat din ang mga ito pero nang tingnan siya ay ngumiti pa ng nakakaloka ang mga gaga. Nang bumaling naman siya sa mga pinsang lalaki ay hindi rin makapaniwala ang mga ito, nag-uusap-usap ang mga ito sa pagtataka sa deklarasyon ng ama niya. Magiliw na nginitian siya ng mommy ni Raphael nang dumako sa table ng mga ito ang kanyang mga mata. She cannot smile back but she still managed to. Kahit labis siyang nagulat sa pangyayari ay hindi pa rin naman tamang maging bastos siya para hindi ngumiti pabalik. Bigla namang dumapo ang kanyang paningin sa taong kanina pa niya iniiwasang tingnan at halos matunaw siya nang magkatitigan silang dalawa. Walang ekspresyon ang mukha nito at mataimtim na nakatitig lang sa kanya habang tahimik na nakaupo sa