"KUMAIN ka na hija," ani ni Aling Gina. Inalalayan ako nitong makalakad patungo sa mesa. Ipinaghanda ako nito. "Ako na po," saad ko rito nang magsandok ito ng kanin para sa akin. "Maiwan na kita, hija. Kailangan ko pang ilako ang ilang paninda kong biko at kutsinta." "Sige po," ani ko at hinarap ang pagkaing nasa aking harapan. Napangiwi ako. Kumain ako, pero kunti lang. Alam kong naalibadbaran na si Israel sa kaartehan ko. Pero paano nga ba kung ganito na ako. Pinipilit ko namang makibagay kaya lang totoong nahihirapan ako. "Ako na po maghugas ng pinggan, mommy," ani Ysah sa akin. "Salamat, Ysah." "Maupo ka na lang po riyan," saad nito at dinala ang ilang mga pinggan sa lababo at hinugasan iyon. Pagkatapos ay lumapit ito sa akin at sinuri ang aking tuhod. "Mabuti na lang at na