HINDI na masama kung magtagal man kami rito. Mas okay dito. Napasulyap ako kay Lilia. "Salamat, Lilia," nakangiting tugon ko rito. "May kailangan pa po ba kayo?" "Wala na, ang nais ko lang ngayon ay ang magpahinga buong-araw," nakangiting sagot ko rito. "Maiwan ko po muna kayo." Isinara ko na ang pinto ng naturang kwarto at tinungo ang bintana. Nililipad ng hangin ang aking mahabang buhok. Niyakap ko ang sarili. Masasabi kong maganda ang naturang lugar. Pumikit ako. Releasing all the stressed inside my system. Narinig ko ang katok mula sa pinto. Naalala ko si Ysah. "Come in," ani ko. Bumukas iyon at napalingon ako. Ang inaàntok na mukha ni Ysah ang aking nasilayan. "Mommy, can I sleep with you, here?" Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. "Of course, sweetie." Nilapitan ko ito at