INIS na hinarap ko si Israel nang hilahin ako nito ng marahas. "I already stated that I don't want to eat!" asik ko rito sa mahinang boses. "Matuto kang makisama, Ms. Barrios," inis na tugon nito sa akin. Napangiwi ako nang maramdaman ang mahigpit nitong paghawak sa aking kabilang braso. "At talagang pipilitin mo akong makisama?" "Bakit ba parang mainit yata ang dugo mo? Kung hindi mo kayang magtiis dito. Umalis ka!" asik nito sa akin. "Gano'n? Sinabi mo 'yan, ha? At heto ang pakakatandaan mo. Huwag na 'wag mo akong susundan!" mahinang asik ko rito. Inis na tinulak ko ang malapad nitong dibdib at tinalikuran ko ito. Nilisan ko ang bahay ni Aling Gina. "Omg! Fafa Rae, ang harsh mo sa financee mo, jusko! Ganda, wait!" Hindi ko na pinansin pa ang bakla. Mabilis na naglakad ako palayo