SPEAKING of that brat Noraisa Montenegro, makes my blood boild in anger. Naalala ko pa ang first encounter namin nito na inirapan ako ng bruha. Pero, nakaramdam ako ng pag-alala nang malamang tulad din namin ni Israel ay may humahabol din sa mga ito. At ang sabi ni Israel ay iisang grupo ang humahabol sa amin. "Anong plano mo ngayon?" tanong ko kay Israel. "Ang ihatid ka na sana pauwi pero mas nais ko kayong dalhin ni Ysah sa mas secured na lugar. Kailangan kong alamin kung nasaan ang pamangkin kong si Noraisa." Hanggang sa tinungo na nga namin ang chopper. Mabilis ang bawat kilos ni Israel. Agad na isinakay kami nito ni Ysah sa looban niyon. Nang makaupo na kami at komportable sa aming kinauupuan. Naramdaman ko ang dahan-dahang pag-angat ng chopper sa ere. Sa wakas, nakaalis na