Nakarating nga kami sa rest house na sinasabi ni Israel. "Pwede mo ba akong buhatin?" pakiusap ko rito.
"Madali lang naman akong kausap. Huwag na 'wag mo akong tarayan next time, Ms. Barrios dahil hindi rin madali ang suungin ang kalaban niyo na ngayo'y kalaban ko na rin," seryosong tugon nito sa akin.
"Fine, gusto kong magpahinga, Israel," iritado kong tugon dito.
"Paano kung ayoko?" sagot nito sa akin.
''Well, kung ayaw mo, e, 'di 'wag! Damn it!" asik ko at tila nawala ang sakit sa buo kong katawan at napalitan iyon ng sobrang inis. Marahas na umibis ako mula sa kotse nito at malakas na ibinalibag ang pinto ng kotse nito. Muntik na akong madapa mabuti na lamang at agad ako nitong nasalo. Inis na itinulak ko ito.
"Hayan ka na naman, palaging galit sa mundo. Pati ako dinadamay diyan sa pagiging ugali mo na akala mo'y matandang dalaga na may menauposal," pasaring nitong tugon sa akin. Inirapan ko lamang ito. At walang-gatol ako nitong binuhat.
"Kumapit kang mabuti," utos nito. Hindi ko ito pinansin. Naiinis ako rito.
Inilibot ko ang tingin sa paligid. "Ang ganda naman dito. Sa'yo ba talaga ang rest house na ito?"
"Hindi, nakita mo 'yang puting kabayo ko na si Whitey? Siya ang may-ari nitong rest house na 'to."
I just roll my eyeballs sa narinig mula rito. "Wala kang kwentang kausap!"
"Huwag mong baliktarin, Ms. Barrios."
"May bar ba rito?" tanong ko rito.
"Kitams? At sa tingin mo may bar sa lugar na 'to? Ano'ng klaseng tanong ba 'yan? Masyado bang nabagok ang ulo mo para mag-isip ka nang tila wala na sa linya?" nakangising tanong nito sa akin sabay iling. Napangiso ako.
"Baka lang naman!" asik ko rito.
"Palusot ka pa talaga. Sabog ka naman talaga lagi."
"Excuse me, nasa tama pa akong pag-iisip, Mr. Montenegro!"
"Mabuti naman, akala ko nawala ka na sa linya. Nakikita mo ba iyong maingay kong aso na si Robence? Itatali kita roon na kasama niya."
"Damn you!" asik kong tugon dito. Nagpakawala lang ito nang malutong na halakhak.
Sinalubong kami ng isang matandang babae na sa tingin ko'y care taker ng naturang rest house. Napakaganda ng naturang lugar. Palibhasa'y narito kami ngayon sa Tanauan Batangas.
"Mabuti naman at nakabili ka ng sarili mong rest house rito."
Pumasok kami sa loob. Pumanhik kami sa taas. May apat na kwarto, pumasok kami sa isang kwarto at maingat na inilapag ako ni Israel sa malambot na kama. "Salamat," ani ko rito.
"Marunong ka rin palang magpasalamat?" sarkastikong tanong nito sa akin.
"Of course! Ano bang tingin mo sa akin, walang utang na loob?" inis kong tanong dito.
"Ano sa tingin mo ang sagot? Kailangan ko pa bang i-elaborate sa'yo?" nakakalokong tanong nito sa akin. Pigil ang aking hininga dahil inilapit kasi nito ang mukha sa aking mukha. Konti na lang at maglalapat na ang aming mga labi. Mabuti na lang at parehong matangos ang aming ilong, heto ang naging tila pader para hindi kami tuluyang maghalikan.
"Lumayo ka nga!" asik ko rito sabay tulak sa matipuno nitong dibdib.
Saka ako nito pinagtawanan. At nilisan nito ang kwartong kinaroroonan ko. Naiwan akong parang nakakaaawang sisiw. Wala talagang puso si Israel. Tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Simple lang naman ang gusto ko sa buhay, ang magkaro'n ng kompletong pamilya. Pero, tila nagunaw iyon nang magloko ang aking ina at sumama sa kabit niya.
Naawa ako sa sarili. Narinig ko ang katok sa aking pinto. "Come in," ani ko. Bumungad sa akin ang matandang care taker ng rest house.
"Ma'am, narito na po ang ilang damit niyo. Mayamaya lang po ay darating si doktora para po gamutin kayo. Ihahanda ko lang po ang paliligo niyo. Nahabag po ako sa hitsura niyo, Ma'am."
"Muntik na po kasi akong magahasa, mapatay at makidnap," sagot ko rito. Inis na pinunasan ko ang mga luha mula sa aking mga mata. "At gustung-gusto kong patayin ang amo mong walang-puso!"
"Masama po 'yan, Ma'am. Sadyang ganyan po talaga si, Sir. Pero mabait naman po 'yan," ani nito. Naiiling na lamang ako sa sinasabi nito. Saka ito nagpaalam sa akin at tinungo ang banyo para ihanda ang aking paliligo. Para naman ako nitong walang-silbi. Napangiwi ako. Sumasakit talaga ang sikmura ko.
Makalipas ang ilang minuto, lumabas mula sa banyo ang naturang matandang care taker. Ngumiti ito sa akin. Pansin ko ang nag-aalala nitong mukha.
"Mabuti na lang po at nailigtas kayo ni Sir Rae," ani nito.
"Rae?"
"Palayaw po 'yan ni, Sir Israel."
"I see," kunot-noo na sagot ko rito.
"Tara, Ma'am. Inutusan po ako ni Sir na alalayan ko raw po kayo."
"Salamat, ho. Hindi rin ho ako papayag. Manyakis ang kumag na 'yon!" inis kong sagot dito. Nagtaka ako nang biglang napansin kong pinipigilan ni Manang na matawa. Tumikhim ito.
"Walang anuman, Ma'am."
Namangha ako sa looban ng banyo, kompleto sa gamit. Hindi ko akalaing may jacuzzi pala rito. Simple lang ang rest house sa labas tingnan pero sa loob puro mamahalin ang mga gamit.
"Pwede niyo na po akong iwan dito, Manang. Kaya ko na po ang sarili ko," saad ko rito.
"Ikaw po ang bahala, Ma'am. Paano po, aalis na po ako. Ihahanda ko pa po ang dinner ninyo."
"Salamat po."
"Narito po ang roba ninyo, Ma'am. Nasa couch po ang damit niyo at iba niyo pa pong kailangan."
"Sige po."
Nang tuluyan ng makaalis si Manang. Nagpakawala ako ng sunud-sunod na malalalim na buntong-hininga. I closed my eyes. I want to relax. Pagod ang aking diwa at katawan. I miss my mom! Damn it! Muli, tumulo na naman ang masaganang luha mula sa aking mga mata. Nagtatanong kung bakit nagawa pa ni Mama na sumama sa kabit niya. Nang dahil dito ay baon sila sa utang at ang kanilang kompanya ay papalubog na. Sari't saring emosyon ang lumukob sa akin. Ang dami kong iniisip. At sobrang bigat ng aking dibdib. Para bang anytime ay pwede na akong sumabog.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin ako sa paliligo. Dahan-dahan akong tumayo mula sa bath tub. Isinuot ang aking roba at lumabas ng banyo. Paika-ika. Masakit ang paa ko, nabalian kasi ako. At isa pa, ang kamay ko na inaapakan ng walanghiyang Intsik. And the last one is, ang sakit ng aking sikmura na sinuntok nito. Kung ibang babae na ito, malamang hinimatay na.
Naupo ako at hinarap ang sariling repleksyon sa salamin. Pinatuyo ang sariling buhok gamit ang blower. Muli, narinig ko ang katok sa aking pinto.
"Yes, come in."
"Ma'am, ang utos ni Sir ay doon daw po kayo kumain sa dining room."
"Salamat, Manang. Pakisabi pong magbibihis lang po ako."
"Sige po, Ma'am."
Nagmamadaling sinuklay ko ang aking buhok. Pagdakay, tumayo ako at nilapitan ang couch kung nasaan ang ilang damit na dapat kong pagpipilian. Pinili ko ang kulay white na flowing dress. I love the color white. Meaning, pure and clean.