"AKALA ko talaga hindi mo na ako babalikan? Ang sakit talaga ng paa at sikmura ko, ginawa ba naman akong punching bag ng lint*k na intsik na 'yon!" inis kong tugon dito.
"Shut up! Wala akong pakialam kung ano pang ginawa niya sa'yo!" asik nito sa akin.
"Ang suplado mo naman!" galit kong tugon dito.
"Watch out your behavior or else ibabalibag talaga kita," mariing tugon nito sa akin dahilan para masinghap ako. What the!
"At talagang gagawin mo 'yon! Wala ka talagang awa. You're so freaking heartless!" inis kong tugon dito.
"I am, kaya tumahimik ka na. Kung hindi lang dahil sa ama mo hindi ko gagawin ito. You're just wasting my time, woman!" inis nitong tugon.
"Ah, gano'n? Then, put me down! mariing utos ko rito.
"Inuutusan mo ba ako?" cool lang na tanong nito pero batid ko ang pagbabanta sa tono ng boses nito. Israel known as a heartless one mong of all the Montenegro's.
"I said, put me down!" asik kong muli rito. At laking gulat ko na lamang nang bitawan nga ako nito at sumalampak sa semento ang aking balakang. Napangiwi ako sa sakit. "F*ck you, Israel!"
"Masunurin akong tao, ligtas ka naman siguro, wala na rin ang balasubas na intsik na papatay sa'yo, hindi ba? Pasalamat ka at 'yan lang ang inabot mo sa'kin."
"Walanghiya ka!" galit kong tugon at napaluha ako habang sapo ang aking balakang. "Aray ko."
"Really, at ako pa ang walanghiya ngayon? Ikaw na nga ang tinutulungan ikaw pa iyong may ganang magtaray?" seryosong tugon nito. Saka ako nito tinalikuran. Inis na sumigaw ako sa sobrang inis.
"Asshole!"
"I am more than what you think," simpleng sagot ng kumag. Mabuti na lamang at naawa sa akin ang ilang tauhan nito at agad akong dinaluhan ng mga ito.
"Pasensiya ka na po kay Sir Israel, Ma'am."
"Aba't, bakit ikaw ang humihingi nang pasensiya sa kumag na 'yon? Sino ba siya para ipagtanggol mo! Wala nga iyong puso, e!" galit kong sagot dito. Agad na dinaluhan ako ng dalawang lalaki na nakasuot ng itim na suit. Men in black ang dating ng mga ito. Ngumiti lang ito nang marinig ang mga sinasabi ko.
"Ihahatid ka na po namin sa ospital, Ma'am. Iyon po kasi ang utos ni Sir Israel. At kailangan po namin siyang sundin sa nais niya. Hiling lang po sana namin ay sumunod na lang po tayo," buong pakumbabang tugon nito sa akin.
"Oo naman, kailangan ko talagang pumunta ng ospital. Baka kasi mas lumala pa itong mga pasa ko. Ah, ang sakit talaga ng balakang at sikmura ko," ani ko sabay daing. Hanggang sa marating namin ang isang kotse. Pero bago pa man ako makapasok sa itim na Pajero narinig ko ang baritonong tinig ni Israel.
"Hihilahin ba kita papunta rito o sisipain? Dito ka sumakay sa kotse ko!" may halong inis na utos nito sa akin.
"Aba't sumusobra ka ng lalaki ka! Hoy, ayusin mo iyang ugali mo, ha? Aba't hindi kita uurungan diyan sa ugali mong tila wala kang puso!" nanggagalaiti kong sagot dito.
"I count one to three, kapag hindi ka pa rin pumasok dito sa loob ng kotse ko mapipilitan akong barilin ka sa paa gaya ng ginawa ko sa lintik na intsik kanina. Deal or no deal, Ms. Barrios? Simple lang akong kausap," ani nito. Lihim akong natakot at nangamba.
"Ma'am, pakiusap po sige na po sundin niyo na lang po si Sir Israel."
Napasulyap ako sa isang tauhan ni Israel. Saka ako napalunok. Kitang-kita ko sa anyo ng lalaki na namumutla ito. Damn it! Inis na pa-ika-ika akong lumapit sa kotse ng kumag na lalaki. Binuksan ko ang front seat at padabog na naupo sa tabi nito. I buckle my seat belt.
"Good girl, marunong ka rin naman palang sumunod. Huwag mo akong susubukan dahil totoong hindi nagbibiro, Ms. Barrios."
"Shut up, you jerk! Mamatay ka na sana!" asik ko rito.
"Really, hindi pwede. Aanakan pa kita, remember?" pilyong ani nito sa akin.
"Over my dead and so precious sexy body!" asik ko rito.
Narinig ko ang malutong nitong halakhak sa aking sinabi. Naputol lamang ang halakhak nito nang makarinig kami ng sunud-sunod na putok ng baril.. Panginoon ko po. Saka nito pinaharurot nang mabilis ang itim nitong Lamborghini. Oh, gosh! Para akong sumakay ng roller coaster. Mukhang aatakihin ako sa puso sa sobrang bilis nang takbo namin. At nang lumingon ako sa likuran ng aming kotse patay na ang limang tauhan ni Israel. What the!
"A—ang mga tauhan mo si Israel nadido lahat," hintakutang tugon ko rito.
"Wala na tayong magagawa, ganyan talaga ang buhay. Hindi sila marunong magmatyag kaya kasalanan nilang madido sila," simpleng tugon nito. Mabuti na lamang at bullet proof ang sasakyan nito.
"Nang gano'n lang?!" bulalas ko rito.
"Yeah, and that's the sad reality of life, Ms. Barrios. Kaya ikaw, habang buhay pa tayo kailangan na kitang anakan," nakakalokong tugon nito. Nagpanting ang dalawa tenga ko sa narinig mula rito dahilan para mahampas ko ito sa braso.
"Pervert!" asik ko. Nagpakawala lang ito ng malutong na halakhak at mas lalo pang binilisan ang aming takbo. Hanggang sa mailigaw nito ang dalawang sasakyan na nakasunod sa amin.
"Paano na ang mga pamilya ng mga tauhan mo?" tanong ko rito.
"Of course, I will take all the responsibilities. Ibibigay ko ang nararapat sa naiwan nilang mga pamilya. At maghahanap na naman ng bagong mga tauhan."
"Israel, hindi ka ba natatakot? Sa tingin ko, mukhang mga tauhan iyon ng balasubas na Intsik," tugon ko rito. Lihim akong nagpasalamat at normal na ang naging takbo ng aming sasakyan.
"Panginoon lang ang siyang kinatatakutan. At bakit naman ako matatakot kung kaya ko namang depensahan ang sarili ko?"
"Saan na tayo pupunta?" nag-aalalang tanong ko rito. Hinang-hina na talaga ang buo kong katawan. Ilang minuto na lang ay magko-collapse na ako.
"Sa dati kong rest house. Kailangan na muna nating huminto roon. Maganda naman do'n, sariwa ang hangin."
"Kung saan sa tingin mo'y safe tayo," ani ko sa nanghihinang boses. "Please, kailangan ko ng doktor. Nanghihina na ako, Israel," sumamo ko rito. Napansin ko ang pag-igting nang mga panga nito.
"Hindi tayo pwedeng bumalik dahil naroon ang mga kalaban, isa pa, wala akong dalang baril," may awtoridad sa boses nito. Pagdakay kinuha nito ang sariling cellphone at may tinawagan, narinig kong sinabi nito ang address kung saan kami paparoon.