Kabanata 6

1212 Words
"Ma'am, aalayan na po kita patungo sa dining area." "No, thank you na lang po Manang. Kaya ko na po ang sarili ko," saad ko rito. "Sige na po, Ma'am. Baka po kasi mapaano pa kayo," ani pa nito sa akin. "I can manage, Manang," pinal kong sagot dito. "Ikaw po ang bahala." Napapikit ako. Ngunit ang totoo niya'n pinipilit ko lang ang sarili na kumbinsihin na kaya kong mag-isa. Paika-ika akong naglakad. Napangiwi ako sa sakit. Pumikit ako at huminto saglit. Gano'n na lamang ang gulat ko nang may biglang bumuhat sa akin, and I can smell Israel familiar scent. Damn! "Acting that you're fine but you didn't, it's too obvious, Ms. Barrios," ani pa nito. Napakapit ako sa matipuno nitong braso. Nagkaro'n tuloy ako ng pagkakataon na mapagmasdan ang napaka-gwapo nitong mukha sa malapitan. I can say, Israel Montenegro was so freaking hot and gorgeous. But a ruthless one. Ibinaling ko ang tingin sa ibang direksyon ng maalala iyon. Yes, I hated him. Siya ang dahilan kaya sa tingin ko'y nabalian ako sa may bandang bewang ko. Kainis! "Darating 'yong kaibigan ni Aling Magda para mahilot ang paa at bewang mo." "Hilot lang?!" bulalas ko. "And a doctor," pagpapatuloy nito. "Akala ko hilot lang ang kaya mong bayaran," nakanguso kong sagot dito. "By the way, may pera ka ba? Kailangan ko ng pera para bumili ng damit," ani ko rito. "After nating kumain ng lunch bibigyan kita ng pera," sagot nito. Sumilay ang pilyang ngiti sa aking mga labi. "Madali ka naman palang kausap," nakangisi kong turan. "Oo naman lalo na at magkaintindihan tayo," sagot nito at maingat ako nitong pinaupo sa silya. Napangiwi ako, sobrang sakit ng aking balakang. Mukhang para yata akong nabalian. Nagulat ako nang bumulong sa aking punong-tenga sa Israel. "Pero may kapalit," ani nito. Nagpanting ang dalawa kong tenga. Inis na pinukol ko ito ng matalim na tingin. Ngumisi lang ang damuho. "Eat," ani nito. Hinarap ko ang pagkain at kumain. It's pretty delicious. "By the way, ano ng gagawin natin nito?" tanong ko rito. "Dito muna tayo, mahirap bumalik at baka tadtarin tayo ng bala. Ayoko pang mamatay, kung gusto mong mauna, then, you may go," cool nitong sabi. "Napaka-walanghiya mo talaga!" galit kong saad dito. "Matagal na, Ms. Barrios." Tila para akong dragon na gustong bumuga ng apoy. Kahit kailan talaga hindi magandang kausap itong lalaking 'to. Umirap ako rito. "At talagang gusto mo akong mamatay?!" "Wala akong sinabi, sa mismong bibig mo 'yan nanggaling," simpleng sagot nito habang ngumunguya. "Wala kang kwentang kausap, Israel." "Ikaw lang ang nagsabi niya'n," nakakalokong tugon nito sa akin. Gusto kong ibato sa pagmumukha nito ang hawak kong tinidor. What the! Nagtitimpi lang talaga ako. "Ganyan ka ba talagang makipag-usap?" inis kong tanong dito. "What do you think, Ms. Barrios?" "Ewan ko sa'yo!" Saka ko narinig ang malutong nitong halakhak. Natigil lamang iyon nang dumating ang isang kawaksi. "Nariyan na po si doktora, Sir." "Pakisabi na maghintay siya sa living room,"" sagot ni Israel, pagdakay napasulyap ito sa relong pambisig. Mula sa silya nito ay tumayo ito. Kinuha ang cellphone at may tinawagan. Nilisan nito ang dining at naglakad ito patungo sa may kusina. Hinarap kong muli ang aking pagkain. Makalipas ng ilang oras, bumalik si Israel. Kaharap pa rin nito ang sariling cellphone. Kunot-noo. Tila pansin kong may malalim itong iniisip. Nang ibaling nito ang tingin sa aking kinaroroonan agad kong ibinaling ang tingin sa aking pagkain. I'm wondering kung ano'ng nagpabagabag dito. May problema na naman ba? Kumusta na kaya ang daddy ko? "Tapos ka na ba? Dumating na si doktora at kailangan na masuri iyang mga sugat mo," seryosong ani ni Israel dahilan para harapin ko ito. "Oo," sagot ko. "Good," saad nito at walang-gatol ako nitong binuhat na muli. Hindi ko napigilan ang sarili na hindi mapasigaw. "Agad-agad? Pwede bang mag-signal ka naman, hindi iyong basta-basta ka na lamang gumagawa ng sarili mong desisyon," inis kong sermon dito. "Tatahimik ka ug bibitawan ulit kita?" naiiritang pagbabanta nito sa akin. "Huwag na 'wag mong gagawin 'yan, Mr. Montenegro!" asik ko rito. "Then, shut up!" Wala akong nagawa kundi ang tumahimik. Totoo nga ang naririnig ko sa mga tao. Ang sama ng ugali ng isang 'to. Hay naku, gusto ko itong suntukin para makaganti rito, mabuti na lang at mahaba ang pasensiya ko. Maingat ako nitong inilapag sa couch. Sumalubong sa amin ang nakangiting mukha ng magandang doktora. Binati kami nito at gano'n din kami rito. Napasulyap ako sa labas ng bintana. Umuulan pala. "Ikaw na ang bahala sa babaeng 'yan doktora," tugon ni Israel sa nakangiting doktora. "My pleasure, Mr. Montenegro," sagot ng naturang doktora at nakangiting napatingin ito sa aking gawi. Napansin kong biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito nang makita ang ilang galos mula sa aking mukha, mga kamay at paa. Napayuko ako. "Mukhang kailangan mong magpahinga ng maayos, Ms. Barrios. Hindi biro ang mga natamo mong galos at pasa." "For me, doc. Malayo po ito sa bituka, okay lang kahit ako na ang mabugbog, huwag lang ang ama ko," matapat kong sagot dito. "You really love your dad," ani ng doktora sa akin. "Of course, doc. Sino pa ba ang magmamahal sa kanya? Ang ina kong sumama na sa lalaki niya?" sarkastikong sagot ko rito. Narinig kong tumikhim si doktora. "Ikinalulungkot kong marinig 'yang muli sa mismong bibig mo, Ms. Barrios. I thought the rumors are fake." "Nope, that's true. Ang higad kong ina ay totoong sumama na sa lalaki niya. Take note, na mas bata pa sa kanya. For pete's sake, doktora kaedad ko lang yata iyong bwesit na lalaki na 'yon! Halatang pineperahan lang din si mommy!" "Hello, daddy!" Nagulat ako nang marinig ang malakas na sigaw ng isang batang babae. Daddy? Kapwa kami nagkatinginan ni doktora. "Hey, sweetie. Sino kasama mo?" nakangiting tanong ni Israel. "Si Yaya po, pinagalitan ako ni popay Mike na pumunta rito dahil raw sa banta ng buhay mo. Pero nagpumilit pa rin akong umalis para makita ko po kayo." "M—may anak na pala si Mr. Montenegro?!" mahinang bulalas ko. "Ang alam ko, binata pa si Sir Israel," sagot ng doktora sa tanong ko. Saka nito inumpisahan ang trabaho. Sinusunod ko lang kung ano'ng sinasabi nito. "You missed me?" Narinig kong tanong ni Israel sa batang babae. "Kaya nga po ako pumunta rito, dad. By the way, who is she? S'ya na po ba ang sinasabi niyong magiging mommy ko?" Nagulat ako sa narinig mula sa bibig ng batang babae. Oh, no! At talagang balak pa akong gawing ina nito. Of course not! Jusko, wala pa sa isip ko ang mag-alaga ng batang katulad nito. Hindi pang mother hood ang beauty ko. Gosh! "Ms. Barrios. Narito ang ilang listahan na dapat mong ipabili kay Mr. Montenegro. Pakiusap, kailangan na mainom mo lahat ng mga 'yan para sa agarang paggaling mo, okay? Hindi na rin kasi ako magtatagal. May pasyente pa akong dapat puntahan. Get well soon," ani nito at tumayo. Agad na lumapit sa amin si Israel. "I have to go, Mr. Montenegro. Please, kailangang mabili ang gamot na inireseta ko kay, Ms. Barrios. Para maagapan ang ilang mga pasa sa kanyang katawan, ang ilang galos at para mas agarang maghilom ang ilang sugat." "Thank you, doc." "My pleasure, Mr. Montenegro."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD