Kabanata 3

2249 Words
"Emy!" Napalingon si Emyrose sa kaibigang si Avi. Oh, gosh! Muntik na niyang makalimutan na may kasama pala s'yang kaibigan. Lumapit ito sa kanya. "Kanina pa kita hinahanap sa dance floor. Halika, narito ang walang kwenta mong ex-boyfriend," si Avi at walang-sabing hinila n'ya ang kaibigang si Emy patungo sa dance floor. "Please, Avi. Ayokong makita ang bwesit na lalaking 'yon," ani n'ya sa kaibigan at marahas na pumiksi sa pagkakahawak nito. Sa totoo lang mas na-distract s'ya sa ginawa ni Israel sa kanyang katawan kanina. F-ck! Kahit kailan hindi n'ya naramdaman iyon sa long time boyfriend n'yang si JC. Walang nagawa si Avi kundi ang hayaan na lamang ang kaibigan. Nagmamadali na itong umalis. Agad naman s'yang sumunod dito. Tulad nito, broken-hearted din s'ya. Nahuli lang naman n'ya ang kanyang fiance na nakipagtalik sa ibang babae. What a damn, ridiculous thing! Ipinilig na lamang ni Avi ang sariling ulo. Napahawak s'ya sa kanyang ulo. Tila kasi umaalon na ang kanyang paningin. Bunga ng alak. Sh-t! "Pumasok ka na sa loob ng kotse. Huwag mo akong gawing tagapunas ng suka mo, Avi," inis na sita ni Emyrose sa kaibigan. "Nahihilo lang na man ako, I'm sorry. Pwede bang sa apartment mo na lang muna ako matutulog?" ani Avi sa kaibigan na tila iritado. Pumasok agad s'ya sa kotse nito. "Anytime, wala namang problema iyon sa'kin," sagot ni Emy at saka pinaandar ang kotse. "Salamat," sagot ni Avi sa kaibigan. "Nasaan ka ba kanina? Kanina pa kita hinahanap. Ang tagal mong bumalik," aniya sa kaibigan. Napasulyap s'ya dito. Seryoso ang mukha nito. "Muntik nang may mangyari sa'min ni Israel. Damn! Gusto ko talagang sapakin ang bwesit na lalaking 'yon!" asik na sagot ni Emy sa kaibigan. "Oh, the playboy and the heartless CEO. Ang lalaking niluluhuran ng mga babae para lang mapansin ng hottie CEO," tila kinikilig na saad ni Avi. "Tumigil ka nga riyan! Hindi ka nakakatuwa. Kung alam mo lang kung ano'ng ginawa ng bwesit na lalaking 'yon sa'kin. Damn that ass hole!" asik ni Emyrose. "Gosh, sigurong nakakakiliti iyon, Emy, at nakaka-excite," tila kinikilig na turan ni Avi sa kaibigan na may halong panunudyo. "Itigil mo na lang sa apartment ko, Emy. Kawawa naman ang maliit kong apartment. Dito na lang ako, salamat," nakangiting tugon ni Avi. Nagbago bigla ang kanyang isipan. "You sure? Akala ko ba sa apartment ko ikaw tutuloy?" takang tanong ni Emy sa kaibigan. "Nagbago ang isip ko. Ayoko ring magkalat pa sa apartment mo, alam mo naman ako suka nang suka," nakangiting tugon ni Avi sa kaibigan. Bago s'ya tuluyang bumaba ng kotse, pinisil n'ya muna ang ilong ni Emyrose. "Argh! Gaga 'to!" reklamo ni Emy sa kaibigan. Nakangising isinara na nito ang pinto ng kanyang kotse. At saka ito kumaway. Pinukol n'ya ito ng matalim na tingin, napahawak s'ya sa kanyang ilong. Palibhasa'y she has those perfect little nose. Kahit sino'y matutukso na pisilin iyon. "Sorry, ingat ka, Emy!" pahabol ni Avi sabay bukas ng gate. Kumaway na lamang si Emyrose sa kaibigan. Saka n'ya pinaandar ang sariling kotse patungo sa kanyang apartment. Nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone. Unknown number. Hindi n'ya iyon sinagot. Bagkus ay binalewala lang n'ya iyon. Makalipas ang ilang minuto, sa wakas narating na rin n'ya ang kanyang apartment. Umibis s'ya mula sa sariling kotse at binuksan ang gate niyo'n. Nagulat s'ya nang mapansing bukas ang kandado ng kanyang gate. What the! Biglang nilukob ng kaba ang kanyang dibdib. Hindi kaya napasok s'ya ng magnanakaw? Bumalik s'ya sa looban ng kanyang kotse, ngunit, gano'n na lamang ang gulat n'ya nang makita ang ex-boyfriend n'yang si JC. Muli, lumabas siya ng naturang kotse at hinarap ito. Isinara niya ang pinto ng sariling kotse at naglakad ng ilang hakbang. Pero bago pa man siya tuluyang nakalapit dito. Lumapit sa kanya ang binata. Matamang nakatitig sa kanyang magandang mukha. "Ano'ng ginagawa mo dito?!" bulalas n'yang tanong sa binata. Napaatras s'ya. "Narito ako, to say, I'm sorry for all the things I've done. Please, Emy. Patawarin mo na ako. Gusto kong magkabalikan tayo," sumamo ni JC sa dating girlfriend at lumapit sa dalaga. "Huwag kang lumapit sa'kin. Leave me alone! As you can see, ikakasal na ako kay Israel Montenegro. Hindi ko na binabalikan pa ang taong nanakit at sumira ng tiwala ko. Kaya umalis ka na!" asik ni Emyrose sa binata. Umigting ang panga ni JC. Damn it! Naikuyom n'ya ang kanyang dalawang-kamao. Aaminin n'yang nagkasala s'ya sa dalaga. "Nagawa ko lang naman 'yon dahil sa pagkukulang mo bilang girlfriend ko," pangangatwiran pa ni JC sa dalaga. "Talaga lang, ha? Ako pa talaga ang may pagkukulang? O ikaw ang hindi makapaghintay? How dare you!" sigaw ni Emyrose sa mukha mismo ng binata. "Lalaki lang ako, Emy. May pangangailangan din ako bilang lalaki. Hindi mo maibigay, kaya sa ibang babae ko pinutok. Mapipigil ko ba ang pangangailangan ko? Mag-isip ka naman," ani JC sa dalaga. "Ang kapal ng mukha mo! Sabihin mo 'yan sa babaeng katalik mo! Umalis ka na!" asik ni Emyrose, tinalikuran niya ang binata at tinungo ang kanyang kotse, akmang bubuksan na sana n'ya ang pintuan ng kanyang kotse nang bigla s'yang yakapin ni JC mula sa kanyang likuran at hagkan ang kanyang batok. What the heck! "Damn, JC! Let me go!" asik ni Emy at marahas na itinulak ang binata. Damn it! Inis na hinila ni JC ang dalaga palapit sa kanyang matipunong katawan. Nagpupumiglas ito sa kanyang hawak. Pansin niyang, wala na talaga s'yang pag-asa dito. Ni hindi n'ya makita ang kakaibang ningning sa mga mata nito noon sa tuwing nakatitig iyon sa kanyang mga mata. Lihim s'yang nasaktan. Kasalanan n'ya rin kaya biglang naglaho ang ningning n'on, nakikita n'ya ang poot at galit sa mga mata nito. "Ikaw ang unang sumira, JC. Hindi ako. Kaya, patawad. Pero, hindi na kita maapuhap dito," diretsahang tugon ni Emyrose sabay turo sa banda kung saan naroon ang kanyang puso. Ngunit ang totoo, nagsisinungaling lang siya sa binata. Hindi madaling makalimutan ang pagmamahal na inukol niya para sa taong kaharap niya. Maybe, time heals ika-nga. Saka, dahan-dahang binitiwan ni JC ang dalaga. Damn it! Tila sinakluban s'ya ng langit at lupa. Sinayang n'ya ang tiwalang ipinagkatiwala sa kanya ni Emyrose noon. Tao lang s'ya at mahina sa tukso. Tuluyan na n'ya itong binitawan. "I am so sorry," malungkot na saad ni JC sa dalaga. "Pinapatawad na kita, pero hindi na kita pwedeng balikan pa. Mahirap ibalik ang tiwala na sinira mo na. Kilala mo ako, JC. At alam mo 'yan," saad ni Emyrose sa binata. Tila naman guminhawa ang pakiramdam ni Emyrose. Naawa siyang nakamasid lang sa binata. Tinapik n'ya ang balikat nito. "Pwede bang mag-request? One last, goodbye kiss, please?" pakiusap ni JC sa dalaga. "Umalis ka na, baka gusto mong tikman ang isang kamao ko?" mataray na tugon ni Emyrose sa binata. Nailing na lamang si JC. Bagsak ang kanyag balikat na umalis sakay ng kanyang kotse. Nasundan na lamang s'ya ng tingin ng dalaga. Muli, binuksan ni Emy ang gate ng kanyang apartment. Bumalik s'ya sa kanyang kotse at nagmaneho para i-park iyon sa maliit n'yang garage. Napasulyap s'ya sa katapat na kalsada. Awtomatikong tumaas ang kanyang kilay, at kaninong mga kotse naman iyon? Sports car na Bugatti. Ipinilig n'ya ang sariling ulo. Hinanap n'ya sa sariling bag ang susi ng kanyang pinto. Nang makita iyon, agad na ipinasok n'ya iyon sa keyhole. Nagulat s'ya ng mapansin n'yang bukas iyon. Naalala n'ya si JC. Baka si JC ang nagbukas niyo'n kanina since may susi ito sa kanyang apartment. Bukas na bukas din ay papalitan na n'ya ang kanyang doorlock. Mahirap na. Itinulak n'ya ang pinto. Nagulat s'ya dahil bukas din ang ilaw. Ba't nga ba s'ya kinakabahan? Damn it! Inis na isinara n'ya ang pinto at lumapit sa kanyang couch. Ibinagsak n'ya roon ang nahahapo n'yang katawan. Muli, naalala na naman n'ya ang ilang problema. Nakakabaliw nga naman. Nang may biglang kumalabog sa taas ng kanyang kwarto. Nakarinig siya nang tila mga nag-uunahang hakbang ng mga sapatos. Agad na tumayo si Emyrose at dali-dali s'yang nagtago sa banyo. What the! Sinu-sino ba ang mga 'yon? Biglang binundol ng kaba ang kanyang dibdib. Agad na ni-lock n'ya ang banyo. Napasulyap s'ya sa bintana. Damn! Kung sakaling masamang-loob ang mga ito. Wala s'yang choice kundi ang umalis doon. "Boss, may sasakyan. Ibig sabihin dumating na s'ya." Nanlaki ang mga mata ni Emyrose. Napatakip s'ya sa kanyang bibig. What the! Ibig sabihin, s'ya ang pakay ng mga lalaki? Dahan-dahan n'yang ipinatong ang dalawang paa sa inidoro. She need to get out of here. Delikado s'ya. Sumilip siya sa may bintana. "Hanapin n'yo! Hindi pa iyon nakakawala. Hindi ko na makontak ang kanyang ama. Malamang, nagtatago na ang bwesit na matandang iyon!" Napakagat-labi si Emyrose. Hindi s'ya nagkakamali. Si Mr. Haichi ang nagsasalita. Patay na talaga s'ya. Kaya kailangan n'yang makasal agad kay Israel para magamit n'ya ang yaman nito para pataobin ang tusong matanda! Damn! Nang hindi sinasadyang tumunog ang cellphone ni Emyrose! Pucha! Kasabay ng pagkabog ng kanyang puso. Pahamak na caller. Nagulat s'ya nang makita ang numero ng kanyang ama. Pinatay n'ya agad ang tawag. Lagot na s'ya. At dali-daling inabot n'ya ang bintana ng banyo para makaalis doon. "Sa banyo! Dalian n'yo! Sa labas kayo, harangan n'yo ang babaeng 'yon! Hindi mo ako pwedeng takasan Ms. Barrios. Ikaw ang kapalit ng lahat ng mga pagkakautang ng ama mo!" nanggagalaiting tugon ni Mr. Haichi. Sa wakas ay nakalabas na si Emyrose. Tumalon s'ya. Sa malas ay napangiwi s'ya sa sakit. Her ankle got hurts, damn it! Hindi s'ya makatayo. Gosh! Paano na s'ya? Sinubukan n'yang tumayo ulit ngunit hindi n'ya talaga kaya. Pero kailangan n'yang makatakas. Gumapang s'ya at tinungo ang garage. Pero bago pa man s'ya makarating doon, napasigaw s'ya sa sakit nang maramdaman na may tila humila sa kanyang buhok. "Ouch! Damn it!" sigaw ni Emyrose sa sobrang sakit. "You can't escape from me, Ms. Barrios. Oh, what happened to your ankle? Got hurts?" ani Mr. Haichi at inapakan ang isang paa ng dalaga. "Ah! F-ck you!" napaluha si Emyrose sa sobrang sakit. Walang-awa s'yang hinila ng mala-demonyong matanda. Pansin n'ya ang ilang sugat sa kanyang dalawang paa. Marahas s'ya nitong itinulak sa loob ng kanyang apartment tumama pa ang kanyang paa sa mala-antique na vase at nabasag iyon. F-ck! "Hayop ka!" sigaw ni Emyrose. Tumawa lang ang matanda. Pagdaka'y lumapit sa dalaga at muli, hinila nito ang buhok ni Emyrose. Dahilan para mapasigaw ito sa sobrang sakit. "Where's your damn, father?!" sigaw ni Mr. Haichi sa mukha ng dalaga. "Hindi ko alam, damn you!" sigaw pabalik ni Emyrose. Sa sobrang galit ng matanda. Mula sa kanyang tagiliran kinuha n'ya ang isang baril at itinutok iyon sa noo ng dalaga. "Sasabihin mo sa'kin o ipuputok ko ito sa ulo mo, letche ka!" "Iputok mo! Wala akong pakialam, total wala namang silbi ang buhay ko! Baka gusto mo ako pa ang kumalabit?" matapang na turan ni Emyrose. Ngunit ang totoo, halos himatayin na s'ya sa sobrang takot at kaba. Ngunit, hindi s'ya pwedeng magpakita ng takot sa baliw na matandang Japanese na ito. Aba! Kailangan n'yang itayo ang bandera n'ya bilang Pilipino. Umigting ang panga ni Mr. Haichi. Sa sobrang inis n'ya ay sinuntok n'ya si Emyrose sa sikmura. Napa-igik ito. Napangisi s'ya. "Hindi lang 'yan ang aabutin mo. Kayo, lumabas kayo. Titikman ko lang ang masarap na ulam," tila demonyong saad nito at hinubad ang damit, pati ang pantalon nito. Nanghihina na si Emyrose. Damn it! Kailangan n'yang lumaban. She need to think wisely. Inaaninag n'ya ang demonyong matanda. Kahit hinang-hina na s'ya ngumisi s'ya ng makita ang baril sa center table. Naghubad na pala ang hudyong demonyo. Wala s'yang choice kundi paunlakan ang nais nito. "Oh, s*x pala ang gusto mo? Wait, maghuhubad ako," nakangising saad ni Emyrose. She bite her lips seductively. Tila na man parang asong ulol na kumagat ang higad na matanda. Ibinuka n'ya ang kanyang hita. At dahan-dahang hinubad ang kanyang sexy Body Con Dress. Tumambad sa harapan ng matanda ang kanyang sexy hot body. Bago pa man makalapit ang matandang Japanese kay Emyrose. Marahas na bumukas ang pinto ng apartment ng dalaga at iniluwa roon ang naniningkit na mga mata ni Israel. Kasama nito ang ilang Men in black. What the! "Stand up, woman!" seryosong utos ni Israel, hinubad n'ya ang kanyang suit at walang-sabing inihagis sa kinaroroonan ng dalaga, sapul sa mukha ni Emyrose. "Damputin ang naka-borless na matandang 'yan!" asik ni Israel. Maririnig ang walang-tigil na mura ng matandang Japanese. Habang si Israel naman ay nakamasid lang sa dalaga. "Hindi ko akalaing pumapatol ka pala sa matanda?" may panunuyang tanong ni Israel kay Emyrose. "Of course! Mas masarap ang matanda dahil expert sila pagdating sa kama," asik ni Emyrose sa binata. Umigting ang panga ni Israel. "Ayusin mo ang sarili mo!" "Baka akala mo, birhen pa ako. Your wrong, ibinigay ko na kay JC ang pinakaiingatan ko," sarkastikong tugon ni Emyrose sa binata. "Like I care," may panunudyo sa boses na tugon ni Israel. "So what?" sarkastikong ani Emyrose. Tumalikod na si Israel at agad na lumabas ng apartment. Naiwang naka-upo pa rin si Emyrose sa sahig. Damn it! Masakit ang kanyang paa. Nabalian yata s'ya. "Israel, help me!" sigaw n'ya sa pangalan ng binata. "I've done my part, woman!" pahabol ni Israel. Napahilot si Israel sa sariling sentido. Pagdaka'y binalikan niya ang pasaway na si Emyrose. Totoong sakit sa ulo niya ang naturang dalaga. Kung hindi siya tinawagan ng ama nito malamang napahamak na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD