"Manang, kunin mo ang reseta kay Ma'am mo at utusan mo si Manong Tata na bumili no'n."
Nakatingin lang sa akin ang batang babae. Hindi halatang anak ito ni Israel, malayong-malayo ang itsura nito sa ama. Umirap ito sa akin nang taasan ko ito ng isang kilay.
"Dad, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Sino ang mataray na babaeng 'yan?" nakanguso nitong tanong sa ama.
"Ang future mommy mo," sagot ni Israel sa anak.
"What?!" bulalas ng maarteng dalagita.
Aba't, kung makapag-react wagas? Hump! Lihim akong nairita sa narinig. Mukhang hindi ko rin ito makakasundo. Hindi nga nag-mana sa ama ang itsura pero kung ugali ang pagbabasehan hindi nagkakalayo ang dalawa. Naku!
"Hindi ko akalaing may attitude rin pala iyang anak mo, well, hindi na ako magtataka," saad ko kay Israel.
"Like father like daughter," Simpleng sagot lang ng damuho sa akin. Napairap akong muli rito.
"But dad, she looks like a witch," reklamo ng mataray na anak ni Israel. Nagpanting ang tenga ko sa narinig. Mula sa silya ay napatayo ako. "What did you just say?!"
"I said, I don't like you!"
"Aba, Mr. Montenegro iyang ugali ng anak mo ayusin mo. Walang-galang sa matatanda pa sa kanya," palatak ko kay Israel.
"Really, Ms. Barrios? Kilala ko ang anak ko. At hindi ganyang ugali ang ipapakita niya sa'yo kung wala siyang nakitang mali sa'yo."
"At talagang kinakampihan mo pa ang maldita mong anak?" hindi makapaniwalang tanong ko rito sabay iling.
"Of course he is, ikaw ang nauna, MOMMY!" At talagang idiniin pa nito ang salitang mommy. Awtomatikong tumaas ang isa kong kilay.
Marahas na napatitig ako sa mga mala- asul na mga mata ng malditang batang babae, tantiya ko'y nasa edad diyes ito. Yeah, her blue eyes makes her more attractive. Her personality suits her. The way she dress, it's sophisticated. The way she move, parang si Israel. Ang dating ng aura nito ay tila sumisigaw sa karangyaan.
"And who give you the permission na tawagin akong mommy?" sarkastikong tanong ko rito.
"Kailangan pa ba 'yon? Ang alam ko po kasi ay ikaw ang magiging future mommy ko, since pakakasalan ka ni daddy," mataray nitong sagot sa akin. And she flipped her hair in annoyance and roll her eyeballs. Lumapit ito sa sariling ama at kinausap ito.
"Mukhang hindi kami magkakasundo ng future mommy ko, dad."
"Just don't mind her, isipin mo na lang na may regla ang future mommy mo," simpleng sagot naman ni Israel sa anak nito. Napanguso ako.
"Excuse me?!" inis kong turan.
"Whatever, maiwan ka muna namin ni Ysah at ihahatid ko pa siya sa sarili niyang silid, let's go, sweetie. Alam kong pagod ka sa biyahe, but next time don't you dare do this again. Where's your Yaya Sally?"
"Narito po ako, Sir."
Napalingon ako sa tila humahangos na babae. Napasulyap ito sa akin pagdakay napayuko. Sumenyas si Israel sa isang katulong at agad itong lumapit.
"Yes, sir?"
"Ihatid mo si Ysa sa kwartong para sa kanya.".
"Opo."
"I need to rest, dad," saad ni Ysah sa ama nito at yumakap dito. Hinagkan ito ni Israel sa noo. Nang mapatingin sa gawi ko si Ysah, halos sabay na tumikwas ang isang kilay naming dalawa. Umirap ito sa akin at gano'n din ako rito. Hindi uubra sa akin ang katarayan nito, aba!
"I am hoping na magkakasundo kayo ni Ysah. She's a brat by the way, palibhasa'y pinalaki ko siyang laki sa layaw. Pero mabait na bata ang anak ko, Ms. Barrios."
"Hindi ako interesado sa kung anuman ang sasabihin mo, Mr. Montenegro patungkol sa anak mong walang-galang," inis kong tugon dito.
"Dahil inunahan mo siya. Don't you dare call her that way! Do you understand?!" asik nito.
"As if naman matatakot ako sa'yo?!" inis kong sagot dito.
"Hindi kita tinatakot, pinapaalalahanan lang kita. Anak ko ang pinagsasabihan mo ng walang-galang. Kilala ko ang anak ko at hindi gano'n ang pagkakilala ko sa kanya. Then, if you don't like her to be here, you are free to leave!"
"Ano ako tange? At ako pa talaga ang kailangan na umalis dito?!" palatak ko.
"At sino ang gusto mong umalis?!" asik ni Israel sa akin. Napaatras ako, damn! Naaamoy ko ang mainit at mabango nitong hininga. Bakit gano'n? Kahit galit ito ay ang hot pa rin? What the! Inis na sinita ko ang sarili sa naiisip. Oh, c'mon Emyrose, umayos ka!
"Pwede ba huwag kang abante nang abante!" inis kong saad dito. Hanggang sa naramdaman ko ang dingding sa aking likuran. Napalunok ako nang salubungin ko ang nagbabantang titig ni Israel. I saw the wrath in his eyes. Napalunok ako.
"Answer me, and who do you think should be the one to leave, Ms. Barios?"
"W—wala akong sinabing may dapat na umalis!" inis kong sagot sa tanong nito. Marahas na itinulak ko ito sa dibdib. Ngunit gano'n na lamang ang gulat ko nang hindi ito matinag, at tila para itong matibay na moog na hindi ko kayang ipatumba agad-agad. Damn!
"Isa lang ang maipapayo ko sa'yo, iwasan mo ang anak ko kung ayaw mo ng gulo. Kung nagpakita ka sana ng kabutihan sa kanya hindi ka niya tratatuhin ng gano'n."
"Well, I don't care. At never akong magpapa-alipin diyan sa anak mong walang-galang!"
"Shut up!"
Natahimik ako nang halos mabingi ako sa sigaw na iyon ni Israel. Napangiwi ako nang biglang kumirot ang aking balakang. Ouch! Hindi iyon nakaligtas sa paningin ng lalaking kaharap ko.
"M—masakit ang balakang ko na ikaw ang may gawa!" galit kong tugon dito.
"Siguraduhin mo lang na ako ang may gawa, ano'ng pruweba mo?" sarkastikong tanong nito sa akin.
"Dahil binitawan mo ako." Mahina pero may diing tugon ko rito.
"Ano ba ang dahilan at binitawan kita?"
Saka ko lang naalala ang nangyari. Nakagat ko ang aking sariling dila ng palihim. Oo nga pala, dahil sa katarayan at kaartehan ko kaya ako nito inis na binitawan dahilan para sumalampak ang balakang ko sa marmol na sahig.
"Pero mali parin iyong ginawa mo!" galit kong tugon dito.
"At ako pa ngayon ang mali, Ms. Barrios? Are you nuts? Huwag na 'wag mo akong pagbibintangan sa mga aksyon mong ikaw lang din ang may dahilan. Madali akong kausap."
"Let me go!" asik ko rito.
"Hindi pa tayo tapos mag-usap, huwag kang bastos," sarkastikong tugon ni Israel. Nanlaki ang mga mata ko nang itukod nito ang dalawang kamay sa pader dahilan para ma-corner ako nito. Nakakulong ako ngayon sa magkabila nitong matipunong braso. I can smell his seductive scent. What the!