CHAPTER 14

1442 Words
Kumuyom ang mga kamay ni Zen. Naging matalim ang pagtititigan nila ni Sebastien. Umigting ang mga panga niya at hindi biro ang ginagawa niyang pagtitimpi para hindi lang ulit maging bayolente. He hated it that Seb was becoming more possessive towards Faustina. Gusto niyang sabihing wala itong karapatan. But what right did he have to say that to him? Siya man ay walang karapatang sabihin iyon. Huminga siya nang malalim. “I am here to apologize to Fausta. I also know that she cannot recognize my face and my voice. But I thought, if I can’t tell her how sorry I am for all the pain I caused her, I can probably just make her feel that I regret hurting her.” “At ano ang gusto mong gawin?” Matigas pa rin ang boses ni Seb. “I am willing to do any acts of service.” “Gusto mong pagsilbihan si Faustina?” Tumawa ito, nang-uuyam sabay iling. “No way. Hindi ako papayag.” Tinitigan niya si Sebastien. Ang emosyon kanina sa mukha niya ay naglaho na. He had managed to reclaim his composure. “Bakit may pakiramdam akong natatakot ka, Seb? Ano ang ikinakatakot mo? She cannot even recognize me. Ang tingin niya sa akin doktor, nurse, hardinero, at lahat-lahat na. To her, I am everything in the common crowd, maliban sa kung sino talaga ang totoong ako. Kaya wala kang dapat na ipag-alala.” Sebastien glared at him. “And my answer is still no. You stay away from my Faustina.” “She is not even yours,” madiin niyang sambit. Nainis siya sa nang-aangking tono nito. Lalong sumungaw ang galit sa mga mata ng kaharap. “She is mine, Zen. She is—” “Seb? Sino ang kausap mo?” Sabay pa silang napalingon kay Fausta na hindi nila namalayang nakalapit na pala. Lumapit ito kay Seb at humawak sa braso nito saka magiliw na humarap sa kanya. Maaliwalas ang mukha ng dalaga. Malayung-malayo na ito sa Faustina na nakilala niya at nakasama niyang lumaki. The Faustina he knew was always frowning and intimidating others. She was always following him around. She was always prepared to attack other women. Binabakuran siya nito. He never saw this side of Faustina. Ang Faustina na palangiti at maaliwalas ang mukha. Was he really unfair to her? Bumuntong-hininga siya. He looked her in the eye. He wanted to caress her face and tell her that he was really sorry. Hindi dapat ganito ang kundisyon nito kung hindi dahil sa kanya. He hated it that she had to suffer the injury because of him. Naisip niyang takot na takot siguro ito noong naaksidente ito. And no one was there for her. No one was there to protect her. “Siya na ba iyong tutulong sa atin dito sa bahay?” baling ni Fausta kay Seb. Napakunot-noo ito. “What? I—” “Tamang-tama naman, Seb. We need the all-around help now. Marami pa talagang kailangang ayusin dito sa bahay.” Tumingin ito sa kanya. “Kada buwan ay luluwas kaming Maynila para sa monthly check-up ko, kaya ikaw ang maiiwan dito para bantayan ang bahay. Kapag nandito naman kami ay puwede ka ring maging driver o hardinero, o minsan kusinero. Huwag kang mag-alala, marunong naman mag-drive si Seb pero minsan nag-aalala ako. Magaling din magluto si Seb kaya masosolo mo lang siguro ang kusina kung maraming kailangang tapusin sa trabaho. But I also love cooking. May hardinero na rin naman talaga kami kaya tutulong ka na lang sa kanya.” “Fausta, pag-usapan muna natin ‘to,” pisil ni Sebastien sa kamay nito. Lumarawan ang pagkalito sa mukha ng dalaga. “Bakit, hindi ba siya ang kinuha mo?” Bago pa maibuka ni Sebastien ang mga labi ay mabilis na siyang nagsalita. “Akon iyon. Tinawagan ako ni Sir Sebastien.” Ang tinging ipinukol niya kay Seb ay nagsasabing hindi nito magugustuhan ang gagawin niya kapag sinalungat nito ang litanya niya. “Puwede ako sa kahit anong trabaho kahit walang bayad ay okay lang,” buong sigasig niyang sabi. “Hindi naman puwede iyon. Ako ang personal na mag-aasikaso ng pasuweldo. This house belongs to my parents. Walang nakatira rito sa loob ng mahabang panahon. Kakabalik pa lang namin ni Seb dito kaya marami pang kailangang ayusin at kakaunti palang ang mga trabahante.” “Masipag naman ako.” “Good.” She smiled at him. “Buweno, maiwan ko na muna kayo at babalikan ko lang si Moochi sa labas,” tukoy nito sa alagang corgi. She waved at him and walked away. _____ “SIGURUHIN mo lang na wala kang gagawing hindi ko magugustuhan, Zen,” pagbabanta ni Sebastien sa kanya nang sapitin nila ang kuwarto na ookupahin niya. Sa durasyon ng paninilbihan niya sa dalaga ay doon siya pansamantalang manunuluyan kaya dinala siya ni Seb sa servant’s quarter. “Kung hindi lang ako nag-aalala sa kundisyon ni Fausta ay nunca akong tatahimik kanina.” Ibinaba niya ang maliit na bag sa ibabaw ng kama. Mabuti na lang at may dala siyang gamit. Nagdahilan din siya kay Fausta na sa dating amo niya ang sasakyan at pinahiram lang sa kanya pero isasauli niya rin sa katapusan ng buwan. “Aren’t you too controlling, Seb? Baka lang gusto mong ipaalala ko sa iyo na wala kayong relasyon ni Faustina.” Kinuwelyuhan siya nito at inambahan ng suntok. “What? You’re gonna punch me in the face now? Go ahead,” paghahamon niya, sinalubong ang maigting na mga titig nito. He was a few inches taller than Seb so he was looking down at him. And the way he angled his face accentuated his strong jawline. Binaklas niya ang kamay ni Sebastien na nakahawak sa kuwelyo ng damit niya at tinalikuran ito. Inatupag niya ang pag-aayos ng kakaunting dalang gamit. Mayamaya’y narinig na lamang niya ang mabibigat na yabag ni Seb palayo. Pagkatapos niyang makundisyon ang sarili at nang tantiya niya’y malamig na ang kanyang ulo ay saka siya lumabas ng silid. Napatda siya nang pagbungad niya sa kusina ay nadatnan niyang nagluluto si Faustina. Kumabog ang dibdib niya. Pero ang bawat pagkabog niyon ay hapdi ang dala. Pinagmasdan niya ang dalaga. She wasn’t wearing any make-up. Still, she was so beautiful… breathtaking even. Simple lang ang suot nitong bestida. Hindi niya minsan man nakita sa simpleng ayos lang si Faustina. Maybe because she was trying so hard for you. She wanted to look her best when you’re around, anang maliit na boses sa utak niya. “Excuse me, tulungan na kita,” lapit niya sa dalaga. “Hindi okay lang. Kaya ko na ‘to.” “Ako na, Ma’am. Magpahinga ka na muna. Kanina ka pa maraming ginagawa.” “I’m sorry, who are you again?” Nakakunot ang noo nito at tila inaalala kung saan siya nakita. “Ako ang bagong makakatulong n’yo rito sa bahay.” Pumitik ito sa ere at nagliwanag ang mukha. “Oh yes! I’m sorry, I feel like there are some faces that I cannot recognize anymore. I keep on forgetting, you know. Ewan ko ba.” Mapait siyang napangiti pero pinilit niyang huwag ipakita iyon sa dalaga. Not some, Fausta, but only my face, sa loob-loob niya. “Okay lang naman. Naaksidente ka kaya naapektuhan siguro ang utak mo. Huwag kang mag-alala at gagaling ka rin.” “Paano mo nalamang naaksidente ako?” manghang tanong nito. Natigilan siya. “Sinabihan ako ni Sir Sebastien,” palusot niya. “Oh! Akala ko naman nahulaan mo lang. Anyways, ipaalala mo lang sa akin kung sino ka kapag hindi ko na naman naalala ang mukha mo.” Ngumiti ito sa kanya. “Ano nga ulit ang pangalan mo?” Tumingin siya sa mukha ni Fausta, matiim. Kung sabihin na kaya niya rito ang totoo? Na siya si Zen Montaner. But Fausta seemed so happy now. So he thought now was not the right time to tell her the truth. And even if he did, makakalimutan din agad nito ang mukha niya, pero hindi ang sasabihin niya rito. Ayaw niyang maging malungkot na naman ito. He wanted to see her happy. Ayaw niyang matabunan ng lambong ang saya nito ngayon. And maybe he wanted more time with her. Especially that Sebastien will be by her side everyday. Gusto niyang mabantayan ang lalaki. Alam niyang wala siya sa posisyong pag-isipan ito ng masama, pero gusto niyang makasigurong hindi mapapahamak si Fausta. Iyon na lang ang isa sa mga bagay na kaya niyang gawin para makabawi lang man rito. He will keep her safe at all cost. “Noah. Call me Noah.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD