CHAPTER 15

1015 Words
Pundido ang ilaw sa likod-bahay kaya sinuri ni Zen ang kawad. Maayos pa naman iyon kaya marahil ay ang bombilya mismo ang problema. Kailangan niya ng mapapatungan dahil masyadong mataas ang kisame. Pumasok siya ng malaking bahay. Kanina pa siya paroo’t parito dahil maraming ipinag-uutos sa kanya si Sebastien. Gusto niyang sabihing wala siyang obligasyon dito pero hinayaan na lang niya. Ano lang ba ang pisikal na pagod sa mga pasakit na idinulot niya kay Fausta? There’s nothing he won’t and can’t endure now. Kakayanin niya lahat kahit na hindi pa tumatatak sa utak ng dalaga kung sino talaga siya. Anyways, a good deed done in secret should feel more rewarding. Pinalinis ni Seb ang pool sa kanya kanina. Pinatanggal din nito ang mga nahulog na tuyong dahon sa harapan at likuran ng malaking bahay. He was sweating crazy. Pagdaan niya sa sala ay nakaupo pa rin sa sofa si Seb. Nginisihan lang siya nito. Napailing na lang siya. The man used to be his friend. Mga bata palang sila ay magkakilala na sila. Sebastien’s family used to visit them in the province. Isa ito sa mga gusto niyang kasama. Seb was always cool. Hindi niya alam na nagpupunta rin pala ang pamilya nito sa mga Montemayor. Naisipan pa nga niyang ireto ito kay Faustina. Ngayon ay halos ayaw na siya nitong makita dahil kay Faustina rin. Naghanap siya ng gumaganang bombilya sa stock room. Sweating, he pulled his shirt over his head and placed it on top of the shelf. His torso glistened with sweat but he couldn’t care less. He signed up for this. Ito ang gusto niya. Gusto niyang pagsilbihan si Faustina. Pagdaan uli niya sa sala ay natigilan siya nang makitang katabi na ni Seb si Faustina. Hindi niya magawang ihakbang ang mga paa lalo na nang hawakan ni Seb ang kamay ng dalaga. He felt a surge of possessiveness. Before the accident, Faustina has not allowed any man to come close to her. Wala nga itong naging malapit na kaibigang lalaki. But seeing someone hold Fausta’s hand for the first time with the intention of winning her heart, and in front of his very eyes, pained him. So much. Naalala niya ang mga ginagawa nito noon makuha lang ang atensyon niya. Ngayon ay wala na itong balak na bumalik sa ganoong sitwasyon. Fausta may have forgotten his face and voice but not her memories of him. Pero ni minsan ay hindi niya narinig na nabanggit siya nito. Para bang ibinaon na talaga siya nito sa limot. Kumuyom ang kamao niya nang haplusin ni Sebastien ang pisngi ni Fausta. Mariin niyang naipikit ang mga mata, ipinapaalala sa sarili na ang ipinunta niya sa Santa Catalina ay para iparamdam sa dalaga ang kanyang serbisyo kahit na hindi rumerehistro sa utak nito kung sino talaga siya. Pero bakit gan’un? Bakit nag-iigting ang panga niya? Bakit tila ang hirap-hirap pagmasdan na nasa bisig ng iba ang dalaga? Hanggang sa natagpuan na lamang niya ang sariling nasa sitwasyon kung saan kailangan niyang itanong sa sarili niya kung ano talaga ang nararamdaman niya. Have I fallen in love with her? He questioned himself. Or he didn’t even have to ask anymore. He recognized what he was feeling. Love. And the one thing that he feared the most was the intensity of his love for her. For the longest time, he rejected her. Pagkatapos ay biglang bumalik sa kanya ang lahat. He realized that there was something in his chest. Something so painful and something that he refused to acknowledge. Pero matagal nang nananahan sa dibdib niya iyon. Noong palagi niyang tinatawagan si Fausta para lang kondenahin ito sa iskandalo ni Atarah ay hindi na niya maintindihan ang sarili. He didn’t have to call her that much. Na halos sobra na. Pero ginawa niya pa rin. Ang totoo ay gusto niyang marinig ang boses nito na ikinalito niya nang husto. At ang nangyari sa kanila, hindi niya plinano iyon. Hindi niya plinanong angkinin ang katawan nito bilang parusa sa pinaniniwalaan niya noong nagawang kasalanan ni Faustina. It just happened. He kissed her and then he couldn’t stop himself anymore. It took so much effort to tell her that he would stop if she wanted him to stop. Dahil ang totoo ay hindi niya kaya. He really wanted her that night. Dahil nalilito siya at naguguluhan ay sinabi niya ang mga bagay na nakasakit sa damdamin nito. Na hanggang ngayon ay pinagsisisihan niya pa rin. Why did he have to tell her that he did not want to get her pregnant? Bakit kailangang sabihin niya ang mga iyon? His whole life was a mess. At naalala niya ang sinabi ng Mama niya sa kanya… “I just want to make sure that you did not purposely ignore the opportunity to be with her and get to know her because you thought we were manipulating you. It does get regretful when we missed the opportunity because it opens a chance for another person. Iyong tinanggihan mo, inaasam pala ng iba. I hope you don’t regret anything, hijo. You’re thirty, unmarried, and without kids.” Tama ang Mama niya. Isa siyang hangal. Nang magmulat siya ng mga mata ay saktong lumapat ang mga labi ni Sebastien sa mga labi ni Faustina. And all hell broke loose. Marahas niyang inihagis sa isang tabi ang bombilya. Lumikha ng ingay ang pagkabasag niyon. Pagkatapos ay malalaki ang hakbang na nilapitan niya ang dalawa. Nagdidilim na ang paningin niya. Pero biglang dumako sa kanya ang mga mata ni Faustina. Nagtatanong ang kislap ng mga iyon. The innocence in her eyes tamed the demon inside him. Hindi niya kayang maging bayolente sa harapan nito. But the picture of Seb kissing her will always be like a knife to his chest. Paulit-ulit na tatarak. Napayuko siya para payapain ang sarili. Nang mag-angat siya ng mukha ay sinalubong siya ng naghahamong kislap sa mga mata ni Sebastien pero wala siyang planong patulan ito. Not in front of Faustina. Muli niyang pinakatitigan ang mukha ng dalaga. Yes, I am in love with her, bulong ng puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD