“Ma,” basag ni Zen sa katahimikang bumabalot sa buong komedor na tanging mga kalansing lang ng kubyertos ang maririnig.
Nag-angat ng mukha si Zelaida. “Yes, hijo?”
Saglit na tila umurong ang dila niya. Pilit niyang pinatigas ang leeg kahit na sa loob-loob ay hindi niya malaman kung ano ang dapat gawin para payapain ang emosyon. There was chaos in his chest. “Hindi ba tayo uuwi ng probinsya?”
Ikiniling ng ginang ang ulo, nagtatanong ang tingin. “We can, but we don’t have to. Bakit?”
“I owe Fausta an apology.” Bumuntong-hininga siya. “Malaki ang kasalanan ko sa kanya.”
Tahimik lang ang ama niya at walang balak na magsalita kahit na nang tignan ito ni Zelaida.
“Pero, hijo, now isn’t the best time for that. Alam mo naman ang kundisyon ni Fausta ngayon.”
“Kung hindi ngayon, kailan pa? Will I ever get the chance to tell her that I’m really sorry for accusing her? May pagkakataon pa bang sabihin sa kanya na nagkamali ako?” Ibinaba niya ang kubyertos at naisabunot ang mga kamay sa buhok. Mabigat na mabigat ang dibdib niya.
Katahimikan.
Inabot ng ginang ang kamay niya at pinisil iyon, pagpapahiwatig na nauunawaan nito ang nararamdaman niya. “Alright, uuwi tayo ng probinsya sa linggo.”
"I need to be there the soonest, Ma."
"You have to understand, hijo, marami pa tayong dapat asikasuhin muna."
"I can go there by myself. Puwedeng sa linggo na lang kayo ni Papa."
"Kung iyan ang gusto mo, sige." Nakakaintinding tumango ang ginang.
Hindi na siya kumibo pero mabigat pa rin ang dibdib niya. “Please, excuse me.” Tumayo siya at nagtungo sa kanyang silid. There’s this overwhelming emotion that pushes him to isolate himself. Ayaw niyang makisalamuha sa mga tao.
Naupo siya sa dulo ng kama at blangko ang tingin sa kawalan. He was disgusted with himself. Iyon ang totoo. He thought back and saw the image of Fausta that night. The night when she met an accident. Paulit-ulit sa utak niya ang sinabi nito.
“Binabawi ko na ang puso ko. You’re free now.”
Kung kailan siya pinalaya ni Fausta ay saka naman siya parang nakulong. Nasasakal siya sa mabigat na damdaming nananahan sa dibdib niya.
When you set me free, that's when I feel trapped, Fausta...
_____
SANTA CATALINA. Sa probinsya nila ay iilang mga pangalan ang kilala na nagmula sa buena familia. Habang nagmamaneho ay nadaanan na niya ang lupaing pagmamay-ari ng mga Altieri. Ang katabing lupain ay binili ng anak ng mag-asawang Altieri para sa asawa nitong anak ng dating caretaker ng villa. Ang lupain pagkatapos n’un ay ang sa pamilya na nila at ang katabi lang ng kanilang propiedad ay ang sa mga Montemayor na.
Marami nang kalsadang naayos at sementado buhat nang huling uwi niya ng Santa Catalina. Pero mayroon pa ring lubak-lubak at mabato. Katunayan ay habang papasok siya sa daanang may paarkong tabla sa ibabaw ay halos lumubog ang gulong ng sasakyan niya sa putik dahil katatapos lang bumuhos ng malakas na ulan.
“s**t,” mura niya. Pagsapit niya sa harapan ng bagamat luma ay malaking bahay nila ay kaagad siyang bumaba at sinuri ang sasakyan. The car needed washing, for sure. Pumasok na siya ng bahay at nagpahinga.
Malaki ang bintanang nasa likuran lang ng sofa na gawa sa capiz shells. Ang mga kagamitan ay makaluma at kahit ang ilang muwebles nila ay antigo nang maituturing na pinagpasapasahan na ng maraming henerasyon. Still, the house was refreshing. Tahimik.
Makaraan lang ang sampung minuto ay tumayo na siya at bumalik ng sasakyan. He drove to the Montemayor’s. Malayo palang ay tanaw na niya si Faustina na nakaupo sa picnic blanket na inilatag nito sa bermuda grass. Nakikipaglaro ito sa alagang aso. A cute Welsh corgi was kissing her cheek. She was wearing a simple baby pink dress. The straw sun hat shaded her face and shoulders from the sun.
Zen’s gut tightened. Tila may lumapirot sa bituka niya. Nang maiparada ang sasakyan ay tiyak ang mga hakbang na nilapitan niya ang dalaga.
“Fausta…” sambit niya sa pangalan nito.
“Kuya, ang bilis n’yo naman. Sabi mo may sakit ang anak mo?” tingala nito sa kanya, nagtataka.
Lumingap siya sa paligid. Siya ba ang kausap nito? “Ako ba ang kausap mo?”
Ngumiti si Fausta. And for a moment, it felt like the world stopped moving to capture her smile. Bakit hindi niya napansin noon na may malambing na mukha ang dalaga? Na may matamis itong ngiti?
Again, he felt the tightening in his gut.
“Si kuya naman palabiro. Opo, ikaw ang kausap ko. Nagpaalam ka sa amin ni Sebastien kanina, hindi ba, na uuwi ka muna sa inyo dahil may sakit ang anak mo? Were you worried? Huwag kang mag-alala, ako ang mag-aalaga sa mga halaman habang wala ka.”
Napanganga siya. She mistook him for the gardener!
“Ano’ng ginagawa mo rito?” matigas na tanong ni Sebastien na hindi niya namalayang nakalapit na pala. “Halika, magkape muna tayo sa loob ng bahay.”
Wala siyang nagawa kundi ang sumunod kay Sebastien na nauna nang pumasok ng bahay. Gayunman ay panay ang lingon niya sa dalaga na muling nakipaglaro sa aso.
“Why are you here?” ulit na tanong ni Sebastien. Clearly, he had no intention of preparing coffee for him. Ginawa lang nitong dahilan iyon para makausap siya nang masinsinan.
“Hindi na ba ako puwedeng magtungo rito?”
“You want to see her?” prangkang tanong ni Seb sa kanya.
Hindi siya nakasagot agad. Inipon niya ang hangin sa dibdib at marahas na napabuga. “I am here to apologize.”
“For what? She does not even recognize you anymore. Wala ring silbi ang gusto mong gawin. Just leave her alone.”
“I can’t.”
“I’ll be very honest with you, Zen. Hindi ko na siya ibabalik sa iyo. I have waited for so long and waited for her to finally look at me the way she used to look at you. It’s finally happening now. Hindi ako papayag na maagaw mo pa siya sa akin.”
Tumiim-bagang siya. Hindi niya maintindihan kung bakit umalsa ang galit niya sa sinabi nito.
“I was her first love.” Hindi niya maunawaan kung bakit iyon ang lumabas sa labi niya.
Pumalatak si Sebastien. “You were just her first love but you mean nothing to her now.” May diin ang bawat katagang sinasambit nito. "You didn't give her the wonderful fluttery feeling in the stomach, what she got from you were nightmares."
Kumuyom ang mga kamao niya at kusang umigkas sa panga ni Sebastien. The man did not see the punch coming. Sumubsob ito sa sahig.
“What the f*ck is your problem!” hiyaw nito.
“I… I’m sorry,” aniya nang mahimasmasan. He was never the type to engage in a fight. Ano ang nangyari sa kanya? Inilahad niya ang kamay para tulungan itong bumangon.
Tumayo si Sebastien, sapo ang pumutok na labi. Inignora nito ang kamay niya. “Listen carefully, Zen. I don’t care what you’re feeling right now. Si Fausta lang ang mahalaga sa akin ngayon. I love her. So, stay away from her!”