CHAPTER 11

1331 Words
“It’s a unique case of face blindness,” anang doktor pagkatapos makita ang resulta ng mga lab tests ni Faustina. Kausap nito ang mag-asawang Montaner. Si Zen naman ay tahimik lang na nakatayo sa isang tabi ng clinika at nakikinig. “Ano ang ibig mong sabihin, Doc?” tanong ni Zelaida. “Because the patient is only unable to recognize one person’s face--ang mukha lang ng anak n'yo. Kahit ang boses ni Mr. Zen Montaner ay hindi na rin pamilyar sa utak ng pasyente. I cannot also say it’s amnesia since she can remember everything about him.” “Pero okay naman na siya, hindi ba, Doc?” paniniguro ng ginang. “Oh, yes. She is stable and well. The activities in her brain are also normal. Hindi palang talaga namin matukoy kung bakit ganito ang reaksyon ng utak niya kay Mr. Zen Montaner. Don’t worry, we will continue to run some tests on her follow up consultations. As of now, the patient is already for discharge.” “Thank you, Doc.” Pumalatak si Zen dahilan para dumako sa kanya ang tingin ng doktor at ng kanyang mga magulang. He was crossing his arms tightly across his chest. “I still think she’s just pretending. Ikaw na rin mismo, Doc, ang nagsabing normal naman ang resulta ng lab tests. So there should be no reason for her to not remember my face or my voice. Napaka-imposible namang basta na lang niyang hindi makilala ang mukha at boses ko.” Tinapik siya ng ama sa likod. “You heard the doctor, Zen.” Bumaling ito sa doktor at nagpaalam na. Habang nasa hallway ay nagsabi ang matandang Montaner na aasikasuhin nito ang discharge papers ni Fausta. “Zen, samahan mo ako sa silid ni Fausta. Mas maigi sigurong sa atin na uli siya tumira lalo na sa kundisyon niya ngayon.” Si Zelaida. Hindi nagsalita si Zen pero sang-ayon siya sa isinuhestyon ng ina. Pagpasok nila sa silid ng dalaga ay nadatnan nilang masaya itong nakikipag-usap kay Sebastien habang ang huli ay ipinagbabalat ito ng mansanas. “Hija, Seb, puwede ba kayong makausap?” panimula ni Zelaida. “Yes, Tita?” “Hija, sa tingin namin ng Tito mo ay mas makabubuti sigurong sa amin ka na uli tumira. Mas marami kaming makakasama mo sa bahay. At siyempre marami ring negosyong inaasikaso si Sebastien.” Bago pa makapagsalita si Faustina ay nauna na si Seb. Magalang itong ngumiti. “I’m sorry, Tita Zelaida, but Fausta is staying with me. Napag-usapan na namin ito. I’ll bring her in the province. Mas tahimik doon. Isa pa, nami-miss na niya ang bahay nila sa probinsya.” “Yes, Tita. Ako mismo ang nagsabi kay Seb na dalhin at samahan niya ako sa probinsya,” segunda ng dalaga. Hindi nakatiis si Zen at lumapit na siya kay Fausta para kausapin ito. Tumingin sa kanya ang dalaga at kumunot ang noo. “Malayo ang probinsya, Fausta. May monthly re-assessment ka pa at—” “I’m okay, Doc. Don’t worry. I’ll definitely show up in all my follow-up check up.” Natahimik ang silid. Tumiim-bagang si Zen. “I am not your doctor. Please, Faustina, stop this foolishness—” “Zen!” saway dito ni Seb. “Zen? Where’s Zen?” maang na tanong ni Fausta kahit na nakatingin ito nang derecho sa mukha niya. Walang kinang ang mga mata nitong nakatitig sa kanya ngayon. Bumaling ito kay Seb at matamis na ngumiti. “Nagbibiro ka na naman ba?” Tumawa ito. “Ano ang gagawin ni Zen dito?” Sumulyap sa kanya si Seb bago ito pilit na nakitawa kay Fausta. But the stiffness in his face was hard to hide. “Yeah, I was just joking. I’m sorry, Fausta. I know it’s a bad joke. Napaka-insensitive ko para banggitin ang pangalan niya sa harapan mo.” Zen's jaw clenched as he listened to every word that Seb said. Gusto niyang higitin ang kuwelyo ng damit nito at ibalibag ito sa pader. “It’s okay, Seb. Tapos na ako sa pag-iilusyon ko. I have decided to set him free. And I’m glad I did. I feel like a new person now. The accident was like the end of my old self.” Ngumiti si Sebastien. Hindi naman makaimik si Zelaida. Akala tuloy ni Faustina ay may nasabi siyang hindi nito nagustuhan. Tumuwid ito ng upo. “Tita, I’m sorry. Was I too straightforward?” Bumuntong-hininga ito. “I’m sorry that I couldn’t be your daughter-in-law anymore. Pero marami pa namang iba riyan. Tiyak na mahahanap din ni Zen ang para sa kanya kapag tuluyan nang naghilom ang puso niya.” Hindi pa rin makapagsalita ang ginang at paibaba itong tumingin sa dako niya na sinundan naman ng tingin ni Faustina. “Doctor! Nandiyan ka pa pala!” Natutop ng dalaga ang bibig. “Ang daldal ko. Is it time to get my vital signs?” “He’s not your doctor,” bulong dito ni Seb. “Hindi ba? His face looks like everyone’s face, sorry. Is he the nurse?” Tumango na lang si Seb para hindi na siguro magtanong pa si Fausta. “Oo. For the home care plan. Pero okay na. Nakausap ko naman na ang head nurse sa nurse’s station kanina.” Kinuha na ni Sebastien ang maleta ni Fausta at inalalayan itong tumayo. "Let's go home. The discharge papers should be fine by now." Tumango ang dalaga. “Bye, Tita,” paalam nito kay Zelaida pagkatapos itong halikan sa pisngi. At nilampasan lang siya nito. Ni hindi ito tumingin sa dako niya. Hindi niya alam kung nasanay lang siyang palaging sentro ng atensyon nito dahil hindi niya maipaliwanag ang banyagang damdaming pumupulso sa kaibuturan ng dibdib niya. He couldn’t say what it was but it was unpleasant and bitter. Napabuga na lang siya ng hangin habang tinatanaw ang dalaga at si Seb sa pasilyo ng ospital. _____ “ANO'NG ginagawa mo, Ma?” tanong ni Zen sa ina na nakaupo sa higaan at hinahaplos ang wedding down nito na nakalatag sa ibabaw ng kama. Her eyes were really sad. “Your father and I didn’t want to manipulate you, hijo. Isa pa, matigas din naman ang ulo mo at marunong kang manindigan.” Napailing ito at ngumiti nang tipid. “Pero kung kami lang ang masusunod ng ama mo, gusto talaga naming si Faustina ang mapangasawa mo. We were even planning to give this wedding gown to her. Ipinapasa ang traje de bodang ito sa bawat babaeng ikakasal sa pamilya. The gown has been restored so many times. But it has endured the test of time and remained to look really magical.” Nanatili siyang tahimik. “She would be an excellent wife to you, Zen. Sigurado kami ng ama mo sa bagay na iyon. Pero tunay ngang hindi natuturuan ang puso.” “She’s… she’s…” “Crazy? Yes, she definitely is. Dahil baliw lang ang babaeng magtitiis na mahalin ka sa loob ng napakahabang panahon. I guess, destiny has finally decided to separate her from you.” Itinupi na nito ang wedding gown at isinilid sa kahon. “Saan mo dadalhin iyan, Ma?” “Itatago ko na. Fausta couldn’t be my daughter-in-law now. Ni hindi na niya makilala ang mukha at boses mo.” The unpleasant feeling again. Kumakapal ang bagay na iyon sa loob-loob niya. “Ma!” tawag niya sa ina na nasa bungad na ng pintuan at papalabas na sana ng kuwarto. “Hmm?” “Iwan mo na lang muna dito ang traje de boda.” Ngumiti ito. “Not today, Zenandro. And definitely not anytime soon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD