CHAPTER 12

1094 Words
Why was Zen in a b**m club? Ano nga ba ang ginagawa niya roon? He wanted to feel again. He thought if he feels pain or inflict it to a s****l partner, he would be able to feel again. Pero hindi. Wala pa rin siyang maramdaman. Magmula nang mamatay ang kanyang nobya ay tila naglaho nang lahat ang kakayahan niyang makaramdam. Or it was more accurate to say that he had lost the ability to feel anything pleasant. Dahil ang disgusto at galit ay nanatili naman sa puso niya para sa isang tao. Para sa isang taong hindi na makilala ang mukha o boses niya ngayon… Ni hindi niya maipaliwanag kung paano nangyari iyon. The doctor said that she might be able to recognize him again someday. Pero naroon din ang posibilidad na hindi na nito makilala ang mukha o boses niya habambuhay. Humugot ng malalim na paghinga si Zen. Sinimsim niya ang alak mula sa baso habang nakamasid sa madilim na kalangitan sa labas ng malaking bahay ng mga Montaner. Wala sa loob na dumako ang tingin niya sa direksyon ng bahay ng mga Montemayor. Napadaan siya roon kanina. The huge house was dark. Wala nang nakatira sa malaking bahay na iyon magmula nang pumanaw ang mag-asawang Montemayor. Wala rin doon si Faustina. “Zen! Kumusta na ang paborito kong pamangkin?” magiliw na pagbati sa kanya ni Feliciano Montaner, ang kanyang tiyuhin. Hindi nila ito totoong kadugo at kinupkop lang ito ng mga Montaner. Pero imbes na pasasalamat ay problema ang dala nito. Nitong huli lang ay may ginawa itong kamuntikan nang makasira sa kompanya ni Leon Rodrigazo, the CEO of Rodrigazo Mining and PowerCorp. Katulad niya at ng iba pang mga kilalang tao sa lipunan ay nasa listahan din si Leon--one of the richest and most powerful businessmen in Asia. Naaalala pa niya ang sinabi sa kanya ni Leon nang tumungo ito sa opisina niya para hingin ang kakaunting minuto para gumawa ng anunsyo. Live on TV. Sa kanya ito lumapit bilang siya ang CEO ng ZenCorp, isang media and entertainment company. “I am in love, Zen. Maiintindihan mo ako kapag ikaw naman ang nakaramdam ng ganito…” Ito ang mga katagang nanulas sa labi ni Leon. Bumuntong-hininga siya. Iniisip ba talaga nitong hindi pa siya umiibig? Nagmahal na siya at nagdalamhati sa pagkawala ng taong iyon. He couldn’t even say if his heart was still capable of loving again. Or loving another woman. Kaya ba niya? “Zen! Hijo! Ang lalim naman ng iniisip mo,” untag sa kanya ni Feliciano. “What do you want?” Tumawa ang matanda. “Mainit naman agad ang ulo mo. Give me a warm welcome, will you? Minsan na nga lang tayong magkita.” Nagtagis ang bagang niya. “Do you need money again?” prangka na niyang tanong. Imbes na sagutin ang tanong niya ay ngumisi lang ito. “I heard that Fausta is having this some kind of face blindness. Is it true?” Hindi siya nagsalita. “Too bad. I genuinely feel pity for her. Kung bakit naman kasi sa iyo pa siya umibig? You have accused her of so many things. She doesn’t even deserve the hate and hostility.” His tone was really condescending. “Ano’ng ibig mong sabihin?” “I’ll let you in on a little secret.” Lumawak lalo ang pagkakangisi nito. “Tally and I were the one responsible for the drug in Atarah’s drink. Kami ang nag-set up sa kanila ng piloto. Si Tally din ang tumatawag kay Atarah at nagsend ng file.” Nanigas siya. Pakiramdam niya ay nanlamig ang buo niyang katawan. “I don’t believe you. Tally and Faustina are bestfriends.” “Oo, matalik nga silang magkaibigan. But have you forgotten the time when Fausta and Iwa studied abroad? Naiwan si Tally dito sa Pilipinas. I never thought that little Tally has daddy issues. At nakita niya sa akin ang pagkalingang hindi niya naramdaman sa totoong ama. It was so easy for me to seduce her. In a snap, she became my puppet.” “F*ck you,” was all that he could say. Kulang ang sabihing nagyelo ang dugong nananalaytay sa kanyang mga ugat. Kung nagsasabi si Feliciano nang totoo, ang ibig sabihin lang niyon ay malaki ang nagawa niyang pagkakamali kay Fausta. “You’re a bad, bad boy, Zen. Kawawang Fausta.” Nagbuga ito ng hangin at tumawa sa kawalan. “Bueno, maiwan na kita.” Pasipul-sipol pa itong naglakad palayo. _____ “BUT I don’t want to get you pregnant. Not you.” “That’s your punishment, Fausta. Sinundan mo pa ako sa Club Obtuse. The hate I feel for you will never fade. Kahit gaano pa katagal. At ang makita ka doon ay lalong nagpakapal sa galit ko sa iyo.” “Stop your evil acts, Fausta. Akala mo ba hindi ko alam na binablackmail mo si Atarah? Akala mo siguro por que hindi ka lumalapit sa akin ay hindi ko na malalamang ikaw na naman ang may kagagawan ng nangyari kina Atarah at Esmael. You are evil, Fausta. And people like you do not deserve love. You deserve to live alone and lonely.” Naisabunot ni Zen ang mga kamay sa buhok. Pabalik-balik sa isipan niya ang mga sinabi niya kay Fausta. Kumuyom ang mga kamao niya. Fausta didn’t deserve to hear those words. Wala itong kinalaman sa nangyari kay Atarah. He had repeatedly abused her verbally thinking that she was doing despicable things. Bakit hindi man lang nito pinagtanggol ang sarili? Sa halip ay pinili nitong pakawalan na siya. “Binabawi ko na ang puso ko. You’re free now.” Kung hihingi siya ng tawad dito, may silbi pa ba iyon? Hindi naman na nito maalala ang mukha at boses niya. For her, he was just an ordinary face in the crowd. Hindi nito matukoy ang mukha niya. Para kay Fausta ngayon, puwede siyang maging mukha ng kapitbahay nito, kamag-anak, kaibigan, o kaaway, pero hinding-hindi ang mukha niya bilang si Zen Montaner. “I’m sorry, Fausta. Sana mapatawad mo pa ako.” Naalala niya ang imahe nito sa ospital na masayang nakikipagtawanan at ngitian kay Sebastien. She wasn’t alone and lonely. Ang sinabi niya rito ay tila sa kanya bumalik. Nakuyom niya ang tapat ng dibdib. There’s that little pain that kept on growing bigger by the minute. Masakit at may kahalong kahungkagan. He felt really lonely. At nang ilibot niya ang tingin sa paligid at mapagtantong walang ibang tao sa paligid, naisip niyang siya ang nag-iisa. He was alone and lonely…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD