CHAPTER 10

1338 Words
Fausta clutched her chest while her right hand held tight on the steering wheel. Halos hindi na niya makita ang kalsadang tinatahak dahil sa lakas ng ulan at sa mga luhang nagpapalabo sa kanyang mga mata. Fausta didn’t know which part of her body ached the most. Tila lahat ng parte ng katawan niya ay masakit na masakit. Malakas siyang sumigaw para ilabas ang bigat na nagbabara sa dibdib niya. Pero hindi iyon naibsan kahit kaunti. Her chest hurt so much… too much that it was killing her. She wanted the pain to just go away. Ang lahat ng sakit at pighating iyon ay isang tao lang ang nagdulot sa kanya. “Zen,” mapait niyang sambit sa pangalan nito. Zen vowed to never forgive her, much less love her. His heart was already promised to another. Sa isang babaeng hindi niya kayang alisin sa puso nito. She was tired of competing, tired of fighting, tired of waiting. How long has it been? Matagal na matagal na. Hindi na niya mabilang ang mga taon. At pagod na pagod na ang puso niya. “I wish my heart, my mind, and everything in me that loves you truly will forget you… completely,” mataimtim na hiling ng puso niya. “I wish, someday… one day, I will see you as just another face in the crowd." Tumingala siya sa madilim na kalangitan. "Pakiusap, burahin n’yo si Zen sa puso at isipan ko. Pagod na pagod na po ako.” Pagkasabi niyon ay nabulag siya ng nakasisilaw na liwanag mula sa sasakyang nasa harapan. Hindi niya nakita iyon kanina. And it was too late to avoid the crash now. Ipinikit ni Fausta ang mga mata at bumitiw sa manibela. Then she realized something. Ito ang nakikita niya sa kanyang panaginip. So, this was bound to happen from the very beginning. Sa simula palang pala ay nakasulat na ang tadhana niya. Zen was never going to love her back. Ngayon tanggap na niya. A peaceful smile curved her lips. “Finally, I’m free… Goodbye, Zen…” _____ FAUSTINA suffered from severe head trauma. She was unconscious for several days in the Intensive Care Unit. Nang magising ito ay ilang araw pa ulit itong inobserbahan bago ito inilipat sa pribadong silid. Nang istable na ang kalagayan ng dalaga ay mahabang rehabilitasyon din ang kinailangan nitong pagdaanan. She had to do leg exercises to strengthen her lower extremities. Noong nasa ICU ito ay madalas bumisita si Zen para silipin ang natutulog na dalaga. He hated her but a part of him was guilty. Kung hindi sila nag-away ni Fausta nang gabing na iyon ay hindi sana ito naaksidente. “Hijo, are you okay?” Dumantay ang kamay ni Zelaida sa kanyang balikat. Saka niya lang nalamang nakatitig pala siya sa kawalan habang nakaupo sa sofa sa sala mayor ng malaking bahay ng mga Montaner. “Ganiyan ka na mula nang maaksidente si Fausta.” Naihilamos niya ang mga palad sa mukha. “I feel guilty, Ma. Ako ang dahilan kung bakit naaksidente siya.” Bumuntong-hininga lang ang ginang at naupo sa tabi niya. Tinapik nito ang kanyang paa. “You’ve never been in good terms with Fausta, hijo. Yes, there was this short period when you took care of her. Pero nauwi rin sa hindi maganda iyon. Hindi mo ba naisip man lang na pakitunguhan nang maayos si Fausta?” “Ayaw kong umasa siya, Ma.” “Wala ba talagang pag-asang magustuhan mo siya? Kung hindi namin sinabing gusto namin kayong ipakasal na dalawa pagdating n’yo sa tamang edad, iiwasan mo ba siya? Tatanggihan mo ba siya?” “I don’t know, Ma. Wala naman nang halagang pag-usapan pa ang tungkol sa bagay na iyan.” “I just want to make sure that you did not purposely ignore the opportunity to be with her and get to know her because you thought we were manipulating you. It does get regretful when we missed the opportunity because it opens a chance for another person. Iyong tinanggihan mo, inaasam pala ng iba. I hope you don’t regret anything, hijo. You’re thirty, unmarried, without kids.” At ganoon din si Fausta, anang isipan niya. Tumayo ang ginang at bumuntong-hininga. “Pupuntahan namin ngayon si Fausta sa ospital. Gusto mo bang sumama?” He tensed. Umilap ang mga mata niya. “I think I’ll pass.” “Okay.” Lumabas na ang ginang at sumakay sa bagung-bagong SUV na naghihintay na sa labas ng bahay. Naroroon na rin ang ama niya. Nang binuhay na ng driver ang makina ng sasakyan ay mabilis niyang kinatok ang bintana niyon. Zelaida rolled down the car window. Nagtatanong ang mga mata nito sa kanya. “Sasama na ako, Ma.” “Sure. Get in.” _____ UNANG pumasok sa silid ni Fausta ang mga magulang ni Zen. Narinig niya ang pagkagalak sa boses ng dalaga. Nagpaiwan muna siya sa labas at pinakinggan lang ang boses nito. “Tita, Tito! Thank you for visiting me. Mabuti naman at naalala n’yo akong bisitahin dahil umay na umay na ako sa pagmumukha ni Sebastien. He wouldn’t leave me alone,” natatawang sambit nito. “Sebastien Mondragon?” ani Zelaida. “Por dios santo, ikaw nga ba iyan, hijo?” “Yes Tita, Tito. Matagal din tayong hindi nagkita.” “Kumusta ang Mama at Papa mo?” “They’re in the US. Ako lang ang umuwi ng Pilipinas.” “Mabuti naman at nagbalik ka. At nagkita na pala kayo uli ni Fausta?” “Actually, Tita, we met in the US. Same university.” Si Fausta. “And I’ve been pursuing her since day 1,” walang masamang ibig ipagkahulugan na bigkas ng binata. Nanigas si Zen. Kasama pala ni Fausta si Seb. Huminga siya ng malalim at pumasok na ng silid. He was ready to see her usual reaction everytime her eyes would meet his own. Pero tumingin lang ang dalaga sa kanya. There was no sign of recognition in her eyes when she saw him. Nakangiti pa rin ito. Bahagya lang na nangunot ang noo nito pero muli ring ngumiti. “Is he the new doctor, Seb?” baling nito kay Sebastien. Katahimikan. “Tita, Tito, what’s wrong? Seb? Bakit natahimik kayo?” “Do… do you not recognize him, Fausta?” tanong ni Seb. Nagsalubong ang kilay nito. “No, I don’t, I’m sorry. Siya ba ang bagong doktor ko? Or the nurse maybe? Who? Tell me.” Pahapyaw pa itong tumingin uli sa kanya bago muling bumaling kay Seb. “His face isn’t familiar to me.” Namilog ang mga mata ni Seb. Siya naman ay naikuyom nang mahigpit ang mga kamay. Nagpapanggap lang ba itong hindi siya kilala? Pero ang sunod nitong sinabi ay labis na gumulat sa kanya. “Where’s Zen, Tita?” kaswal nitong tanong. Walang pag-asam sa mukha nito nang sambitin ang pangalan niya. Nagkatinginan ang mag-asawang Montaner. Pagkatapos ay nag-aalalang tumingin ang dalawa sa dalaga. “Tita, don’t give me that pitiful expression. I have decided to move on already. I’ve said goodbye to Zen the night before the accident. Iyon na iyon.” Nagtagis ang bagang niya. Umaakto si Fausta na tila wala siya roon. Pero naroroon siya. He was literally a few feet away from her! Ano na namang pakulo ang ginagawa nito? Nang akmang lalapitan niya ang dalaga ay hinarang siya ng kanyang ama. Tumingin ito kay Seb. “Seb, pakitawag ang doktor. I think they need to run some tests.” “Pa, she’s just pretending. Galit lang siya sa akin,” pabulong na sambit ni Zen. Umiling ang ginoo. “I don’t think so, Zen. I think she really does not recognize your face at all.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD