CHAPTER 20

1397 Words
Tila bumalik sa gunita ni Zen ang lahat ng pagkakataong humahabul-habol sa kanya si Faustina, ang mga panahong ipinipilit nito ang sarili sa kanya. Naaalala pa niya nang ipagdamot nito ang upuan kay Sari kahit iyon ang nakasulat sa seating plan, ang pagbato nito kay Sari, ang pagpumilit nitong ipakasal silang dalawa. He had really lost her. Bumagsak ang mga balikat niya habang nakatitig sa magandang mukha ng dalaga. She was looking back at him but there was nothing in her eyes except for the truth that she didn’t want him anymore. Bumunggo sa braso niya ang braso ni Sebastien nang lampasan siya nito. Alam niyang sinadya nito iyon. Lumapit ito kay Faustina at hinaplos ang pisngi ng dalaga. Humawak naman ang huli sa kamay ni Seb na nakahaplos dito. “Masakit pa ba ang ulo mo? May gusto ka bang kainin? Sabihin mo lang sa akin, bibilhin ko agad.” Tipid na ngumiti si Fausta at umiling. “I’m okay, at wala akong ibang gusto. It’s enough that you’re here… with me.” Kumuyom ang mga kamao ni Zen sa narinig. She doesn’t love you anymore. She doesn’t care about you now. Hindi ka na importante sa kanya. Malaya na siya sa iyo, Zenandro. These are the voices in his head. Gusto niyang sabunutan ang sarili. Sa loob ng napakahabang panahon ay nasa kanya ang lahat ng pagkakataong angkinin ang puso ng dalaga. Even after Sari died, Faustina stayed. Malayo ito sa kanya pero alam niyang mahal pa rin siya nito. But he didn’t care. Hindi niya ito inisip man lang. Sa Obtuse, nang makita niya itong nakaupo nang mag-isa ay gustung-gusto niya itong lapitan. He didn’t think she was aware that she had attracted the attention of many men that night. Sa kanya lang kasi nakatuon ang atensyon ni Faustina. Nagalit siya na sinundan siya nito sa lugar na iyon dahil baka mapahamak ito. Galit din siya sa sarili niya dahil naguguluhan siya. Sinasabi niyang wala siyang pakialam dito pero hindi niya naman maalis ang mga mata niya sa dalaga. Alam ba nitong kulang-kulang sa sampu ang binantaan niyang huwag lumapit dito nang gabing iyon? Humawak nang mahigpit sa mga kamay ni Faustina si Sebastien kaya napadako doon ang tingin niya. At bago pa maiproseso ng utak niya ay nauna nang humakbang ang kanyang mga paa palapit sa dalaga. Walang babalang binaklas niya ang mga kamay ni Seb na nakahawak dito at saka niya kinubkob ang mukha ni Fausta. They stared into each other’s eyes for a while. Gumalaw ang mga panga niya nang bumaba sa nakaawang na labi nito ang kanyang mga mata. At bago pa makalapit si Seb ay nasiil na niya ng halik sa labi si Faustina. It was a long, passionate kiss. Singhap at mura ang pumutol sa mahikang bumalot sa kanya. Singhap mula sa kanyang mga magulang na nasa bungad na pala ng pintuan, at malutong na mura mula kay Sebastien. Hinatak siya nito at sinuntok. Kaagad namang pumagitna ang ama niya at inawat si Seb. “Zenandro, we took the first available trip going here. Mabuti na lang pala dahil kung anu-ano na ang ginagawa mo rito! Bakit mo hinalikan si Faustina?” pasikmat na tanong sa kanya ng ama. Tumingin siya sa dalaga, malungkot ang mga mata. She didn’t look happy or thrilled about the kiss. Matalim ang pagkakatingin nito sa kanya. “Bigyan mo ako ng pagkakataong bumawi sa iyo, Fausta. Babawi ako,” samo niya, na piniling huwag sagutin ang tanong ng ama. Matigas na umiling si Faustina. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko sa iyo bago ako maaksidente? Sabi ko, binabawi ko na ang puso ko at malaya ka na.” “But… I don’t want that, Fausta,” halos bahaw lang ang tinig niya. “Ituloy natin ang napagkasunduan ng mga magulang natin. Let’s get married.” Matiim siyang tumingin sa mga mata ng dalaga. “Marry me… be my wife,” alok niya rito. “I will only marry the man I love, Zen. At ngayon, hindi na ikaw ang mahal ko kaya imposible nang matuloy ang napagkasunduan. Ganoon ka rin naman, ‘di ba? Pakakasalan mo lang ang babaeng mahal mo. Kaya nga ilang ulit mo akong tinanggihan noon.” Tipid at mapakla itong ngumiti. “Huwag na lang nating ipilit, Zenandro. Tanggapin na lang natin na hindi talaga tayo ang para sa isa’t isa. Mahal kita noon, pero hindi mo ako mahal. Mahal mo ako ngayon, pero hindi na kita mahal. Hindi pinagtatagpo ang mga damdamin natin kasi hindi tayong dalawa ang dapat magkatuluyan.” “No…” was all that he could say. Ang sakit marinig na ayaw na talaga nitong maging parte ng buhay niya. “If I show you that my love is true, will you change your mind?” “Ikaw ba, nabago ang damdamin mo nang ipakita ko sa iyong mahal na mahal kita? Hindi, ‘di ba? Kalimutan na lang natin ang isa’t isa.” Tumingin ito sa mga magulang niya at bahagyang yumuko. “I’m sorry, Tita, Tito. Ayokong marinig n’yo ang mga sinabi ko pero kailangan ko na kasing sabihin ngayon. Sana ho ay itrato n’yo pa rin akong malapit sa puso n’yo, Tita, Tito. I’m sorry that I couldn’t be your daughter-in-law anymore. Pero ituring n’yo ho sana akong anak n’yo. Wala na rin naman kasi akong mga magulang.” Mainit na ngumiti ang mag-asawang Montaner at lumapit dito. “Of course, hija. Kahit na hindi kayo ang pinalad na magkatuluyan ng anak namin ay mahal na mahal ka pa rin namin.” “Salamat po.” Yumakap ang dalaga sa mag-asawa. Si Zenandro ay nakatitig lang sa tatlo. Fausta was the perfect daughter-in-law. Mahal na mahal ito ng mga magulang niya. At dalisay din ang pagmamahal nito sa dalawa. Tumalikod siya at lumabas na ng silid dahil tila kinukurot nang pino ang puso niya. _____ ARAW-ARAW na nasa ospital si Zen. Hindi siya nagpapakita kay Fausta pero araw-araw siyang nakasubaybay dito. Nakita niya kung paano ito alagaan ni Sebastien. Ngayong araw ay nasa ikalawang palapag siya ng ospital at nakatayo sa pasilyo, katabi ng salaming pader, at nakatanghod sa hardin ng ospital kung saan naroroon sina Fausta at Seb. Magkatabing nakaupo sa pahabang upuang gawa sa semento ang dalawa. Huminga nang malalim si Zen at pinayapa ang naghuhuramintadong damdamin. Para siyang masisiraan ng bait sa kada araw na nakikita niyang lalong nagiging malapit sa isa’t isa ang dalawa. He wanted to take Fausta away from Seb and bring her to a place that no one would ever find her. Sa lugar na sila lang dalawa. Bahagyang naagaw ang atensyon niya ng mga bulungan ng nurses. He pretended not to hear a word, pero halata namang sadyang ipinaparinig sa kanya ng mga ito ang usapan. “Ang guwapo, ‘no? Araw-araw iyan dito. Nakatingin lang sa magandang pasyente.” “Iyong nasa room 201?” “Mismo! Pero may guwapong jowa na rin iyon, eh.” “Gan’un? Huwag na sana siyang umasa d’un, marami pa naman tayong magaganda rito.” “True! Crush na crush ko iyan. Ang guwapo kasi, sobra! Ang tangkad at ang ganda ng katawan!” Hindi siya nagbigay ng kahit katiting na reaksyon sa mga narinig. Akala niya ay tatahimik na ang dalawang nurses pero lumapit lang ang mga ito sa kanya. “Sir, baka nangangalay na ang paa mo? Maupo ka muna d’un sa station. Ikukuha ka namin ng kape.” “Don’t bother,” he said flatly. “Huwag ka nang mahiya sa amin, Sir. Masarap kaming magtimpla ng kape,” apila ng isa. Bumuntong-hininga siya at humarap sa dalawa. “I said, don’t bother. Please, I want to be alone.” Nagkatinginan ang dalawang babae at wala nang nagawa kundi ang umatras at umalis. Nakahinga nang maluwag si Zen at muling itinuon ang tingin sa baba. Kumunot ang noo niya nang biglang may lumapit na bata kay Faustina at binigyan ito ng pulang lobo, sunod ay isang may edad na babae ang nag-abot dito ng isa pang pulang lobo, tapos ay matandang lalaking nag-bigay ng isa pa. Nanigas ang likod ni Zen at napatuwid siya ng tayo. The sight wasn’t looking good for him. Masama ang kutob niya. Nang lumuhod si Seb ay tuluyan nang nawalan ng kulay ang mukha niya. Nag-propose ang lalaki kay Fausta. And the woman said… yes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD