“What did you do to her?” nagngangalit ang mga ngipin ni Sebastien. Nadatnan sila nito kanina sa loob ng kuwarto ng dalaga at nakita nitong walang malay si Faustina. Dinala agad nila ito sa provincial hospital. Nailipat na sa pribadong silid si Fausta at kasalukuyang inieksamin ng doktor kaya lumabas muna sila at ngayon ay magkaharap na naman sa bakanteng pasilyo.
“I didn’t do anything,” malamig niyang sabi. Pilit pa ring bumabalik ang isipan niya sa eksenang sinambit ng dalaga na hindi siya si Noah. Nakikilala na ba siya nito?
“Kapag may nangyaring masama kay Faustina ay ikaw ang sisisihin ko. Nawala lang ako saglit sa tabi ni Fausta ay sumalisi ka na agad!”
“Ayokong makipagtalo sa iyo, Seb. Hintayin na lang natin ang doktor.”
As if on cue, they heard the door open. Iniluwa niyon ang doktor.
“Kumusta na ho ang pasyente, Doc?” salubong dito ni Seb.
“She’s fine for now. But we’ll have to run some tests. Mas mainam din sigurong matawagan n’yo ang doktor niya sa Maynila para ipaalam ang nangyari sa pasyente. I don’t think it would be nice to fly her back to Manila anytime soon. Baka makaapekto sa kundisyon niya.”
Tumango si Sebastien. “We understand, Doc. Nagkamalay na ho ba siya?”
“Yes. She’s awake now. Puwede n’yo na siyang makausap.” Tumingin ito sa pinto ng silid. “Pero iwasan n’yo sanang ma-stress ang pasyente. Hindi makabubuti iyon sa kanya.”
“Okay, Doc. Thank you.” Si Seb.
Nang umalis na ang doktor ay humakbang si Zen palapit sa pinto. Humarang sa kanya si Sebastien na masama ang tingin sa kanya. “Saan ka sa tingin mo pupunta?”
“Gusto kong makita si Fausta.”
“Hindi puwede. Hindi ako papayag. Ilang beses mo pa ba ilalagay sa kapahamakan si Faustina bago ka magdesisyong lubayan na siya?”
Hinawi niya pagilid ang bulto ni Sebastien, at pinukol ito ng matalim na tingin. “Stop acting like a f*cking husband. Hindi pa kayo mag-asawa. Wala kang karapatang pagbawalan ako dahil kung iisiping mabuti ay magkaibigan lang kayo.”
“At kung iisiping mabuti ay kailangang pagbawalan kang lumapit kay Faustina dahil ikaw ang nagdadala ng kamalasan sa buhay niya. I wished my family never left the Philippines. Para sana ay hindi umikot sa iyo ang mundo ni Faustina. Kung hindi sana kami umalis, baka mas naging malapit kami sa isa’t isa noon pa.”
Nag-igtingan ang mga panga niya sa pagtatagisan nila ng tingin ni Sebastien. Matigas din talaga ito. Pero mas matigas siya. “Ang dami mong sinasabi. Just let me in,” he said through clenched teeth.
“You think I’d let you see her?”
“Kung hindi ay dalawa tayong pupulutin sa labas ng ospital,” puno ng pagbabanta ang boses niya.
Pumalatak ito at tumingin sa dumaang nurse na napatingin sa kanilang dalawa. “Ibang klase ka rin. Manggugulo ka talaga rito?”
Bago pa ito gumilid ay nilampasan na niya ito kaya nagbungguan ang mga braso nila. He heard a loud intake of breath from Seb. Alam niyang nagpipigil din ito ng galit. Katulad niya.
Pagbukas niya ng pinto ay ang inosenteng mukha agad ni Faustina ang nakita niya. She wore no make up but her face looked pleasant. She was like the clean air in the morning after a night of rain. Nakaupo ito at nakasandal ang likod sa headboard.
Naghugpong ang mga mata nila. He was already half-expecting her to mistake him for a doctor or a nurse. Pero blangko ang ekspresyon sa mukha nito. Hindi ito nakangiti at seryoso lang na nakatingin sa kanya.
“Kumusta na ang pakiramdam mo?” atubili niyang tanong. The cold expression on her face was making him feel uneasy. Bakit ganoon na lang ito kung makatitig sa kanya? Bakit puno ng pagkasuklam ang mga mata nito?
“I don’t want you here,” it came out as a whisper.
“Fausta…”
“I said I don’t want you here,” ulit nito sa malamig na boses.
Nanigas siya. Bumilis ang t***k ng kanyang puso sa kaba at pag-aalala. “Faustina—”
“You are not Noah. Huwag mo akong niloloko.”
Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin sa dalaga. Lalo na at puno ng pagkamuhi ang tinging ipinupukol nito sa kanya. Gusto niya itong hawakan pero ramdam niyang ayaw nitong lumapit siya.
“I know who you are, so stop pretending. You are Zenandro. The man I loathe the most.”
Tagos sa puso niya ang mga sinambit na kataga ng dalaga. Masakit palang marinig mula rito na sukdulan ang nararamdaman nitong disgusto at galit sa kanya. Ganito din ba kasakit ang ipinapadama niya rito noon? The words he threw at her were really cruel. Ganito pala kasakit iyon. Napakasama niyang tao. Bakit niya nagawang pasakitan si Fausta? Now, it was his turn to feel miserable and to feel the pain of a one-sided love.
“N-nakikilala mo na ba ako?”
“Oo, at hindi ko maarok kung saan ka kumukuha ng lakas ng loob para lumapit pa sa akin pagkatapos ng lahat ng mga nagawa mo.”
Napabuntong-hininga siya. Dahil siguro sa pagsakit ng ulo nito kanina na naging dahilan para mawalan ito ng malay ay nanumbalik ang kakayahan nitong makilala siya.
“I realized how cruel I was to you. I’ve wronged you. Several times. Gusto kong humingi ng tawad pero nang puntahan ka namin sa ospital ay hindi mo na makilala ang mukha at boses ko. I thought if I do acts of service it would somehow make up for the bad things I did to you. Pero habang nakikita kita at nakakasama, nagiging malinaw sa akin na may iba akong damdamin para sa iyo. I finally realized that I have fallen in love with you, Fausta, and I wanted to try. I wanted to win you back. I wanted to—”
“Isn't it too late for that, Zenandro?” she cut her off sharply.
Natigilan siya. Parang malamig na punyal ang bawat kataga nitong itinatarak sa dibdib niya. His heart ached. Ang takot sa puso niya ay lumulobo.
“Fausta…”
“Dahil sa aksidente ay nawalan ako ng kakayahang makilala ang mukha at boses mo. Pero salamat at pinaalala mo sa akin kung sino ka. Ngayong nakikilala na kita, gusto kong malaman mo na para sa akin ay hindi ka na parte ng buhay ko. Even if I have regained my ability to recognize you, for me, you are nothing now.” Pinukol siya nito ng malamig na tingin. “You are nothing but just an insignificant face in the crowd.”