CHAPTER 21

1573 Words
Walang pagdadalawang isip na tumakbo patungong hardin si Zen. Walang bukas na elevator kaya pinili niyang mag-hagdan. Habang malalaki ang hakbang ay dama niya ang pagsakit ng tiyan niya na tila nilalapirot iyon. He stopped halfway to vomit. Staring at his own hands, he realized that he was shaking. Gayunman ay pinili niya pa ring puntahan sina Seb at Faustina. Nang marating niya ang hardin ay nakita niyang magkayakap na ang dalawa. Pakiramdam niya ay tila natahimik ang mundo at ang tanging naririnig niya ay ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. Fausta, the woman who was tirelessly chasing him for years, just accepted Seb’s marriage proposal! Ikakasal na ito! Nasa akto na si Seb na isusuot sa daliri ni Faustina ang engagement ring. Nagdilim ang paningin niya at hinablot niya ang singsing saka itinapon sa kung saang direksyon unang dumako ang mga mata niya. Napalitan tuloy ng mga pagsinghap ang kanina’y mga palakpak. Hindi siguro pumasok sa isipan ni Seb na may balak siyang hilahin si Fausta kay nauna nitong inatupag ang paghahanap sa singsing. Pero bago iyon ay nag-iwan muna ito ng matalim na tingin sa kanya at malutong na mura. Hinawakan niya sa kamay si Fausta. “Come with me.” “No! Bakit ako sasama sa iyo?” “Mag-uusap lang tayo.” Nagpumiglas ito pero malakas siya kaya nahila niya rin ito patungo sa isang sulok, malayo sa mga tao. “How can you say ‘yes’ to him? Mag-nobyo ba kayo?” “Hindi ako magsisinungaling. Wala kaming opisyal na relasyon. Pero magkasundo kami. We have mutual respect and understanding.” “Walang opisyal na relasyon?” Pumalatak siya. “Pero pinapayagan mo siyang halikan ka!” Nanggagalaiti siya. Naalala niya ang pagkakataong nakita niyang hinalikan ito ni Sebastien. Huminga ito nang malalim. “Desisyon kong magpahalik at wala kang karapatang kuwestiyunin ako.” “This is bullsh*t, Faustina! Fine, desisyon mong magpahalik. Okay! Pero hindi ka puwedeng magpakasal kay Sebastien. How long have you even known him?” Ngumisi nang mapakla ang dalaga. Dinutdot nito ang dibdib niya. “How long? Sobrang tagal na. Nakalimutan mo na bang si Seb ang nag-alaga sa akin noong itinaboy mo ako pagkatapos pumanaw ni Sari? Sebastien has always been there for me. He never gave up on me. Did you know that I had anxiety disorder before? Noong desperado akong magpapansin sa iyo pero paulit-ulit mo akong sinasaktan? Alam mo ba kung ilang beses kong ginustong mawala na lang noong mga panahong pinagsisiksikan ko ang sarili ko sa iyo pero wala ka nang ibang nakikita kundi si Sari lang?” “Fausta…” She had anxiety disorder because of him? Bakit hindi niya napansin iyon? His chest hurt all the more. Gusto niyang yakapin ang dalaga kung sana ay kayang ibsan ng yapos niya ang mga pighating idinulot niya rito noon. He thought there will never come a time when he would fall in love with her… but he was wrong. Because he fell for her and he fell really hard. He fell for her when she didn’t want him anymore. Bakit ganoon? “At huwag mong ipagdiinan sa akin ngayon ang tagal ng panahong nakasama ko si Seb. Dahil kahit isang taon, isang buwan, o isang linggo lang ay papayag pa rin akong pakasal sa kanya.” Pinalis nito ang luhang naglandas sa pisngi nito. Pinalis nito sa paraang tila nagsasabing ayaw nitong aksayahin ang luha sa kanya. “You know why? Because I have known you all my life, Zen. I have loved you for so long. Matagal tayong nagkasama, sabay tayong lumaki, parehong lugar, parehong eskuwelahan. Pero minahal mo ba ako? Hindi naman, ‘di ba? Kaya kahit na gaano pa katagal na magkasama ang dalawang tao, kung hindi sila ang para sa isa’t isa, wala talagang mangyayari.” Huminto ito saglit para punuin ng hangin ang dibdib saka muling tumitig sa mga mata niya. “Seb was a childhood friend that I can not even remember anymore. But we met again in the US. Maikling panahon palang niya akong nakakasama sa Amerika pero sinabi na niya sa aking gusto niya akong maging bahagi ng buhay niya. But I rejected him then because of you. Akala ko kasi pag-uwi ko, magpapakasal na tayo. Maling-mali ako. Naniwala ako sa isang kasunduang wala palang katotohanan. Kung hindi sana ako naniwala sa kasunduang iyon, sana ay matagal na akong nakapag-asawa at nakabuo ng sarili kong pamilya. Sana ay hindi naghirap ang kalooban ko. Sana ay hindi naaksaya ang panahon ko sa iyo.” Hinawakan niya nang mahigpit sa magkabilang balikat si Faustina. “Marry me. Gusto mong bumuo ng sariling pamilya, heto ako. I know I was an assh*le. I know there’s nothing I can do to take away the pain in your heart. Pero handa akong pagsilbihan ka habambuhay. When I was in Nevada, noong kasama ko si Atarah, araw-araw kitang tinatawagan—” “Para sumbatan ako, alam ko.” “No! Because there was something wrong with me. Nami-miss kita at gusto kitang makita. Gusto kong marinig ang boses mo. I know I sound twisted. I know I should have just told you how I really felt that time. Pero nang mga panahong iyon, ang naiisip ko lang na dahilan para makausap ka ay kung patuloy kitang kondenahin. You know I can always take legal actions against you that time but I didn’t. I told Atarah that I would settle things my own way. Pero hindi sumagi sa isipan ko minsan man na ipakulong ka kahit na buong akala ko noon ay ikaw ang may kasalanan ng lahat.” Itinaas ni Fausta ang kamay para patahimikin siya. “Wala naman nang kabuluhan para sa akin ang mga sinasabi mo ngayon. I am not lying or pretending when I said that I do not love you anymore. Hindi na talaga kita mahal, Zen, kaya kalimutan mo na ako.” “No, hindi puwede.” Kinubkob niya ang mukha ng dalaga at bago pa ito makaurong ay mariin na niya itong siniil ng mainit na halik sa labi. Nanlaban ito pero idiniin niya ito sa pader at nilaliman ang halik. Pinasok niya ang dila sa bibig nito. He kissed her as if it was the only thing he needed to keep on living. Habang hinahalikan niya ang dalaga ay hindi na niya napansin na panay na pala ang agos ng luha niya. Having her in his arms felt like coming home. She was right when she said that they grew up together, played together, and went to the same school. Iyon din mismo ang dahilan kung bakit nag-iinit ang dibdib niya ngayon. Because when he thought of family and home, isang pangalan lang ang pumapasok sa isipan niya. Faustina… He was filled with the desire to possess her. Gusto niyang maangkin ito. He lifted up her hospital gown but her hand stopped him. “Don’t you dare, Zenandro. Huwag mo akong bastusin dito.” Nahimasmasan siya sa sinabi nito. He pulled away and looked down. “Zenandro,” matigas nitong sambit sa pangalan niya. Pag-angat niya ng mukha ay malakas na sampal ang sumalubong sa kanya. “Huwag mong sisirain ang kasal ko, binabalaan kita.” _____ “NAGSUMBONG sa amin si Faustina, Zenandro. Gumawa ka raw ng eksena sa ospital!” Galit si Zelaida. Siya naman ay kampante lang na nakaupo sa sofa ng kanilang ancestral home. Hindi kakikitaan ng pag-aalala ang mukha nito. Gumuhit lang ang kaswal na ngiti sa labi niya. “Funny, noon nagsusumbong siya na may gustong umagaw sa akin. Ngayon, iba na ang isinusumbong niya sa inyo.” “Ano ba ang ginagawa mo, hijo? Fausta is already getting married. Pabayaan mo na siya. Why can’t you just be happy for her? Kung hindi naaksidente si Sari, sigurado namang mag-asawa na kayo ngayon.” Tumayo siya at kinuha ang malaking kahon saka ipinatong iyon sa gitnang lamesa. Namilog ang mga mata ni Zelaida. “Is that what I think it is?” “Yes, Ma. Ang traje de boda.” “Paano mo naipadala iyan dito?” “Madali namang pakiusapan ang mga kasambahay.” “Hindi tama itong ginagawa mo, Zen.” “Ipinagkasundo ninyong ipakasal kami, kaya tutuparin ko na ang napagkasunduan.” “Ikakasal na si Faustina, Zenandro! You chose Sari before, Fausta’s choosing Zen now. Kalimutan na ninyo ang kasunduan!” Bumuntong-hininga siya. “Sino ba ang nagsabi na si Faustina lang ang matigas ang ulo? At sino ba ang nagsabing siya lang ang puwedeng maghabol sa taong mahal niya? Kaya ko ring maghabol at hahabulin ko siya kahit na itaboy pa niya ako.” “Zenandro…” “Ma, siguro nga hindi na ako mahal ni Faustina ngayon. But let me just try to win her back. She did all that she could just to win me before. Ako naman ngayon.” Napaungol si Zelaida at naupo sa sofa. “Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa inyo. Napakagulo n’yo. Kung sana ay pumayag na lang kayo sa kasal noon pa, di sana wala tayong problema ngayon.” Napabuga siya ng hangin. Totoo naman ang sinabi ng Mama niya. At kasalanan niya kung bakit naatrasado ang sana ay matagal nang nangyari. “Zen, sigurado ka ba sa ginagawa mo?” “Yes, Ma. Ito na ang pinakasigurado. I want her in my life. She has always been a part of it anyway.”

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD