Napakapit sa kubrekama si Fausta nang muli na naman siyang gambalain ng masamang panaginip. Napabalikwas siya ng bangon, pawis na pawis. Natutop niya ang dibdib. Kumikirot na naman iyon.
She pulled her knees closer to her chest and cried. Bakit ba palagi niyang napapanaginipan iyon? Natatakot siya. The pain she felt in her dream was just too real. Parang totoo niyang naramdaman.
Nagshower siya para kahit papaano ay pasiglahin ang katawan. Pero masama pa rin ang pakiramdam niya. Nang tignan niya ang repleksyon sa salamin ay nakita niya ang pamumutla ng mukha. Matamlay niyang sinuklay ang mahabang buhok habang tagusan ang tingin sa salamin.
“Señorita, pinapatawag na ho kayo sa baba. Kakain na raw,” anang kasambahay pagkatapos niya itong pahintulutang pumasok.
Tumango siya. “Sige po, bababa na ako.”
Habang nag-aalmusal ay napuna ng Daddy niya na namumutla siya. “You’re pale, hija. Are you sick?”
Matamlay siyang tumango. “Kaunti po. Pero kaya ko namang pumasok sa school.”
“Are you sure? Your father and I can bring you to the hospital right now,” anang Mommy niya.
Umiling siya. “No need, I’m fine, I swear.”
“Okay, pero kapag gusto mo nang umuwi kahit hindi pa tapos ang klase mo, tawagan mo lang ang Mommy mo.”
“Yes, Dad.”
_____
PAGKATAPOS ng unang subject nila ay nakansela ang klase dahil nagkaroon ng biglaang meeting ang mga guro. Lalabas na dapat siya nang bigla siyang hilahin sa kamay ni Zen.
Napaigik siya sa higpit ng pagkakahawak nito sa kanya. But she didn’t complain. Si Zen iyon, eh. She will always tolerate and submit to Zen.
Dinala siya nito sa isang bakanteng silid at marahas na itinulak sa pader. “Hindi ka ba talaga titigil, Fausta?” Galit na galit ito sa kanya.
“Ano ba ang ginawa ko?”
“Nagsumbong ka sa Mommy mo na may gustong umagaw sa akin. Tinawagan ng Mommy ang Mama ko!”
Kahit masama ang pakiramdam ay pinilit niyang patigasin ang ekspresyon sa mukha. “Hindi ba totoo naman? May ibang babaeng gustong umagaw sa iyo!”
Sa labis na galit ay natadyakan ni Zen ang isang upuan na nagpaigtad kay Fausta. Napuno ng kaba at takot ang dibdib niya.
“Gusto mo bang sabihin ko sa iyo ang totoo? Fine! May girlfriend na ako! Kami na ni Sari at hindi niya ako inagaw dahil ako ang unang nagkagusto sa kanya! I love her!”
She froze. Natutop niya ang dibdib. May gumuhit na kirot sa puso niya. Humapdi ang kanyang lalamunan at gusto niyang humagulhol pero tinatagan niya ang loob. Hindi siya susuko na lang agad. Nangako siya sa ina ni Zen na sisiguruhin niyang walang ibang babaeng aagaw dito. Kung magiging mahina siya, tiyak na talo siya.
“Puwes, sabihin mo sa girlfriend mo na sulitin na niya ang mga panahong magkasama pa kayo dahil sisiguruhin kong hindi na kayo magtatagal,” madiin niyang sambit.
Zen glared at her, disgusted. “Kahit anong gawin mo, Fausta, hinding-hindi kita magugustuhan.”
“Gustuhin mo man ako o hindi, wala ka namang magagawa. Everything for us has already been planned out. Ako ang babaeng pakakasalan mo.”
“You will have to kill me first, Fausta.” Tumalikod na ito at iniwan siyang mag-isa.
Nang wala na sa silid si Zen ay saka niya lang hinayaang bumagsak ang mga luhang kanina pa niya tinitimpi. Nahaplos niya ang braso, tiyak na magpapasa iyon. Pero hindi niya alintana ang pisikal na sakit. Hindi niya alintana ang sama ng pakiramdam niya. Mas nangingibabaw ang sakit sa kanyang dibdib na si Zen ang may gawa.
_____
ON THE DAY of their highschool graduation, Fausta received the most recognition. She was outstanding both in academics and school sports. Maraming mga matang humahanga ang nakatuon sa kanya. Masayang-masaya siya lalo na nang maayos niyang mailahad ang graduation speech. Pati mga guro ay walang tigil sa pagpuri sa kanya.
“The speech was awesome,” pagbati sa kanya ni Tally nang matapos ang seremonyas.
“Titig na titig sa iyo ang mga boys.” Si Iwa.
Matamis siyang ngumiti. “Of course. I’m Fausta Montemayor. Wala nang mas may gagaling pa sa akin.”
“Pero ang lalaking gusto mo ang bukod-tanging ayaw sa iyo,” ani Tally.
Nabura ang ngiti sa labi niya. Naalala na naman niya ang naging pag-uusap nila ni Zen.
Kahit anong gawin mo Fausta, hinding-hindi kita magugustuhan… Paulit-ulit iyon sa utak niya. And the way he held her arm without care… Napapikit siya. Iniisip niyang nagawa lang iyon ni Zen dahil galit ito sa kanya.
“Nagkikita pa ba kayo?” tanong ni Iwa.
Ang totoo’y iniiwasan siya nito. Nagkikita na lang sila kapag dumadalaw ang mga Montaner sa kanila. Pero ganoonman ay hindi siya nito pinapansin. Ni ayaw siya nitong tignan. Titingin lang ito sa kanya kapag pinupuna ito ng mga magulang nito.
And his cold treatment was breaking her heart repeatedly. Para siyang ikinulong sa ilalim ng tubig at paulit-ulit na nalulunod pero muling nabubuhay at malulunod ulit. She felt helpless. Pero hindi niya ipinapasilip kahit kanino man ang kahinaan niya. She will never tell a soul about her pain. Kikimkimin niya hanggang kaya niya. Para kay Zen.
“Sa graduation party natin mamayang gabi, I will make my formal confession,” aniya. Naisip niyang baka akala nito’y naglalaro lang siya at hindi tunay ang damdamin niya.
Tumili ang kanyang mga kaibigan. “Go, girl!”
Kinagabihan ay naghanda siya nang husto. She wore the most elegant navy blue evening gown. Nakapusod ang buhok niya na ang ilang hibla ay hinayaang nakabagsak sa magkabilang gilid ng maliit niyang mukha. Her make up was perfect and she looked magical.
Sa loob ng malawak na coliseum ng school ay hinanap ng mga mata niya si Zen pero hindi niya ito mahagilap. Hindi na niya mabilang kung ilang mga imbitasyon na sa pakikipagsayaw ang kanyang tinanggihan. She wanted her first dance to be with Zen. And it should be absolutely perfect.
Lumapit sa kanya sina Tally at Iwa. “How many more invitations are you planning to turn down tonight?”
Naupo siya, bagsak ang mga balikat. “I can’t find Zen. Siya lang ang gusto kong makasayaw.”
Nagpalitan ng makahulugang tingin sina Tally at Iwa. Nagbuga ng hangin si Iwa. “Actually, we kind of saw him a few minutes ago.”
Her body tensed. Mabilis ang pagkabuhay ng sigla sa bawat himaymay ng katawan niya. “Where?”
Tinampal ni Tally si Iwa na tila pinipigilan itong magsalita.
“What? Is there something I should know?”
Hindi umimik ang dalawa kaya naitirik niya ang mga mata. “Sabihin n’yo na lang sa akin kung saan ko makikita si Zen.”
“Are you sure?” tanong ni Tally.
“Yes!”
Itinuro ng dalawa ang gilid ng coliseum. Nagningning ang mga mata niya at masigla siyang tumakbo palabas at tumungo sa gilid ng coliseum. And there, she saw Zen…
But he was not alone.
He was with Sari.
At naghahalikan ang dalawa.
Her heart broke into a million pieces. Ninakaw na ni Sari ang lahat na dapat ay kanya--Zen's first kiss and his first love. It was supposed to be her. Pero bakit may isang Sari na pumasok sa eksena?
Hindi na niya alam kung ano ang pumasok sa utak niya basta tila nagkaroon ng sariling isipan ang kanyang mga kamay. Dumampot iyon ng bato at inihagis kay Sari. Sumapol ang bato sa ulo ng babae na ikinagulat nito at ni Zen.
Shocked, Zen gazed at her direction. Nang makita siya nito ay awtomatiko ang pagdidilim ng mukha nito. “Faustina!”