Lumapit is Fausta kay Zen pagkababang-pagkababa ng huli mula sa naghatid ritong sasakyan. He wore that passive expression on his face and pretended not to see her. Derecho lang ang tingin nito sa unahan. Kaagad itong naging sentro ng atensyon. She felt proud. Maraming nagkakagusto kay Zen pero siya ang pakakasalan nito pagdating ng tamang panahon.
“Good Morning!” masiglang pagbati niya rito.
Hindi ito tumingin man lang sa kanya. Parang hangin siya na ni hindi nito naramdaman.
Kumuyom ang mga kamay ni Fausta. Binilisan niya ang paglalakad at humarang sa harapan nito. Saka palang siya nito pinag-aksayahang tignan.
Mababakas agad ang pagkabagot sa mukha nito. “What are you doing, Faustina?”
“Hindi mo ako pinapansin!”
Umiling lang ito at gumilid para iwasan siya at nagpatuloy sa paglalakad. Namula siya nang makitang pinagtitinginan siya ng ibang mga estudyante. Inirapan niya ang mga ito at humabol kay Zen. Nang uupo na siya sa upuang katabi ng inuupan nito ay itinuro nito ang whiteboard sa harapan. “Follow the seating plan.” Nakapaskil iyon.
Padabog siyang lumapit sa board at hinanap ang pangalan. Gilalas siya nang makitang hindi sila magkatabi ni Zen. “We are not seated next to each other!”
“I know,” walang interes nitong tanong.
“Ganoon lang?”
“Ano ba dapat? You are overreacting, Faustina. We are already in the same class.”
“Hindi pa rin ako papayag na hindi tayo magkatabi!” Dahil matigas ang ulo niya ay doon pa rin siya naupo sa upuang katabi ng kay Zen kahit na sinabi na nitong hindi doon ang upuan niya. Mayamaya ay may lumapit sa kanyang babaeng estudyante. Nakayuko ito at kipkip ang bag.
Pinagtaasan niya ito ng kilay. “Who are you?”
“Uhm, Sari ang pangalan ko.” Tumikhim ito. “Nakasulat kasi sa seating plan na dito raw ako dapat maupo.” Mahinang-mahina ang boses nito na halos hindi na niya gaanong marinig iyon.
“I don’t care.”
“Faustina!” saway sa kanya ni Zen.
Napabaling siya rito. “What? Did I say anything to offend her? I just told her that I don’t care. Ano ang masama sa sinabi ko?” Nakatikwas ang kilay niya.
Napailing na lang si Zen at tumingin sa babaeng estudyante. Mahaba ang buhok nito na umabot na hanggang baywang. Magulo rin iyon na halos nakaharang na sa mukha nito. Tumayo si Zen at inalalayan ang babae patungong bakanteng upuan sa likuran ng silid. Sa silyang katabi ng babae na rin naupo si Zen. Labis niya iyong ikinagulat.
“Zen! Ano ang ginagawa mo riyan?”
Hindi siya pinansin ni Zen. Labis siyang nagngingitngit na parang sasabog ang dibdib niya.
_____
SADYANG inabangan ni Fausta ang paglabas ng campus ni Sari. Eksaktong paghakbang nito sa harapan niya ay ubod lakas niya itong itinulak. Sumubsob ito sa lupa. Nagulat ito at nanlaki ang mga mata. The girl was pale and she looked scared.
“A-anong kasalanan ko sa ‘yo?” mahina nitong tanong, nanginginig.
“You stay away from Zen!” asik niya rito. “Kapag nakita uli kitang lumalapit kay Zen, ipapa-expel kita sa school! Zen is mine!”
“Faustina!” sigaw ni Zen. Dinaluhan nito si Sari at tinulungan itong tumayo. Pinagpag pa nito ang bag ng babae bago binigay dito.
Nang balingan siya ni Zen ay nagtatagis na ang bagang nito. “You’re hurting people again, Fausta!”
“She deserves it! Hindi mo pa ba nahahalata? Nagpapaawa siya para makuha niya ang atensyon mo!”
“Enough, Fausta!” Inalalayan nito si Sari na napaigik nang subuking lumakad.
She rolled her eyes heavenwards. The girl was too fragile! Pero itong babasagin. Kaunting tulak lang, hindi na agad makalakad?
“I think you sprained your ankle.”
Kiming tumango si Sari.
“Pumasan ka sa likod ko.”
“H-hindi, huwag na. Kaya ko namang maglakad—”
“I insist. Mas mamamaga iyan kapag pinilit mong ilakad.”
"Zen, you can't do that!" protesta niya.
"And why not?" Pinukol siya nito ng matalim na tingin. "And for the nth time, Fausta, I am not yours. Hindi mo ako pag-aari."
Nasaktan siya kaya hindi na niya nakuhang magsalita.
Napilitan din si Sari na pumasan sa likod ni Zen. Hindi makapaniwala si Fausta sa nakikita. Mas naging pabor pa kay Sari ang pagkakatulak niya rito. She wanted to pull her hair and slap her in the face. Kaso mas lalong magagalit sa kanya si Zen.
_____
MAGMULA nang araw na itulak niya si Sari na ikinapinsala ng paa nito ay hindi na ito hinayaang mag-isa ni Zen. He was always with her everywhere. Sabay pang kumakain sa canteen ang dalawa. Tuwing umaga ay inaabangan ni Zen si Sari sa gate at sabay ang mga itong papasok sa silid.
Hanggang highschool ay ganoon pa rin ang mga ito. Hindi siya makalapit kay Sari dahil palaging nakabantay si Zen. Kapag tatangkain niyang kausapin si Zen ay iniignora siya nito. He was never friendly to her.
“Girlfriend na ba ni Zen si Sari?” tanong ni Iwa, kaibigan ni Fausta. Kakatapos lang ng swimming class nila. Hindi muna sila umahon at nagbabad pa sa pool. Sina Iwa at Tally ang masasabi niyang mga kaibigan niyang matalik.
“Says who?”
Nagkatinginan sina Tally at Iwa. Puno ng pag-aalala ang tinging pinupukol ng mga ito sa kanya. “Girl, kalat sa buong campus. Sinagot na raw ni Sari si Zen.”
Tumikwas ang kilay niya. “Bakit, niligawan ba siya ni Zen?”
“Apparently.”
She bit her lip so hard that it bled. Nagpupuyos ang dibdib niya. Bakit hindi niya alam ang tungkol sa panliligaw ni Zen kay Sari? They were not in the same class anymore. Pinaayos niya iyon sa mga magulang niya pero nalusutan pa rin ni Zen. Nagpalit ito ng section sa huling minuto.
“Makikita ng Sari na iyan! Mang-aagaw siya! Inaagaw niya sa akin si Zen!”
“Girl, galaw-galaw na. Baka maagaw na nang tuluyan ang future hubby mo.” Si Tally.
_____
“MOMMY, bakit ba hindi pa kami puwedeng ikasal ni Zen ngayon? Malaki naman na kami. We’re not kids anymore! We're both sixteen!” apila niya sa ina. Nagta-tsaa ito kasama ang mga amiga.
Tumayo ang Mommy niya at dinala siya sa kuwarto. “Hija, can we talk about this later? Kasama ko ang mga amiga ko.”
“But, Mommy, may umaagaw na kay Zen! At hindi ako papayag. Akin lang si Zen!”
Inayos lang ng ginang ang buhok niya. “I will talk to your Tita Zelaida tonight. I’m sure pagsasabihan niya si Zenandro. Relax, hija, kayo ang ikakasal sa huli. Some girls can try but Zen will only marry you, okay?”
Naibsan nang kaunti ang bigat sa dibdib ni Fausta. “Please, Mommy, dapat ako lang.”
“Of course, may iba pa bang babagay kay Zen kung hindi ang pinakamagandang unica hija namin?”
Niyakap niya ang ina. “Thank you, Mommy!”