CHAPTER 4

1440 Words
Hindi naman nasugatan si Sari pero nagkabukol ito dahil sa ginawa ni Fausta. Nasa bahay nila ngayon ang mga Montaner at masama ang pagkakatitig sa kanya ni Zen. Sinabi nito sa mga magulang ang ginawa niya kay Sari. Wala ang huli pero pakiramdam niya ay naroroon din ito dahil sobrang igting kung ipagtanggol ito ni Zen. “You have to apologize, hija,” anang Mommy niya. “I will never do that, Mom,” matigas niyang sambit. Hinding-hindi siya hihingi ng tawad kay Sari. Inagaw nito sa kanya si Zen kaya nararapat lang dito ang ginawa niya. Bumuntong-hininga ang ina ni Zen. “Fausta, I know I said that you shouldn’t let anyone steal Zen from you. Pero hindi tama ang ginawa mo.” Napatingin siya rito. She felt like being cornered and condemned. Tila lahat ng tao inuusig siya. For them, she was evil. Na masama siyang tao. Na nananakit siya ng kapwa. Naging usap-usapan ang nangyari noong gabi ng graduation party nila. Lahat nakisimpatiya kay Sari. “I think you’re becoming obsessed about the arrangement, Fausta. Dapat siguro ay huwag na nating ituloy ang planong ipakasal kayo pagdating ng tamang panahon,” anang Daddy niya. Namilog ang kanyang mga mata. Fear gripped her chest. She loved Zen so much. Ang arrangement na lang ang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob na sila pa rin ang magkakatuluyan sa huli sa kabila ng pagtanggi nito sa kanya. “No, Daddy! No, please!” samo niya. “That or you finish your degree in the US.” “What! Doon n’yo ako pag-aaralin?” Hindi siya halos makapaniwala. Ano na lang ang mangyayari sa kanila ni Zen? Ngayon ngang nasa malapit lang siya ay hindi na siya nito pinapansin, ano pa kaya kapag nasa malayo siya? “Are you serious, Dad?” Tumango ang ama niya, pormal ang mukha. Alam na agad niyang hindi ito nagbibiro lang at hindi na mababali ang desisyon nito. She glanced at Zen. Blangko pa rin ang ekspresyon nito. Masaya kaya ito? Kahit ano ang piliin niya ay pabor dito. She smiled bitterly. “I’ll go if you tell me what age Zen and I are supposed to get married.” Hindi niya inalis ang mga mata kay Zen dahil gusto niyang makita ang reaksyon nito. Tulad ng inaasahan niya, bumakas na naman ang disgusto sa mukha nito. Did he really hate her that much? Bakit hindi nito subukang kilalanin siya? Bumuntong-hininga ang Daddy niya. “When you’re both twenty. At kapag nakatapos na kayong pareho sa kolehiyo.” Tumango siya. “I’ll hold on to that. Now, I’m ready to go.” _____ “BAKIT ba hindi ka pa rin nagbo-boyfriend hanggang ngayon, Fausta?” tanong ni Iwa. Parang kailan lang ay kakarating lang nila sa Amerika dahil doon din ito pinag-aral ng mga magulang nito. Ngayon ay natapos na nila ang kursong kinuha. Si Tally naman ay nanatili sa Pilipinas at dito sila nakikibalita. Si Tally din ang nagsabi sa kanilang magkasintahan pa rin sina Zen at Sari. She was really angry and jealous. Pero sinasabi na lang niya sa sariling sila pa rin ni Zen ang ikakasal gaano man katagal ang relasyon nito sa babaeng iyon. “As if you don’t know. Alam mo namang naipagkasundo na ako kay Zen.” Iwa rolled her eyes. Kumuha ito ng potato chips at nagtimpla ng orange juice. Nakatira sila sa iisang condo. Pabor iyon sa kanya para may madalas naman siyang makausap at hindi niya isipin si Zen buong araw. Pumayag din naman ang mga magulang niya. Kilala ng mga ito si Iwa kaya mas kampante ang mga itong may kasama siya sa condo lalo na at nasa ibang bansa siya. “Pftt, give up already. Mukhang wala namang balak si Zen na seryusuhin ang kasunduang iyon. And knowing Zen, he isn’t the type to allow other people to dictate him. Alam mo namang noon pa man ay kontra na siya sa arranged marriage na iyan.” Umiling siya at piniling maging positibo. “Hindi sila sisira sa napagkasunduan, alam ko. Pumayag nga akong dito mag-aral sa Amerika para matuloy lang ang kasal namin. Nandoon sila ng papiliin ako ni Daddy.” “Bilib din talaga ako sa pagiging optimistic mo, Girl.” Nagkibit-balikat ito. “Ikaw ang bahala. Kailan ang uwi mo sa Pilipinas?” “Sa Sabado na. Just in time for my 20th birthday.” Napangiti siya. She will be turning twenty soon. Nakatapos na rin siya ng pag-aaral. Soon, she will be Zen’s wife. Nakikita na niya, halos abot na niya. Makakasama na ulit niya si Zen. And this time, she will be by his side for the rest of her life. “Sasabay ka ba sa akin?” “Sorry, gustuhin ko man, hindi pa ako puwedeng umuwi. May pinapaasikaso pa sa akin dito si Daddy,” anito. Tumango siya. “It’s okay. We have bigger responsibilities now.” Her phone rang. Kumunot ang noo niya nang makita ang pangalang rumehistro sa screen. Tita Zelaida calling… Kinabahan siya. “Tita? Hi! Napatawag po kayo?” Mahabang katahimikan. “Tita?” Humugot ng malalim na paghinga ang ginang. “Huwag ka sanang mabibigla, hija, sa sasabihin ko sa iyo.” Her grip on the phone tightened. Tumahip ang dibdib niya. “A-ano po iyon?” “Ang Mommy at Daddy mo… naaksidente sila kaninang madaling araw. Fausta, I’m sorry, but they didn’t survive the car crash.” "H-hindi totoo iyan, Tita!" "I'm sorry, Fausta." Nabitiwan niya ang phone at natutop ang bibig. Pakiramdam niya ay tumigil sa pag-inog ang mundo. Napaupo siya sa sahig at humagulhol. Mabilis namang lumapit sa kanya si Iwa. Niyakap siya nito kahit hindi pa niya nasasabi ang nangyari. “Shush, what happened? Tell me,” pang-aalo nito sa kanya. “My parents…” Tumingin siya sa mukha ng kaibigan niya, umiiyak na rin ito. “May parents, Iwa, they’re gone.” _____ IMBES na kasal ay burol ang inasikaso ni Fausta. Burol ng kanyang mga magulang. Akala niya ay magiging pinakamasaya siya pagsapit ng kanyang kaarawan pero malupit ang tadhana. Nasa Pilipinas na siya at nakatulala habang pinagmamasdan ang pagbaba sa kabaong ng mga ito sa lupa. Hanggang sa makauwi ang lahat ng tao ay nanatili lang siyang nakatitig sa pinaglibingan sa mga magulang. “Dad, Mom, ang daya-daya n’yo naman…” Her throat hurt from crying. Magkahalong pighati at galit ang nararamdaman niya. Galit dahil sa biglang pagkamatay ng mga magulang. Nahuli naman na ang bumangga sa sasakyan ng mga ito pero nag-aalab pa rin ang poot sa dibdib niya. “Fausta…” Napalingon siya sa pamilyar na tinig na iyon. Si Zen. For the first time, his face didn’t show resentment. Bagkos, pakikiramay at lungkot ang nasa mga mata nito nang titigan siya. “Kanina ka pa rito, nag-aalala na sina Mama at Papa sa iyo.” Hindi siya nagsalita at muling itinuon ang tingin sa libingan ng mga magulang. “Fausta, papadilim na at mukhang uulan pa. Isa pa, kailangan mo ring magpahinga muna. Wala ka pang maayos na tulog mula nang dumating ka galing Amerika.” “Mauna na kayo. Dito muna ako. I’m sure my parents would want me to stay a little longer. Matagal din kaming hindi nagkasama.” Pumatak ang ulan na nagpatingala sa kanya sa kalangitan. Nagulat pa siya nang bigla na lang umangat ang katawan niya. Iyon pala’y pinangko na siya ni Zen. “Put me down, Zen!” “No, you’re going home with us. Hindi ka namin iiwan dito.” Natahimik na lang siya. The warmth from Zen’s body was comforting her weary soul. His familiar scent gave her a little peace. She smiled bitterly. Her cold hand touched his face. He looked more mature now, more manly, more formal than he ever was before. Alam niyang marami pa ring naghahabol dito. Pero sa kaibuturan ng puso niya, alam niyang mahal niya ito sa totoong kahulugan ng salitang iyon. Hindi dahil guwapo ito, hindi dahil ito ang gusto ng mga magulang niya para sa kanya, kundi dahil si Zen ito. In her heart, she will cherish him forever. Noon at ngayon. Hindi ito kayang limutin ng puso at isipan niya. At ngayong malaking pagsubok ang pinagdadaanan niya ay kay Zen niya lang nararamdaman ang kapayapaan ng damdamin. “Zen,” ang huling sinambit niya bago siya nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD