Nag-iigtingan ang mga panga ni Zen habang tagusan ang tingin sa hawak na litrato ni Faustina noong bata pa ito at katabi siya sa duyang nasa likod-bahay ng mga ito. Nakangiti nang matamis ang batang si Faustina samantalang siya ay blangko ang ekspresyon.
Napabuntong-hininga siya at kinuha ang lahat ng pictures sa trash bin. Itinago niya ang mga iyon sa mga gamit niya.
Lumabas siya at hinanap ang dalaga. Nakita niya ito sa bakuran at nakapatong sa high stool, inaabot ang bunga ng Aratiles. Napahugot siya ng hangin at pinuno ang dibdib. Hindi pa rin pala ito nagbabago. Mahilig na talaga ito sa Aratiles noon pa man. Umaakyat pa ito ng puno para manguha ng bunga. Ilalagay nito iyon sa supot pagkatapos ay iiwan sa fridge para palamigin.
She may have forgotten his face but not the little things.
Nakuntento na siyang pagmasdan ito mula sa kinatatayuan. Binabantayan ito.
Tumingkayad si Fausta dahil hindi nito maabot ang sangay. Namilog ang mga mata ni Zen sapagkat kitang-kita niya ang pagdulas ng paa nito at ang paggewang ng high stool.
His heart pounded hard and fast. Inilang hakbang niya lang ang distansya niya sa dalaga at maagap na sinalo ang katawan nito.
Her soft body cradling in his arms felt warm and familiar. Tila napakatagal na panahon na ang lumipas mula nang huli niya itong mahawakan.
“Kuya, pakibaba na po ako,” anang dalaga.
Saka niya lang napansing nakahawak siya nang mahigpit sa baywang nito. Napatikhim siya at ibinaba ang dalaga.
“Salamat po, ah,” anito.
Tumango siya. “Okay ka lang ba? Wala ka bang galos? Ang bukung-bukong mo hindi naman ba napuwersa?”
She looked down, and checked her ankles. Then she smiled up at him. Ngiting lalong nagpabilis sa t***k ng puso niya.
“Luckily, I’m not hurt. Thanks to you.”
“Fausta? Ano ang nangyayari rito?” tanong ni Sebastien.
Napatingin siya sa binata. Hindi niya alam kung nasaan ito kanina pero ngayon lang ito sumulpot. Paano pala kung hindi siya nakabantay kay Faustina? Nahulog na siguro ito.
“Muntik na akong mahulog sa upuan. Mabuti na lang at sinalo ako ni kuya.”
Pinasadahan siya ng nanunukat na tingin ni Sebastien. “Salamat,” matabang nitong sabi, walang emosyon. “Ako na ang bahala kay Faustina. Get back to work.”
Zen clenched his fists so tight that his knuckles turned white. Gustung-gusto niyang basagin ang pagmumukha ni Seb sa totoo lang. Pero hindi niya gagawin. Alang-alang kay Fausta.
“Hmmm,” was his flat reply before he walked away. Nakakailang hakbang palang siya nang lingunin niya si Faustina at humapdi lang ang dibdib niya sa nakita. She was smiling sweetly at Seb while he was asking her if she was hurt.
Para lang sa kanya ang mga ngiting iyon noon.
Pero hindi na ngayon. Nagbago na ang lahat.
_____
PALAKAD-LAKAD si Zen sa loob ng inookupa niyang silid. Hindi siya mapakali. Gusto niyang malaman kung may relasyon na ba sina Sebastien at Fausta. Alam niyang ang pakay niya sa pagtungo sa Santa Catalina ay para humingi ng tawad sa paraang alam niya dahil hindi naman siya nakikilala ng dalaga. Ang sabi niya ay gusto niya lang pagsilbihan ito pero kumukontra ang puso niya. Hindi na simpleng pagserbisyo o paghingi lang ng tawad ang gusto niya ngayon.
He flinched when his phone suddenly rang. Naudlot tuloy ang paglalayag ng diwa niya.
Mother calling…
“Ma?” sagot niya.
“Kumusta ka na riyan, hijo?”
“I’m good.”
Napabuntong-hininga ang ginang. “Pasensya ka na kung hindi pa kami makakasunod diyan ng Papa mo. Nagkaroon kasi ng problema sa opisina.”
“It’s okay, Ma. Ang totoo ay balak ko na sanang tumawag para sabihing huwag na kayong sumunod dito. Maayos naman ako rito. Wala kayong dapat na ipag-alala. At isa pa, Ma, matanda na ako. I can handle things here.”
Nagbuga ng hangin ang ina niya at dumaan ang sandaling katahimikan.
“How’s Faustina?” tanong nito kapagkuwan.
“She’s fine, Ma. Maliban sa hindi niya pa rin ako makilala ay maayos naman ang pangkalahatang kundisyon niya.”
“That’s good.”
Then there was that awkward silence again. Napaungol na siya. “May sasabihin pa ba kayo, Ma? Kung wala na ay—”
“Actually, there’s something I’ve been meaning to ask you.”
Napalunok si Zen. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan. “A-ano iyon?”
“Did you just realize that you’re in love with her?”
He tensed. Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon mula sa kanyang ina. But the tightening in his chest just answered the question.
Dinig na dinig niya ang sunud-sunod na paghugot ng hangin ni Zelaida sa kabilang linya. “Faustina has changed a lot since the accident, Zen. Mukha at boses mo lang ang nakalimutan niya pero hindi ang buong ikaw. Pero mula noong aksidente ay hindi na siya nagtanong pa tungkol sa iyo.”
“Alam ko, Ma,” mahina niyang sambit. He had lost her. Alam niya iyon.
“Maybe it’s better this way, hijo. Hindi siguro talaga kayo ang para sa isa’t—”
“Ma, matagal na panahon siyang naghabol sa akin. Matagal na panahon siyang nagtiis. Matagal na panahon siyang hindi sumuko. I think it’s about time that I do the chasing.” He sighed, feeling the agonizing pain in his chest.
“Ano ang gusto mong sabihin, Zenandro?”
“Huwag n’yong ibaon sa storage ang traje de boda. One day, I’ll make her wear it on our wedding day.”
_____
NAUDLOT ang akmang paghakbang ni Faustina sa kanyang silid nang pagbukas niya sa pinto ay nakita niya ang isang tangkay ng pulang rosas sa ibabaw ng kanyang kama. Dahan-dahan siyang humakbang at tumunghay sa pulang rosas. May nakataob na litrato katabi ng bulaklak na may maikling mensahe sa likod.
Inabot niya ang litrato at binasa ang mensahe.
“I am a worthless beast and I don’t deserve you. You’ve only known pain when you were with me. But I have decided to become vulnerable for you now. I am prepared to be hurt and rejected. I won’t be guarding my heart, you can break it. But please, allow this beast to love you.”
Natameme si Faustina. Suddenly, she didn’t want to flip the photo card anymore. Kinakabahan siya. Parang alam na niya kung kaninong mukha ang makikita niya.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at nagdesisyong tignan na kung kaninong litrato iyon.
And she was right.
It was Zen’s.