Wala sa loob na napatingin si Faustina sa origami swan na naka-display sa kanyang dressing table katabi ng opaline glass vase, habang sinusuklay niya ang mahabang buhok.
Napabuntong-hininga siya at ibinaba ang suklay saka matiim na tinitigan ang bagay na nasa harapan niya. The origami swan reminded her so much of how time flied so fast. Bata pa siya nang ibigay sa kanya iyon ni Sebastien. Maraming taon na ang lumipas. Pinapaalala rin niyon sa kanya ang nasayang na oras na inialay niya sa kababatang si Zen.
Umasa siyang lumipas man ang panahon, kahit na may humadlang pa, ay sila pa rin ang magkakatuluyan. Kaya kahit umibig si Zen kay Sari ay patuloy pa ring umasa ang puso niya.
She had lost count of the number of times he had hurt her. Pero ang binata rin ang nagbigay sa kanya ng lakas noong pumanaw ang mga magulang niya. Hindi niya akalaing ito rin ang dudurog sa kanya.
Kinapa niya ang dibdib at binalikan sa isipan ang mga pagkakataong halos magmakaawa siyang mahalin din siya nito.
Her one-sided love was never good for her.
She thought about those times when she was chasing him senseless. To him, she was no better than a trash. Hindi man lang siya nito binigyan ng pagkakataong ipakita na maaari siyang maging karapat-dapat sa pagmamahal nito.
Mula pagkabata ay itinanim na sa isipan niya na sila ang magkakatuluyan. She thought she was lucky because she was in love with the person her family chose for her.
Pero ang taong iyon ay ayaw sa kanya.
Mas pinili pa nito ang babaeng huli nang dumating sa buhay nila. Ito pa ang minahal nito nang labis. At ang babaeng iyon din ang dahilan kung bakit sinaktan siya nito at kung bakit muntik nang gumuho ang mundo niya.
Zenandro chose to hurt her when all she did was love him.
Ang kasalanan niya lang ay minahal niya ito nang sobra at wala na siyang itinira sa sarili niya. Nabulag siya sa igting at rubdob ng pag-ibig niya para rito.
Dati ay galit na galit siya kapag naiisip niya si Sari. Ngayon ay wala na siyang maramdaman. Siguro ay natanggap na niyang hindi sila para sa isa’t isa ni Zenandro. Na kahit ano pa ang gawin niya ay hindi siya ang pipiliin nito.
Kapag naiisip niya ito ngayon, naiisip na lang niya ang lalaking minahal niya noon pero hindi na ang damdaming iniukol niya rito.
She has finally learned to really let go.
Sa paglipas ng mga araw ay naliwanagan na siya kung sino ang taong hindi umalis sa tabi niya… si Sebastien.
Noon pa man sa Amerika ay pinahalagahan na siya nito. Nang mga panahong napakaliit ng tingin niya sa sarili niya ay inalagaan siya nito. Lagi itong naroroon kapag kailangan niya ito.
Napabuntong-hininga si Faustina.
Totoo palang nagbabago ang pintig ng puso.
Sigurado siya, wala na sa puso niya si Zen.
He will be nothing more than just a memory of her first love. Lucky for those who ended up marrying their first love and had stayed together until death. In her case, her first love may be her first kiss and the first man in her life but that's just it. The first that will never belong to her. The man that will never put a ring around her finger. And the man that will never call her his wife.
Ang tagal bago siya tuluyang nagising sa katotohanan.
Binuksan niya ang drawer at kinuha ang isang kahon. Naglalaman iyon ng mga litrato nila ni Zen mula pagkabata. May mga papel din doong sinulatan niya ng pangalan niyang kinabitan ng apelido ni Zenandro.
Faustina Montemayor – Montaner…
Napangiti siya sa Faustinang sumulat noon. Kung magagawa niya lang bumalik sa nakaraan ay kakausapin niya ang kanyang sarili at sasabihin ditong kahit na ano'ng gawin niya ay hinding-hindi siya mamahalin ni Zen, nang sa gayun ay hindi masayang ang mga araw, buwan, at taon.
Kinuha niya ang lahat ng laman ng kahon at itinapon sa trash bin. Hindi na niya kailangan ang mga iyon. Wala nang puwang si Zen sa puso niya.
_____
KULANG ang sabihing nagsikip ang dibdib ni Zen nang makita niya mismo ang ginawang pagtapon ni Fausta sa mga litrato nila. Walang panghihinayang sa ekspresyong nakasungaw sa mukha nito. If anything, she looked satisfied.
Nagkataon lang na nasa pasilyo siya at nang mapadaan sa silid ng dalaga at awtomatikong dumako ang tingin sa loob ng kuwarto nito ay husto namang pagtapon nito sa mga litrato.
Hindi siya nito napansin. Marahil nga ay hindi nito alam na naiwan nitong nakaawang ang pinto.
Tumayo si Fausta at kumuha ng vase. It’s an upside-down glass vase supported by a small wooden base. Sa loob niyon nito maingat na nilagay ang origami swan.
His heart ached so bad as if something huge has swooped in and ruined his whole world…
Isa lang kasi ang ibig sabihin ng aktuwasyon nito—that she was no longer in love with him.
Bakit ganito ang nangyayari sa kanila ni Faustina?
Noong mahal siya nito, hindi niya ito mahal. Ngayong hindi na siya nito mahal, saka naman niya napagtantong mahal na niya ito.
Tumingala siya sa itaas at mapait na ngumiti. Ito ba ang paraan ng langit para parusahan siya sa mga nagawa niyang kalupitan kay Faustina? He refused to show her mercy when she needed it the most. Ngayon naman ay siya ang humihingi ng awa at pangalawang pagkakataon.
But fate was so cruel to him.
Sa harapan niya mismo, ipinakita sa kanyang natutuhan na ni Fausta na umibig sa iba.
Kailangang may gawin siya. Huminga siya nang malalim at pinuno ng hangin ang dibdib. Kumatok siya sa pinto para ipabatid dito ang presensya niya.
Tumingin naman ito sa kanya. “Hi!” nakangiti nitong sambit. “May kailangan ka?”
The muscle in his jaw flexed as he watched her intently. Kumuyom ang mga kamay niya dahil wala siyang maapuhap sabihin. Napayuko siya at idiniin ang pagkakakuyom.
“Kuya? Okay ka lang?”
She cannot recognize me… Bakit? Kailan uli ako maaalala ng puso at isipan mo, Fausta?
“Kuya, nandito ka na rin lang, puwede bang humingi ng pabor? Pakitapon naman sa labas nitong basura. Salamat.”
Garbage, he thought painfully. Something worthless and useless. Something wasted.
Ganoon nga.
Basura siya dahil sinayang niya lang ang pag-ibig ni Faustina para sa kanya.