Malakas na suntok ang sumalubong kay Zen pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto. Nag-aapoy ang mga mata ni Sebastien at hinila siya mula sa pagkakasubsob at muling sinuntok. Putok ang labi niya. Idinampi niya ang daliri sa sugat at tinaasan lang ng kilay si Seb, as if he didn't care at all.
Nang iangat muli ni Seb ang kamao ay marahas na niya iyong nasalo at iwinasiwas iyon nang malakas. He would not let the man punch him again. Madilim na madilim ang mukha niya. He pushed Seb so hard that his back hit the wall. “What the f*ck is your problem?” malagom ang boses niyang tanong.
Puno ng pagkasuya ang tawang kumawala sa labi ni Seb. “Hindi na namin kailangan ng houseboy. Magbalot ka na at umalis ngayong araw din mismo! Ayoko nang makita ang pagmumukha mo!”
He raised his brows--half-amazed, half-annoyed. “I am not afraid of you, Seb. Alam mo iyan. At kung ayaw kong umalis, wala kang magagawa.”
Tumiim-bagang ang lalaki. “Ano ba talaga ang plano mo, ha? Why did you put this f*cking picture of yours on her bed? At may rosas pa talaga? You are an arseh*le! Bakit isinisiksik mo ngayon ang sarili mo kay Faustina? She’s mine now!”
“Show me your marriage certificate and I’ll stop chasing her.”
Lalong nag-igting ang galit ni Sebastien. “Ibang klase ka rin. So, may plano ka palang talaga. Maghintay ka lang, magiging asawa ko rin si Faustina. Kapag dumating ang araw na iyon, pagtatawanan kita.” Pinunit nito ang litrato niya at inihagis sa kanyang harapan. “You think by giving this picture to her, makikilala na niya ang mukha mo? Yes, nakikita niya ang mukha mo sa litrato pero sa litrato lang. Huwag ka nang umasa nang higit pa d'un.”
Umigkas ang isang sulok ng labi niya para sa isang nang-uuyam na ngiti. It was obvious that Seb was afraid of him. Natatakot itong maagaw niya si Faustina. “Iyan ang ikinakatakot mo? Dahil nakikilala niya ang mukha ko sa litrato?” He tsked. “That’s a good start.” Tumuwid siya ng tayo at nakipagtagisan ng tingin kay Sebastien.
Zen was more intimidating. He had the more commanding presence. Mula pagkabata ay malimit nang komento sa kanya na malakas ang aura niya. The kind of man that would make you cower without even opening his mouth.
“Kilala mo kung sino ako, Seb. Nobody was ever brave enough to act like you just did. Palalampasin ko ang ginawa mo sa akin ngayon. But don’t you dare touch me again, I’m warning you.” The glint in his eyes was cruel. Nilampasan niya si Seb at iiwan na sana ito nang may maalala siya. “I have decided to love Faustina with all my heart. Nakahanda akong masaktan, Seb. If I have to wait forever, I will. For Fausta. I am not going anywhere.”
_____
TAGUSAN ang tingin ni Faustina sa kisame ng kanyang silid. Hindi niya maalis-alis sa isipan ang rosas, ang litrato at ang mensahe na galing kay Zen. Pinakiramdaman niya ang sarili. Her heart wasn’t beating fast for Zen anymore. Wala siyang may maramdaman kung tutuusin. If anything, she was confused.
Her heart had began to acknowledge Sebastien. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit biglang nagparamdam si Zenandro.
Pagod na siya kay Zen. Takot na ang puso niya.
Tumayo siya at naihilamos ang mga palad sa mukha saka bumangon at lumapit sa pinto para bumaba ng kusina. Hindi siya makatulog at gusto niyang uminom ng mainit na gatas.
Pagbukas niya ng pinto ay napasinghap siya. A half-naked man was standing in front of her. He had a sturdy, muscular physique. The muscles on his abdomen were too defined they were almost unreal. And the s*x lines on his lower abs were showing just enough to tease the imagination.
“Ma’am, gatas n’yo po,” anito.
Napatingala siya sa lalaki. Gusto niyang sabihing ang hardinero ito, o ang ibang katulong nila sa bahay, pero pamilyar sa kanya ang pabangong gamit ng lalaki. Napuna na niya iyon nitong nakaraang mga araw pero ngayon niya lang napagtuunan ng pansin.
“W-who are you?”
“I’m Noah,” tipid nitong sambit. His answer was straight, suggesting that he didn't want to say anything more.
His voice was also so manly. Parang kilala niya pero hindi matukoy ng kanyang utak.
Nasapo niya ang sentido nang biglang kumirot iyon. Tila nawalan siya ng lakas at nawalan ng balanse. The man was quick though. Hinawakan nito ang siko niya para huwag siyang matumba. Ang mga palad naman niya ay hindi sinasadyang dumampi sa dibdib ng lalaki.
His warmth was also familiar and the familiarity she felt wasn’t helping her. Lalo lang sumakit ang ulo niya. Gayunman ay hindi niya maalis ang titig sa mukha ng lalaking hindi niya makilala. “Kilala ba kita?” tanong niya kahit na iniinda niya ang lumalalang sakit ng kanyang ulo.
“I’m Noah,” ulit lang nito. Inilapag nito sa lamesitang nasa labas ng silid ang baso ng gatas.
“My head. It hurts so bad,” daing niya at tuluyan nang nawalan ng lakas.
“Ma’am!” Hinawakan siya nang mahigpit ng lalaki. Walang pagdadalawang isip siya nitong pinangko at dinala sa loob ng kuwarto niya at pinahiga sa kanyang kama.
Nang ipikit niya ang mga mata ay niyugyog siya sa balikat ng binata. “Faustina! What’s happening to you? Don’t do this, please. I’ll call the doctor!”
Dinig niya ang pagkabahala sa boses nito. Ang paraan nito ng pagsasalita at kahit na ang mga katagang nanulas sa labi nito ay nagsasabing hindi ito simpleng houseboy lang, o hardinero, o kung ano pa man. At tinawag siya nitong Faustina na tila ba normal na rito ang sambitin ang pangalan niya.
“Jesus Christ, don’t scare me, please. Faustina!”
Iminulat niya ang mga mata.
“I know you’re not Noah.”