CHAPTER 5

1113 Words
“What’s wrong, Ma?” tanong ni Zen sa ina nang makitang bitbit nito palabas ng silid ni Fausta ang tray ng halos hindi nagalaw na pagkain. “Shush, babaan mo ang boses mo. Baka marinig ka ni Fausta.” Sa kanila muna manunuluyan ang dalaga para maalagaan nila itong mabuti. She was an only child and losing her parents was too devastating for her. Dahil ibig sabihin niyon ay ulila na ito at nag-iisa na lang. Wala rin itong malapit na kamag-anak. Ang pamilya na lang nila ang puwedeng magmalasakit dito. “She didn’t eat again, did she?” tanong niya. Malungkot na umiling ang ginang. “Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nag-aalala na kami ng Papa mo sa kundisyon ni Fausta.” Bumuntong-hininga siya. He was hesitant to come near Fausta often. Baka kasi isipin ng dalaga na inuudyukan niya itong ipagpatuloy kung ano man ang damdamin nito para sa kanya. Pero wala siyang pagpipilian ngayon. Lumapit siya sa ina at kinuha ang tray dito. “Let me try, Ma. Baka makumbinsi ko siyang kumain na.” Umaliwalas ang mukha ni Zelaida. “Please, hijo. Salamat.” Bumaba na ito at iniwan siyang mag-isa sa harapan ng silid ni Fausta. Kumatok muna siya bago binuksan ang pinto. Nakahiga patagilid ang dalaga at nakaharap sa pader. Inilapag niya sa bedside table ang tray at naupo sa gilid ng kama. “I’m not really hungry, Tita,” mahina nitong sambit. “Hindi puwedeng palagi na lang walang laman ang tiyan mo. Come on, bumangon ka, kakain ka ngayon.” Marahas itong napaharap sa kanya. Gulat na gulat ito at titig na titig sa kanyang mukha. “A-ano’ng ginagawa mo rito?” “You need to eat.” He held her shoulders and pulled her up. Inayos niya ang unan sa headboard at pinasandal doon si Fausta. Kinuha niya ang sopas at hinipan iyon saka inilapit ang kutsara sa labi nito. “Why are you doing this, Zen?” Nag-ulap agad ang mga mata nito. “Huwag kang iiyak diyan. Baka isipin ni Mama na inaway na naman kita,” he half-joked. Saka isinubo na rito ang sopas. Sunud-sunod na ang ginawang pagsubo ni Fausta. And from the start to end, her eyes were on his face. Naiilang siya pero hinayaan na lang niya ito. He couldn’t afford to offend her now especially that she was so close to breaking down. Nagulat na lang siya nang abutin nito ang kamay niya at pisilin. “Thank you, Zen. Hindi ko alam kung kakayanin ko kung wala ka…” Tumango lang siya. “Magpalakas ka, Fausta.” _____ SIMULA nang araw na iyon ay ayaw nang kumain ni Fausta kung hindi siya ang kasalo. Nagtatampo na si Sari dahil kinakain ni Fausta ang oras niya. Pero naaawa siya kay Fausta. Sa kanya ito kumukuha ng lakas ng loob. Kaunting panahon pa at kakausapin na niya nang masinsinan si Fausta para sabihin ditong hindi sa lahat ng oras ay nasa tabi siya nito. Mga katok sa silid niya ang pumukaw sa paglalayag ng diwa niya. He stood up and opened the door. Si Fausta ang napagbuksan niya. “I want to bake. Magpapasama sana ako sa iyong mamili ng mga gagamitin ko.” She was looking straight into his eyes. Nagniningning ang mga mata nito. Gusto niyang tumanggi pero naisip niyang makabubuti rito ang may mapaglibangan para hindi nito naiisip ang nangyari sa mga magulang. “Sure, magbibihis lang ako.” “Puwede bang diyan na kita hintayin sa loob ng silid mo?” Kumunot ang noo niya. “Sige, pasok ka.” Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto at pinapasok ang dalaga. “Make yourself comfortable.” Kumuha siya ng damit sa tokador at dumerecho sa banyo. Paglabas niya ay wala na si Fausta sa silid niya pero nakita niya ang punit na litrato nila ng nobya sa ibabaw ng kama. He sighed. How can I make you understand that I will never be in love with you, Fausta? bulong niya sa kawalan. Kinalap niya ang napunit na litrato at itinago sa drawer. Gusto niyang magalit kay Fausta pero baka kung ano pa ang mangyari rito kaya pinabayaan na lang niya. Mayamaya ay may kumatok ulit sa silid niya. Bago pa niya mabuksan iyon ay sumungaw na ang ulo ni Fausta. “Galit ka ba sa akin?” “I should be.” “S-sorry. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Can I still come in?” Humugot siya ng malalim na paghinga. “Pasok ka.” Nakayuko ito. But he could still see her cheeks. They were red. Naupo ito sa gilid ng kama niya. “Sasamahan mo pa rin ba ako kahit na… kahit na pinunit ko ang picture n’yo ni Sari?” He wanted to say no, but he pitied her. “Iyan na ba ang isusuot mo?” Napatingala ito sa kanyang mukha. “Oo.” “Then let’s go.” _____ SA biglaang pagkawala ng kanyang mga magulang ay si Zen na lang ang nagbibigay ilaw sa madilim niyang mundo. Si Zen na lang ang dahilan kung bakit nagpapatuloy pa siya. Mas lalo pa niya itong minahal. Mas lalong umigting ang pagnanais niyang maangkin ang lahat-lahat dito. Si Zen lang ang gusto niyang makasama habambuhay. Kaya wala siyang pakialam kung may girlfriend man ito. Sa kanya ito ipinagkasundo kaya sa kanya ito ikakasal. Parang kailan lang siya dumating sa bahay ng mga ito, ngayon ay magdadalawang buwan na siya sa mga Montaner. Habang namimili sila ng mga itlog at harina ay hindi niya mapigilang pagmasdan ang binata. Her whole being was so in love with him. Hindi ito kayang kalimutan ng puso niya. Hindi siya papayag. Gusto niyang habambuhay na nakatatak sa puso at isipan niya ang binata. Kahit na marami ang nagtangkang manligaw sa kanya ay wala siyang pinansin sa mga ito. Some were even really good looking guys. One, in the US, was even really persistent. Mayaman ang pamilya nito at kilala nito ang mga magulang niya. Ang sabi nito, noong maliliit pa sila ay makailang beses din daw na dumalaw ang mga ito sa bahay nila sa probinsya dahil sa negosyo. Binigyan pa raw siya nito ng origami swan para ipaalala sa kanya ang pangalan nito… Sebastien. And yes, she remembered the origami swan. Naka-display iyon sa kuwarto niya sa probinsya. Nakakatuwang nagkita sila nang hindi sinasadya sa Amerika ng taong nagbigay sa kanya ng origima swan noong bata pa siya. If she wasn’t in love with Zen, she would have said yes to Sebastien.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD