CHAPTER 6

1438 Words
“Fausta?” untag ni Zen kay Fausta. “Ha?” Napakurap-kurap siya. Ang layo na ng narating ng isipan niya. Saglit niyang nakalimutang namimili nga pala sila ni Zen ng mga gagamitin niya sa pag-bake. “You’re spacing out. Ano ba ang iniisip mo?” “W-wala. Tapos na ba tayo rito?” “Yes. I think we’re good here. Let’s go home.” Hinawakan niya sa kamay ang binata at tumingin sa mga mata nito. “N-nagugutom ako. Puwede bang kumain muna tayo bago umuwi?” Ang totoo’y busog siya pero gusto niya lang makasama si Zen. She wanted to fantasize that she was on a date with him. Bumakas ang pagtutol sa mukha nito pero hindi nito magawang sambitin iyon. Sa ilang buwan niyang pananatili sa mga Montaner ay halos kabisado na niya ang ibig sabihin ng mga ekspresyon ni Zen. Hindi nito gusto ang ginagawa pero napipilitan ito. And she was taking advantage of the situation. “Alright. Saan mo ba gustong kumain?” “Kahit saan mo gusto.” “Okay, tara.” Dinala siya ni Zen sa Beziera. Kaibigan daw nito ang may-ari niyon. “The salpicao here is really good. You should try it.” “Sige.” Ang pinakasamasarap na salpicao na natikman niya ay luto ni Sebastien. “The man who owns this resto is really awesome. Mga bata palang kami ay magkakilala na kami. His family used to visit ours in the province. Kailangan ay makilala mo siya. He’s single.” Nabura ang ngiti sa labi niya sa sinabi nito. Bakit pakiramdam niya ay sinasabi nitong baka magustuhan niya ang kaibigan nito? She chewed on her inside cheek when she felt that tiny prick in her heart. Ano ba ang hinahanap ni Zen na hindi nito makita sa kanya? She was prettier than Sari. Mas matalino rin siya, mas mayaman. Mas malapit ang pamilya nila sa pamilya nito pero bakit ayaw nito sa kanya? Tila nanigas ang kamay niya at kahit na nang dumating ang in-order nila ay hindi niya magawang galawin iyon. “What’s wrong? Try it. Masarap iyan.” Nagulat siya nang biglang dinampot ng kung sino ang tinidor at kutsilyo saka hiniwa ang karne sa plato niya. “She wants her meat cut into tiny slices,” anang pamilyar na boses. Napatingin siya sa nagsalita. “Sebastien?” Hindi niya inaasahang makikita niya ito sa lugar na iyon. Ang buong akala niya ay nasa Amerika pa ito. Ngumiti ito at hinaplos ang pisngi niya. “If you had told me that you will be dining in today, I would have prepared a bouquet of roses for you.” “Sebastien?” sambit din ni Zen sa pangalan ng lalaki. “Zen? Oh heck, ikaw ba iyan?” “Yes! You…” Tumingin muna sa mukha niya si Zen bago muling tumingin kay Sebastien. “You know each other?” “Of course! I am one of Fausta’s many suitors in the US. I still am.” He gazed at her lovingly. Bago muling ibinalik ang tingin sa binata. “Hindi ko inaasahang makikita ka rito. The last time you were here, kasama mo ang girlfriend mo. What’s her name again? Sofie?” Lumapit si Sebastien at tinapik si Zen sa balikat. Nag-iwas siya ng tingin at nakita niya, sa gilid ng kanyang mga mata, na tumingin sa kanya si Zen bago ito sumagot. “Sari. Her name’s Sari.” “Oh, yes! Sari. Tama.” Tumingin din sa kanya si Sebastien. Wala itong kaalam-alam na si Zen ang dahilan kung bakit hindi niya mabuksan ang puso niya rito. “Bakit magkasama kayo ni Faustina?” “We’re engaged,” mabilis niyang sabi. “What?” Nabura ang ngiti sa labi ni Sebastien. “No, it's not true. Magkaibigan lang kami. Sinamahan ko siyang bumili ng mga gagamitin sa pag-bake.” Her chest hurt instantly. Napayuko siya at sumubo ng karne. The pain was like poison, flowing in all parts of her body. Masakit na masakit. Humapdi na ang lalamunan niya sa pagpipigil na umiyak. “Fausta, you’re baking? I’m glad. Ako ang nagmungkahi sa iyong subukan ang pag-bake, 'di ba?” Lumipad ang tingin ni Zen sa kanya. May kung ano sa mga mata nito na hindi niya matukoy. “Seb, we need to go,” anito. “Hindi pa tapos kumain si Fausta. Alam mo bang paborito niya ang salpicao ko?” “Okay then. Fausta, dito ka na muna. Ihahatid ka naman siguro ni Seb mamaya. Magkakilala naman pala kayo, eh.” Tumayo siya. “Sabay na tayo ngayon.” “No, you stay here, pupuntahan ko pa si Sari.” Her hands trembled. Gumuhit ang sakit sa mga mata niya dahil sa sinabi nito. Paano ba niya makukuha si Zen mula kay Sari? _____ NANGINGINIG pa rin si Fausta kahit na nasa bahay na siya ng mga Montaner. Pumasok siya sa kanyang silid at sumiksik sa isang sulok. Her anxiety was really bad. Hindi naman siya dating ganoon. After her parents died, nagbago na siya. Nawalan na siya ng kumpyansa sa sarili. She felt like nothing was sure in her life now. Mariin siyang napapikit. Pabalik-balik sa isipan niya ang imahe nina Zen at Sari na magkasama. “Akin lang si Zen,” paulit-ulit niyang sambit. “Kailangang maikasal na kami.” Tumayo siya at pumasok ng banyo. Kinuyom niya ang mga kamay at humugot ng malalim na paghinga. “Calm down, Fausta,” aniya sa sarili. Naghubad siya at nagshower. Matagal. Nagbihis siya. Pinili niya ang pinakamaganda niyang bestida. A white off-shoulder dress. Hinayaan niya lang na nakalugay ang buhok na tinuyo niya gamit ang blower. Nag-apply siya nang kaunting make up bago bumaba ng komedor. Nadatnan niyang nakahanda na ang mga pagkain sa hapag para sa hapunan. “Hija, mabuti at nandito ka na, ipapatawag na dapat kita kay Manang,” ani Zelaida. Naupo siya. “Si Zen po?” “Pauwi na.” Tumango siya. “Tita, I’d like to discuss something with you and Tito.” Her hands trembled again. Kaya ibinaba niya ang kamay at mahigpit na pinagsalikop. “What is it, hija?” tanong ng ama ni Zen. “Before I went to the US, my dad said that when I’m twenty and I finish my degree, Zen and I will get married. Twenty na po ako ngayon at natapos ko na rin ang kurso ko sa Amerika. Gusto ko sanang pag-usapan na ang kasal namin ni Zen.” Nagpalitan ng tingin ang mag-asawa. “Mahal mo talaga ang anak namin, Faustina?” Si Zelaida. “Yes, I never stopped loving him. Kahit nasa Amerika ako ay siya ang lagi kong iniisip.” Napabuntong-hininga ang ginang. “Kakausapin namin si Zenandro tungkol dito, hija.” “Zen does not want me, Tita!” Tumayo siya at nag-iinit ang mga matang tumingin sa mag-asawa. “I want him! I want to marry him! If my parents were alive, we would have been married already. Nangako si Daddy sa akin.” She was almost hysterical. “And you told me. You told me that when I’m big enough, I will become Zen’s wife. Sabi mo bantayan ko si Zen para walang ibang umagaw sa kanya.” “Hija, calm down,” anang ama ni Zen. Tinapik ito sa balikat ni Zelaida. “This is all my fault, hon.” “Wala kang kasalanan, Ma,” anang malagom na boses. Mula sa pintuan ay pumasok ng komedor si Zen. Madilim ang mukha nito at matalim ang pagkakatitig sa kanya. “Zen!” anas niya. “Walang kasalanan ang Mama. Because I was honest to you from the very beginning. Sinabihan na kitang hindi ikaw ang babaeng pakakasalan ko. I never did anything to encourage you, Faustina.” “But you took care of me!” sigaw niya, dumaloy na ang masaganang luha sa kanyang mga mata. “I took care of you because you need us… you need me. Pero hindi ibig sabihin niyon ay gusto na kitang mapangasawa. I have already found the one for me, Fausta, at hindi ikaw iyon.” Sumakit ang dibdib niya. The trembling intensified. She paled and suddenly she couldn’t breathe. “I will never give up, Zen!” Pagkasabi niyon ay tumakbo na siya para sana’y bumalik sa kanyang silid pero hindi pa man siya nakakalayo ay bumagsak na siya at nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD