CHAPTER 7

1275 Words
Hindi tumigil sa pagwawala sa ospital si Fausta. She wanted to see Zen. Pero pinagbawalan na siyang makita ang binata. O mas tamang sabihing ito mismo ang umiwas na sa kanya. Her heart ached everyday. Si Sebastien ang laging naroroon sa tabi niya. He visited her every single day. Minsan ay kasama nito si Iwa na nakauwi na ring Pilipinas at si Tally. Pero wala siyang kinakausap sa mga ito. She would only stare at the ceiling or the window. Kung hindi siya nagwawala ay nakatulala lang siya. “Fausta, why are you doing this to yourself? Pinapahirapan mo ang sarili mo. And for what? For that man? He is not even worth it.” Pinisil ni Sebastien ang kamay niya. Tinignan niya lang ang binata pero hindi siya nagsalita. Maputlang-maputla ang mukha niya at halos hindi siya kumakain. Kung hindi sa mga suwerong nakakabit sa kanya ay baka bumagsak na ang katawan niya. “Let me help you, Fausta.” She opened her mouth. “Get out.” “Fausta?” “I said get out! I don’t need you! Hindi ko kayo kailangan! Si Zen lang ang kailangan ko!” Humagulhol siya at kahit na nagpumiglas siya ay mahigpit pa rin siyang niyakap ni Sebastien. Hanggang sa mapagod na siya at huminto sa pagpupumiglas. Nang dumako ang mga mata niya sa pinto ay nakita niya si Zen. Walang ekspresyon ang mukha nito at tahimik lang nitong kinabig pasara ang pinto. “Zen, sandali!” “Fausta, hindi ka pupuntahan ni Zen dito.” “No, I saw him! I saw him just now. He came to see me!” She pulled out her IV. Kaya hinawakan ni Sebastien ang dalawa niyang kamay. Pinindot nito ang buzzer para kuhanin ang atensyon ng nurse sa station. Hindi naglipat minuto ay pumasok na ang dalawang babaeng nakauniporme ng puti. May itinurok ang mga ito sa kanya. Bigla siyang nakaramdam ng pagkaantok. “Sleep well, Fausta. Don’t cry anymore…” bulong ni Sebastien sa kanya. _____ HABANG nakatitig sa pader ay napaigtad si Fausta nang isang may edad na lalaki ang pumasok sa silid niya. “Sino ka?” “Feliciano Montaner.” Feliciano? It rang a bell in her head. Pamilyar din sa kanya ang mukha nito. Naupo ito sa couch at tiningnan ang kabuuan ng kuwartong inookupa niya sa ospital. “I’m Zen’s uncle.” Tumaas ang kilay niya. “Maniwala ka man o hindi, naiitindihan ko ang nararamdaman mo. Nagmahal din ako dati at hindi rin ako ang pinili ng babaeng inibig ko. For the longest time, I was in love with Leon’s mother.” “Bakit sinasabi mo sa akin ito?” “Dahil gusto kitang payuhan. Ipaglaban mo ang damdamin mo para sa pamangkin ko. You’re still young, may pag-asa ka pa. Gawin mo ang lahat.” Ngumisi ito at tumayo na. “Pag-isipan mong mabuti.” Kahit na nakaalis na si Feliciano Montaner ay hindi pa rin kumikibo si Fausta. Naalala na niya ito. Nakita niya ang mga litrato nito sa bahay ng mga Montaner. He was the blacksheep of the family. But why would he encourage her? Mukha itong hindi gagawa ng mabuti. Naguguluhan siya at gusto niyang mag-isip. Nagawang pumuslit ni Fausta sa mga doktor at nurses. Umakyat siya ng roof top. Minasdan niya ang ilaw mula sa mga gusali. Minasdan niya ang madilim na kalangitan. But she wasn’t planning on killing herself. Kahit na lugmok na lugmok siya ay may takot pa rin naman siya sa Diyos. “Fausta, huwag kang tatalon!” Si Sari ang nalingunan niya. Agad siyang nanginig nang makita ito. “Leave me alone!” “Hindi puwede, nandito ako para kausapin ka nang maayos. Pero sana bumaba na muna tayo.” Iniisip nitong magpapakamatay siya. “Bakit ba kinakausap mo ako ngayon? Alam mo bang ayaw kitang makita?” “Alam ko. Pero sana pakinggan mo lang ako.” “I already know that Zen proposed to you. Alam ko nang ikakasal kayo. Nandito ka ba para ibigay sa akin ang imbitasyon sa kasal n’yo? Don’t worry, pupunta ako dahil ako ang tututol sa kasal n’yo.” Huminga nang malalim si Sari. “Fausta, sana maging masaya ka na lang para kay Zen. If you truly love him, you will set him free. Kung mahal mo talaga siya, dapat ay maging maligaya ka na lang para sa kanya.” For Zen, she did so many awful things. Marami siyang inaway na babae mula grade school hanggang high school. She humiliated a few, na naging dahilan para tumigil sa pag-aaral ang mga ito. Lahat iyon ginawa niya para kay Zen. He’s not worth it… naalala niyang sabi ni Sebastien sa kanya. But she loved him. Mahal niya ito. They said her love for Zen wasn’t healthy for her anymore. Pero wala siyang pakialam. Nilampasan niya si Sari. Nasa gilid na siya ng hagdan nang pigilan siya nito. “Kalimutan mo na si Zen, Fausta.” Nag-init lalo ang ulo niya. Iwinasiwas niya ang kamay nito at humakbang pababa. Pero humabol pa ito sa kanya. Namali ito ng paghakbang at nawalan ng balanse. Mabilis ang mga pangyayari. Nakita na lang niyang nagpagulung-gulong na sa hagdan ang katawan ng dalaga. “Sari!” _____ “YOU killed her!” sigaw sa kanya ni Zen. Kakatapos lang ng libing ni Sari at magulung-magulo ang anyo ng binata. He was miserable and her heart ached for him. Gusto niya rin itong damayan kagaya ng ginawa nito sa kanya nang mawala ang mga magulang niya pero hindi siya makalapit lang man dito. Siya ang sinisisi nito sa pagkamatay ni Sari. Hindi ito naniniwalang aksidente ang nangyari. Hindi ito naniniwalang hindi niya rin gustong mahulog ang babae sa hagdan. “I did not kill her…” mahina niyang sambit. “You f*cking b*tch! Ngayon ka pa ba magsisinungaling? Kilalang-kilala kita. Alam kong kayang-kaya mong itulak sa hagdan si Sari!” They showed him the CCTV pero sarado ang utak nito. Para kay Zen, siya ang may kasalanan sa pagkamatay ni Sari. Napahagulhol siya kaya mahigpit siyang niyakap ni Sebastien. “I think you should move out, Fausta. Hindi makabubuti para sa inyong dalawa ang manatili sa iisang bahay.” “Pero gusto kong samahan si Zen…” “If you don’t move out, I will! Hindi ko kayang makasama ang babaeng hindi ko kayang patawarin! I will never forgive you, Faustina! Not even if you die and live again. Habambuhay kitang kasusuklaman!” “Zen, tama na iyan,” ani Zelaida. “Umalis ka na muna, Fausta,” anang ama nito. Kung aalis siya, saan siya titira? Wala siyang pamilya. She didn’t want to be alone. Mas lalong lumala ang anxiety niya. Sebastien felt that she was shaking. Napabuntong-hininga ito. “You can stay with me.” “Sebastien?” “I know you can’t be left alone… with your condition. Sa akin ka tumira. Mababantayan kita.” Mahina lang ang pagkakasabi ng binata. Halos pabulong lang. Silang dalawa lang ang nakakarinig. “H-how did you know?” “That you have anxiety disorder? I just know. Dahil mahalaga ka sa akin.” “But…” “Alam ko, Fausta. Hindi mo ako mahal. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa iyo. Gusto lang kitang tulungan.” Mabuti pa si Sebastien, alam nito ang pinagdadaanan niya. Malungkot siyang tumingin kay Zen na nakatitig sa kawalan sa labas ng bintana. “Tara na, Seb.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD