Kahit na malayo na sa mga Montaner ay regular pa ring kinukumusta ni Fausta ang kalagayan ni Zen. Kinakausap niya pa rin ang mga magulang nito. A week after she left the Montaner’s, her anxiety intensified, so Seb convinced her to see a mental health specialist, and she did. Nakatulong iyon sa kanya. Pero hindi pa rin naalis sa isipan niya si Zen. Kahit ilang taon na ang lumipas ay nanatili pa rin sa puso niya ang binata.
Zen became the President and CEO of ZenCorp, an entertainment and media company. Ito ang humalili sa ama nang magretiro ito. Mula nang mawala si Sari ay hindi pa rin muling umiibig si Zen. And her stupid heart hoped that she would still be the one for him in the end. Hindi siya tumigil sa pagmamahal dito. Malapit man siya o malayo, palaging nasa puso niya ang binata.
“Did you know that your loverboy frequently visits Club Obtuse these days?” tanong sa kanya ni Tally, nakangisi ito. “He isn’t that innocent, you know. May dark side rin pala iyang lalaking gusto mong pakasalan.” Sinimsim nito ang in-order na frappe sa kilalang coffee shop kung saan sila kasalukuyang nagkakape.
Kulang ang sabihing nagulat siya. Kilala niya si Zen. Hindi ito ang tipo ng lalaking gugustuhin ang konsepto ng b**m. He wasn’t the type to get involve in bondage and discipline, dominance and submission, sadism and masochism. And Club Obtuse is one of the most exclusive b**m club in the world.
Ang mga dumadayo sa nasabing lugar ay sinasabing mga kilalang tao sa lipunan. And the club kept all their personal information private. Sa higpit ng seguridad ay walang makapuslit na paparazzi. Kaya kampante ang mga prokyano ng naturang club.
“Obviously, nag-iba na siya. And you know what, there’s more.”
Napatingin siya sa kaibigan. “Ano pa?”
“You know Atarah Ada? Ang anak ng senador? She likes Zen.”
Nanigas ang likod niya. Kilala niya si Atarah. The woman was famous. Nag-iisang anak din kasi ito ni Senator Ada. She was just like her.
“Gusto mo pa bang bakuran iyang lalaking ipinipilit mong mapangasawa kahit ayaw sa iyo? At kahit ilang taon na ang lumipas?” tanong ni Tally.
Umilap ang mga mata niya. Kinuha niya ang kape at dinala sa labi.
“Forget him. Forget Zen.”
“I can’t,” mahina niyang sambit.
“You’re hopeless. Well, whatever, if you're happy then I'm happy.”
Hopeless, yes. Ganoon nga siguro siya. Pathetic and hopeless. Maraming taon na ang lumipas pero nakikisawsaw pa rin siya sa buhay ng binata. Her heart refused to forget Zen. Ang tagal na niyang nagmamahal. The one-sided love has to end. Pero paano? Hindi na niya alam ang kahulugan ng salitang pag-move on.
_____
NAG-INIT ang ulo ni Fausta nang malaman kung ano ang sinabi ni Atarah sa serbidor. The woman told the waiter to give the drink to Zen. Nakita niya kaninang may hawak itong pildoras at inihalo sa inuming pinabibigay nito sa binata. Ano ang karapatan nitong gawin iyon kay Zen?
Nasa Club Obtuse sila at kasama niya si Tally. Kanina pa nila inoobserbahan ang anak ng senador. The woman reminded her so much of her younger self.
“I’ll call the waiter,” presenta ni Tally.
Nanatili lang siya sa kinauupuan. Her gaze fell on the access card in her hand. They call it the black orb. It was a metal card in a shape of an orb with gold writing. Hindi niya alam kung paano nakakuha niyon si Tally pero hindi na mahalaga kung paano. Ang mahalaga ay nakapasok sila.
Inikot niya ang tingin sa paligid. Hindi niya mahanap ang kaibigan. Saan ba ito nagpunta? She checked the time in her phone. Kanina pa pala siya nakaupo doon nang mag-isa. Nang dumako ang tingin niya sa kinauupuan kanina ni Atarah ay wala na ito roon. Where did she go?
“Let’s go,” yakag sa kanya ni Tally na bigla na lang sumulpot sa kanyang harapan.
"Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap.”
“May inasikaso lang ako. Tara na.”
“Pero si Zen?”
“He’s safe now. I did you a little favor, you know. Alam ko kasing hindi ka aalis dito hanggang hindi mo nasisigurong safe si Zen.”
Tumayo siya at lumingap sa paligid. Umawang ang labi niya nang makitang nakatingin sa kanya si Zen. Nakaupo ito sa di-kalayuang mesa at may hawak na baso ng whisky. It looked like he had been sitting there for a while now. Kanina pa ba ito nakatingin sa kanya? His face gave away no trace of emotion.
Her chest tightened. She missed him so much. Gusto niya itong lapitan pero bago pa niya nagawa iyon ay nahawakan na ni Tally ang kamay niya at nahila na siya palayo. Napahugot na lang siya ng malalim na paghinga at humakbang na palayo.
_____
FAUSTA couldn’t forget Zen’s face that night at Club Obtuse. Hindi niya makalimutan ang tiim ng pagkakatitig nito sa kanya kahit na hindi na ulit sila nagkita pagkatapos ng gabing iyon. Natutop niya ang dibdib. She missed him so much but seeing him only makes her heart hurt so bad. She took deep breaths.
Nahiga na siya sa kama para matulog nang tumunog ang phone niya. She checked the number only to stiffen. Kahit na taon na ang lumipas ay hindi niya pa rin binubura ang numero ni Zen. Nanginig ang kamay niya nang pindutin niya ang accept button.
“S-sino 'to?” tanong niya kahit na alam naman niyang si Zen iyon.
“Fausta. When will you stop doing despicable things? Maraming taon na ang lumipas. But you’re still you,” matigas na sambit ni Zen.
She was confused. Hindi niya ito maintindihan. “A-ano ang—”
Pinutol na nito ang tawag. Napabuntong-hininga na lang siya. Ayaw na niyang isipin ang mga bagay na sinabi nito. She was so tired. Her heart had been weary for a long time now.
Pero hindi tumigil ang mga tawag ni Zen. She would get calls from him every now and then. Tatawagan siya nito para lang laitin at pagsalitaan ng masama.
“I hate you, Fausta. I will never forgive you,” anito nang tawagan uli siya nito.
Nanghina siya at nabitiwan ang kubyertos kaya napatingin sa kanya si Sebastien na kasalo niyang maghapunan. “Is it him?”
Hindi siya kumibo.
Walang pasabing inagaw ni Seb ang cellphone niya. “Stop calling Faustina, okay?”
“Then tell her to stop doing awful things to other people. Sabihin mo kay Fausta na manahimik na lang siya at maging masaya na lang kasama mo.”
“Walang ginagawa si Fausta sa inyo.” Seb ended the call and turned off the phone. “Do not turn it on. I’ll get you a new number.”
“Pero—”
“Do not refuse, Fausta. Makabubuti sa iyo ‘to. Ayoko nang pagdaanan mo ulit ang pinagdaanan mo noon. Gumaling ka na, babalik ka pa ba sa kalagayan mo noon? I'm sorry, but I won't let you ruin yourself again.”