Chapter 18 Divina's POV Isang malakas na sabunot ang bumulaga sa akin bago pa man ako makasunod kay Mr. Ferrer sa kaniyang kotse. Nabigla na lang ako dahil may sumabunot sa akin. Nang bitawan nito ang buhok ko. Kaagad akong humarap dito. Ganun na lang ang pagkagulat ko nang tumambad sa aking harapan ang hilaw kong biyenan. Galit na galit at parang gustong manakit pa ulit. "Ito lang ba ang pinagkakaabalahan mo sa buhay mo? Ang lumandi sa iba or makipag-date sa mga lalaki?" galit na galit na sigaw nito sa akin. Sa lakas ng boses niya ay rinig na rinig ito ng mga taong dumadaan sa parking lot. "Nagkakamali po kayo, Mama," kaagad na sabi ko. "Anong nagkakamali? Ako pa ngayon ang nagkakamali? Kitang-kita na nga ng dalawang mata ko! Nakikipag-date ka sa ibang lalaki. Kawawa lang ang a