Divina's POV Nasa kalagitnaan ako ng pag-take ng order ng customer nang bigla na lang tumunog ng malakas ang aking cellphone. Nagmadali akong kapahin para patayin at ma-cancelled kung sino man ang tumatawag sa akin. "Sorry, ma'am," kaagad na hingi ko ng pasensya. Napatingin kasi ang dalawang Ginang sa akin. Baka mamaya ay magalit ang mga ito sa akin dahil disturbo ang aking cellphone. "It's okay, it's okay, maybe better if you answer who is calling you. We are also done ordering." saad nito. Mabuti na lang at mababait ang mga ito. "Salamat po, ma'am." kaagad na umalis ako sa kanilang harapan para tingnan kung sino ang tumatawag sa akin at nang didisturbo sa gitna ng aking trabaho. Nagtungo ako sa locker para saguutin ang hindi pa rin tumitigil na tumatawag sa akin. Kanina pa k