Chapter 17 "If you love, you can forgive him even if he only apologizes once. Give someone a chance. I know it's not easy to forgive, but forgiveness will release the hatred you feel there in your heart." ------ Isang maingay ang bumalabog sa labas ng silid na kinaroroonan ni Divina. Katatapos niya lang magbihis dahil utos ni Gariet na magbihis siya bago lumabas ng silid. Siguro ay may hinihintay talaga itong bisita kaya pinagbihis siya. Nang makalabas sa silid. Bumulaga sa kaniyang harapan ang mga kaibigan ni Gariet. Natigilan naman ang mga ito ng makita siya. Hindi niya inaasahang mga kaibigan pala ni Gariet ang kanilang bisita. "Hi, Divina! Sorry, naka-disturbo ba kami?" tanong ni Fred na ngiting-ngiti sa kaniya. Pinamulahan siya sa tanong ni Fred. Na-disturbo nga sila ng