2

1416 Words
*Anne's POV* Hindi ako papayag! Ano? Sunud-sunuran lang ako? Never! Kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa Office ni Ms. Ybarrez. Ilang katok lang at pinagbuksan na niya ako.  'Ms. Diaz" halatang nagulat siya nang makita ako. Hindi na ako nagulat dahil alam kong kahit Professors ay natatakot din sa akin. Buti nga naipapasa nila ako.  "Ma'am ayoko pong partner si Lucifer" sabi ko tsaka ako napapadyak. Impakto ang makakasama ko, gusto ba nila na hindi ako makagraduate dahil isang demonyo ang model ko.  "Who?" tanong nito sabay kunot ng noo.  "Si Lucifer po! Hindi kayo updated, Ma'am. Si Lucifer ang kampon ng kasamaan na mas kilala sa school natin sa pangalan na Thesues" "Maria Sinukuan!" mataas na boses na tawag niya sa akin. Siguro nagulat siya dahil ang crush ng bayan at crush ng university na ito ay demonyo sa mga mata ko. Well, sorry pero kahit kailan hindi ako matatakot sa Thesues na iyon o kahit sa kaninong alagad niya. Kaya ipipilit ko na si kenneth ang partner ko dahil alam kong maganda ang kinabukasana ko kapag si kenneth ang kaparehas ko.  "Ma'am, kahit tawagin niyo po ako sa buong pangalan ko ay hindi po talaga ako makakapayag na ang Lucifer na iyon ang partner ko. Hindi po!" "That's the President's order, unless you don't want to walk on March that will be your lose" anito tsaka siya tumalikod at muling pumasok sa loob ng office niya.  Para naman akong natalo. Kung hindi lang sana Winter Sonata ang nabunot ko sa Photography edi hindi sana ako nahihirapan ngayon. At mukhang wala na din akong magagawa pa at kailangan maging kapareha ko ang Lucifer na iyon.  OO! Papayag ako na maging Partner siya pero hindi ako makakapayag na maging girlfriend niya. ABA! Sinuswerte naman siya kapag nagkataon.  Titiisin ko ang mga araw na magkasama kami kaysa sa mabwisit ako. Tama! Ilang taon na din naman kami magkasama kaya ang pagsasama namin sa loob ng isang linggo sa Anawangin, Zambales ay hindi na mahirap sa akin.  Kasi naman! Ang layo ng location ng bwisit na Winter Sonata na yan. Talagang nilayuan ata para hindi magambala. To think na one week pa. Pero teka--one week, ibig sabihin kailangan din umalis ni Lucifer dahil kailangan ito sa mga kung ano-anong shoots nito sa Maynila.  Naramdaman ko na lang ang kamay na pumatong sa balikat ko at napatingin na lang ako sa katabi ko. Biglang parang gusto kong suntukin ang mukha niya at ang katawan niya dahil sa walang brain na pag-iisip niya.  "Anawangin, right?" ngumisi ito pero hindi ko siya pinansin. Tinanggal ko din ang kamay niya sa balikat ko.  "May germs ka bawal kang dumikit sa akin" tsaka ako humakbang nang mabilis palayo sa kanya. Pero naabutan pa niya ako. Kulang na lang ay hampasin ko ang pagmumukha nang isang ito para pumantay man lang ang kayabangana sa lupa.   "Ba, kahit umayaw ka destined talaga na magsama tayo. Tignan mo, artista ako tapos ikaw hamak na mortal ka lang--" Naningkit ang mata ko sa sinabi niya "Hamak na mortal lang ako at ikaw ang demonyo na napakayabang magsalita. Get lost!" sabi ko sa kanya tsaka ako tumakbo papalyo sa kanya. Mabuting umuwi na lang ako para naman mawala ang lahat ng init ng ulo ko.  Agad akong pumara ng jeep at doon sumakay. Isinalpak ko na lang ang head set sa tenga ko para maging maayos ang pag-iisip ko. Mas trip ko ang mga classical musics dahil narerelax ang utak ko. At para mrelax man lang sa kakaaway sa akin ni Lucifer.  ** Nagising na lang ako mula sa pagkakaidlip ko nang biglaang pumreno ang jeep. Muntikan pa akong mauntog sa bakal. Tinignan ko ng masama ang driver at ang daanan kung bakit muntikan na akong mauntog. Isang nag-aaway na aso at pusa. Wow! Aso at Pusa talaga. Parang kami lang ni Lucifer. Tinignan ko ang lugar. Swerte pa din pala dahil malapit na sa amin. Agad akong bumaba at nilakad na lang ang daanan papasok sa lugar namin.  Hindi pa nagtatagal ay nakita ko na ang gate namin. Ngumiti na ako. Ang bahay namin ang safest place para sa akin. Lahat ng kasiyahan ko ay nasa bahay namin na yan. Tinakbo ko ang natitirang daanan at binuksan ang gate namin.  Pagbukas ko ay nakita ko kaagad ang Ate Maki ko at ang mga pamangkin ko na si Phoebe at Phoenix. Ang 3 years old ko na pamangkin na anak ng aking Ate Maki sa Childhood Sweetheart niya na si Perseues na kapatid ni Lucifer.  Kung bakit sila naghiwalay, hindi ko din alam basta ang nasabi ni Ate ay mas mataas na pangarap daw si persues at hindi daw siya kasama sa pangarap na iyon pero akalain mo iyon. Nag-iwan pa ng souvenir ang hinayvpak na lalaking iyon sa amin.  Si Phoenix Miguel at Phoebe Meredith mas matanda si phoenix ng 2 minutes kay Phoebe at sobrang identical silang dalawa at dahil maldita ang ate ko pinahaba niya ang buhok ni Phoenix kaya mukhang Phoebe din siya,  Hindi kolang sure kung alam ni Persues na may anak sila ni Ate pero base kasi sa pagkukwento ni Lucifer ay mukhang wala pa silang alam tsaka tinago talaga ni Dad at Mom ang pagbubuntis ni Ate pero supportive naman sila sa amin at tuwang-tuwa nga sila dahil mayroon na daw silang Apo. Si Ate Maki naman ay plano na rin bumalik sa New jersey kasi doon siya nakabase ng trabaho at isasama na daw niya ang kambal pero ayaw nila Mom dahil sakit daw ako sa ulo at ang kambal ang pampasaya daw nila.  "Sinukuan"  Bigla akong nagsimangot nang tawagin ni Ate Maki ang buo kong pangalan. Ngumiti na lang ako ng lumapit sa akin ang mga Pamangkin ko tsaka ko sila tinadtad ng halik sa mukha. Binuhat ko si Phoebe dahil siya ang pinakasweet samantalang si Phoenix ay talagang mas gusto ang Mommy niya.  "Maria Makiling" ngumisi ako. Maria Makiling si Ate at ako si Maria Sinukuan. Paano si Mom ay si Magayon, isunod daw ba sa mga bundok. Pero sanay na ako at least Unique.  "Aga mo ah" puna niya sa akin. Tumabi ako sa kanila sa terrace kung saan nag-a-art silang mag-nanay. Magaling kasi si Ate sa Art at talagang artistic siya sa sobrang artistic niya nadala niya sa kama at ang resulta ay ang magnificent arts niya namely Phoebe and Phoenix.  Pero totoo na. Magaling talaga si Ate sa art kaya nga siya nagustuhan ni persues dahil doon. Si Ate lang ang nakapag-paint kay Persues ng Nude kaya siguro nabuo ang kambal. Minsan nga napapaisip ako eh kung paano nagawa ni Ate na mabuo ang kambal eh lagi naman siyang nasa bahay  Inabot ko ang bag ko at inilabas ang bigay ni Lucifer na box kay ate pero nakita ko doon ang paper bag na bigay niya sa akin. Titignan ko iyon mamaya pero kailangan ko muna ibigay kay Ate ang kanya.  "Ate pinabibigay ni Persues ng buhay mo" inilapag ko yung box sa harp ni Ate. Bigla siyang sumimangot bago dinampot at binuksan ang box, isang bracelet na mamahalin  at dalawang maliit pa na bracelet na may nakalagay na Phoebe at Phoenix.  Agad kaming nagtinginan ni Ate sa isa't isa. Alam na ni--- Agad na binalik ni Ate ang bracelet sa box at hinila ang kambal, iniwan lang niya ang box "Mom! Babalik na po kami ng mga anak ko sa NJ! Agad-agad po!" halatang nagulat ang mga pamangkin ko sa sinabi ni Ate pero hindi na ako sumunod sa kanila pagpasok. kasi kahit saan naman magtago si Ate ay susundan lang siya ni Persues, alam nga nito na may maliliit pa siyang anak eh. Umupo ako sa pinag-iwanan nila Ate at kinuha ang paper bag na may laman ng kung ano mula kay Lucifer. Bnuksan ko iyon at isang box ang nakita ko. Nakabalot pa iyon kaya kaagad kong binuksan at isang box ng latest na dslr camera ang naroon. Yung handy na DSLR.  Gusto ko sanang buksan pero hindi pwede dahil hindi naman iyon akin at kailangan kong ibalik iyon kay Theseus. Ibabalik ko na sana sa paper bag nang mabasa ko ang maliit na papel na nakadikit doon. Binasa ko ang nakasulat Para sa pinakamasungit na babae sa buhay ko. ;) Gamitin mo yan dahil mas gagwapo ako diyan. -Theseus  Biglang lumkas ang kabog ng dibdib ko ng mabasa ko ang note na yun. Impakto talaga ang isang iyon! Ginagawang abnormal ang t***k ng dibdib ko. Humanda siya sa akin bukas.  *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD