3

1216 Words
*Anne's POV* Naglalakad ako sa hallway ng Campus at maaga pa talaga dahil 6:30 pa lang ng umaga gusto ko kasi na kuhaan ang magagandang spot ng school hangga't wala masyadong tao.  Mas trip ko ang sceneries compared sa mga portrait ng mga tao. Inilabas ko ang DSLR ko at nasa bag ko naman yung DSLR ng Demonyo. Actually kagabi tinitignan ko yung box at binabasa yung specifications at sobrang ganda talaga niya. Iyon ang latest model at ang mga classmates ko ay mayroon na nun. Ako ang dukha na nangangailangan nun.  Itinapat ko sa harap ng isang bulaklak na may hamog pa. Magandang subject iyon kaya kinuhaan ko siya. I like Art kaya ako nakakabuo ng mga ideas sa utak ko.  I have died everyday Waiting for you Darlin don't be afraid I have loved you for  A Thousand Years I'll love you for a  Thousand More Napabalikwas ako ng marinig ko ang kantang yan. Paborito ko ang 'A Thousand Years' at sinasabi ko talagang may kumanta lang sa akin niyan, siya na ang Lalaking mamahalin ko. So far napaka-precious niya at most of the times ay babae lang ang naririnig kong kumanta niyan.  Napangiti ako. Mukhang magiging maganda ang umaga ko dahil narinig ko ang Favorite song ko. Kaya sinabayan ko siya habang naghahanap habang naghahanap ng bagong subject. 'Darlin' don't be afraid...lalalala..love you for a thousand more.." Pero biglang huminto yung kanta. Napatingin ako sa speaker na nagkalat sa School. Malamang nagkakaroon na naman ng technical problem. Huminga ako ng malalim. Sayang. Naglakad-lakad pa ako hanggang makaabot ako sa Field. Kinuhaan ko mula sa kinatatayuan ko ang University namin. Sobrang ganda talaga ng St. Anne University. Isa ito sa kilalang University sa buong Pinas at ang maging Scholar at makapag-aral dito ay privilege na talaga. "Heart beats fast Colors and Promises... How to be brave..." Nafroze ako sa kinatatayuan ko at para akong may stiff neck na ayaw lumingon sa likuran dahil kumabog ng malakas ang dibdib ko. Nagkakaroon ng giyera ang mga alagad ko sa Tiyan at ang puso ko nagiging abnormal ang t***k.  "...I have died everyday waiting for you. Darlin' don't be afraid I have loved you, for a Thousand years, I'll love you for a Thousand More." Huminga ako ng malalim at kinagat ko ang dila ko para tignan kung totoo ang nangyayari at mukhang totoo nga talaga. Pakshemay!  "Maria Sinukuan" Para akong si The Mummy habang dahan-dahan kong iniikot ang ulo ko at tignan kung sino iyon. Nagmula ang tingin ko sa paanan. Naka-suot siya ng pulang vans at maong tapos yung suot niyang t-shirt...napalunok na ako hanggang sa umabot ang dako ng tingin ko sa muk--- "Maria Sinukuan Diaz!" Napatalon ako sa lakas ng sigaw sa tenga ko. Nakapikit pa din ang mata ako pero ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko hanggang sa idilat ko ang mata ko at ang una kong nabungaran ay- "Lucifer!" Agad akong napalayo at halos mahulog sa bangko dahil sa poagkadungaw niya sa akin. Naknangsanlibongtinapa nga naman oh. Nananaginip lang pala ako pero parang..parang totoo talaga siya. Napahawak ako sa dibdib ko.  Kasalukuyan kasi akong nasa PPM Guild o Picture Perfect Memories Guild, na samahan ng mga adik sa photography at ako ang Senior Adviser nila. Kahit ang president nila ay takot sa akin. At ang alam ko ay bawal pumasok ang hindi member ng club namin.  Umayos ako ng tayo at pinagpag ang suot kong puting t-shirt at inayos ang suot kong floral short at ang buhok ko ay madali kong inayos. Nakatngin lang siya sa akin hanggang sa ngumisi siya, napatigil ako sa ginagawa ko. "Bakit?" tanong ko sa kanya.  "Wag ka na magpaganda, sungit. Inlove na nga ako sa iyo baka mas mainlove ako sa iyo" anito tsaka sumandal sa visitors couch ng office ko.  "Epal ka! Bawal kang magsalita dito kasi virus ang bawat salitang lumalabas sa bunganga mo." itinigil ko na dina ng pag-aayos ko dahil nanginging na ang kamay ko. Tinignan ko ng masama ang aircon dahil baka yung aircon ang may kasalanan kaya ako nanginginig.  Nahagip ng tingin ko ang bag ko dinampot ko iyon at kinuha ang paper bag na laman ang camera na bigay niya sa akin.  "Salamat na lang pero hindi ko kailangan yan" lumapit ako sa kanya at inilapag sa tabi niya. Tumingin lang siya doon tsaka nagbalik ng tingin sa akin.  "Kailan ang shoot natin? Pwede ko bang mahingi ang schedule kasi kailangan mailagay sa schedule ko yan. Mahirap kasi ang sabay-sabay" Aba't! Ang yabang talaga ng isang ito. Hindi man lang pinagtuunan ng pansin ang paper bag niya. Tumalikod na lang ako at inabot sa kanya ang isang papel na naglalaman ng schedule niya.  "Binago ko ang concept. Nilagay ko si Heide bilang partner mo sa Photoshoot. Ayokong tayong dalawa lang dahil baka mang-manyak ka lang o kaya mamaya magkaroon lang ng giyera kaya  mas mabuting may ksama tayong iba" ngumisi ako ng makita ko siyang sumimangot bago inilabas ang cellphone niya at iniabot sa akin.  'Tatapon ko na?" tanong ko ng inabot ko naman iyon.  "Pwede din" sagot nito tsaka kinuha ang wallet sa pantalon. Nakita ko ang isang picture pero nakatalikod lang yung tao doon. Hinablot ko ang wallet niya. Hindi naman siya pumalag kaya pinakatitigan ko ang picture pero walang mukha eh. Nakatalikod lang at parang nakatanaw sa kung saan.  "Crush mo?" tanong ko sa kanya. Inilahad niya ang kamay niya kaya ibinato ko ang wallet sa kanya.  "Mahal ko" simpleng sagot niya at parang may tumamang bato sa dibdib ko na hindi ko naman dapat maramdaman dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin ay may mahal na siya? kaya para hindi niya makita ang reaksyon ko ay bumaling ako sa cellphone niya na may picture din ng babaeng iyon. Parang pamilyar pero hindi ko matukoy.  Mukhang bata pa eh. Nakaside view at nakasuot ng isang yellow sun dress.  "Number mo. Ilagay mo diyan" At para naman akong nahipotohismo at nilagay ang number ko doon tsaka ibinalik sa kanya. Shet! Speechless ako. Parang first time ay hindi ko nagawang makipaglaban ng salita sa kanya.  "Good. Nga pala, may date tayo mamaya. Okay na yang suot mo pero lalabas kasi tayo sa Public kaya sana mag-ayos ka" "Ano? Teka parang hindi ko alam na pumayag ako na maging girlfriend m--" "The mere fact that I'm your model, you're my girlfriend" kumindat ito sa akin. "Magbukas ka ng mga media sites sa internet, nagbibigay na ako ng hint na may girlfriend na ako" tumayo ito at lumapit sa akin "Picture tayo, ba. Para naman tayo na ang icon ko sa twitter" hindi ako nakahuma ng ilabas niya ulit ang iPhone niya at kuhaan kaming dalawa at mas lalo akong hindi nakahuma ng iharap niya ako sa kanya.  Natitigan ko ang gwapo niyang mukha kaya ang kabog ng dibdib ko ay sobrang kakaiba. Kung normal na pangyayari ay hinahampas ko na ang mukha niya sa pader pero parang may force na nagpipigil sa akin na saktan ko siya. Para din akong hindi makahinga, Nak ng-- ano ang nangyayari sa akin?! "May exam ako. kailangan ko ng good luck kiss, ba' " at bago pa ako lumayo s akanya ay nahila na niya ako at nahalikan sa labi. Isang halik na yumanig sa pagkatao ko.  Juice Colored. Hindi pwede! **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD